Trapik papunta sa opisina. Maraming deadlines. Overtime. Ilan lamang ito sa mga hinaharap nating mga Pilipino araw-araw para matustusan ang ating mga pangangailangan. Pero sa kabila ng pagkaabala natin sa trabaho, hindi natin dapat kalimutan ang ating kalusugan. Paano nga ba tayo makakapagrelax habang nasa opisina at paano nga ba natin mapapadali ang ating trabaho?
Maraming paraan para makatulong sa atin na makapagpahinga sa opisina. Narito ang ilan sa mga tips na maaaring gawin:
- Breathing techniques
Isa ang pagprapractice ng tamang paghinga sa mga paraan para makapagrelax sa opisina. Tuwing nakararanas tayo ng stress, anxiety at pressure mula sa ating mga trabaho, nag-iiba ang ating paghinga. Mas bumibilis ito at maaaring magdulot ng tinatawag na hyperventilation o ang paghinga ng napakabilis. Kapag nagkakaroon ng hyperventilation ang isang tao, mas marami ang nilalabas na hangin nito sa katawan kaya naman mas dumarami ang carbon dioxide sa katawan.
Para maiwasan ito, may tatlong technique na maaaring subukan:
Normal na paghinga o paghinga gamit ang tiyan
Ito ang magandang paraan ng paghinga buong araw.
- Dahan na dahan na mag-inhale ng sapat na hangin gamit ang ilong. (Kapag ginawa ito, ang tiyan dapat ang mag-eexpand at hindi ang dibdib.)
- Dahan dahan nang mag-exhale.
- Ulitin lamang ang technique na ito habang nagrerelax.
Paghinga ng kalmado
Sundin ang technique na ito sampung beses isang araw tuwing may office breaks at tuwing nakakapagpahinga sa pagitan ng mga project na tinatapos para mabawasan ang tension at stress sa katawan.
- Huminga ng mahaba at malalim gamit ang ilong.
- Pigilan ang hininga sa bilang ng tatlo.
- Dahan dahan na mag-exhale habang nakasara ang bibig at habang nagrerelax ang muscles sa mukha, panga, balikat at tiyan.
Kalmadong pagbibilang
Mas tagal itong gawin kumpara sa dalawang techniques kaya naman mas maganda itong paraan upang makalimutan ang stress at mga pangamba. Tandaan na kapag gagawin ito, matutong mag-focus sa paghinga at hindi sa mga negatibong bagay.
- Umupo ng kompartable.
- Huminga ng mahaba at malalim habang binubulong ang word na “relax”
- Ipikit ang mata
- Huminga pa ulit ng sampung beses at magbilang sa bawat pag-exhale. Magsimula sa sampu.
- Habang humihinga, mapapansin na nababawasan na ang mga tension na nararamdaman sa katawan.
- Kapag umabot na ang pagbibilang sa isa, buksan na muli ang mga mata.
- Sunlight exposure
Kung kailangan mo na magkaroon ng mas positibong pakiramdam, maaaring makatulong ang pagtapat sa sinag ng araw. Ayon sa pag-aaral, positibo ang epekto ng mga natural elements (mga puno at halaman) at sunlight sa job satisfaction ng mga empleyado. Ang mga ito ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure at sa pagbawas ng stress sa katawan. Maaari rin nitong maiwasan ang pagkakaroon ng depression at anxiety sa opisina.
- Makinig sa musika
Isa rin sa mga epektibong paraan para makapagrelax sa opisina ay ang pakikinig sa radio o sa mga paboritong kanta. Ayon sa pag-aaral, mas bumababa ang stress level ng isang tao kapag nakikinig ito sa musika. Kaya naman kung may bakanteng oras, huwag mag-alinlangan na making ng iba’t ibang klase ng music. Siguraduhin lamang na hindi ka nakakaistorbo sa iyong mga ka-opisina!
- Magdala ng citrus fruits
Ayon din sa mga eksperto, ang pagkain at pag-amoy ng mga prutas tulad ng orange ay nakatutulong upang maibsan ang sintomas ng anxiety at nakatutulong din ito upang maging mas magaan at masaya ang mood ng isang tao. Maaaring magdala ng oranges sa opisina para mabawasan ang pagod at stress at kainin at amuyin ito hindi lamang tuwing lunchbreak kung hindi pati na rin kapag may bakanteng oras. Para rin hindi magkulang sa vitamin C na nakukuha sa mga citrus fruits ang ating katawan, maaaring uminom ng RiteMED Ascorbic acid para sa mas malakas na resistensya.
- Massage at stretching
Hindi kailangan ng dalawang oras na yoga session sa opisina para lang makapag-relax. Maaaring mag unat ng katawan at i-massage ang kamay na pagod sa pagsusulat o paggamit sa kompyuter. Maaari ring mag-jogging sa mismong pwesto para mabawasan ang epekto ng stress. Dahil sa pagod at mahabang araw ng pagtratrabaho, maaaring makaranas rin ng sakit sa likod at balikat. Para sa body pain medicine, maaaring pumunta sa malapit na botika at hanapin ang RiteMED Paramax.
- Aromatherapy
Epektibo din and paglalagay ng essential oils sa diffuser sa opisina o di naman kaya ay ang pagpapahid nito sa kamay o ulo para mabawasan ang stress. Maari ring gumamit ng RiteMED Relaxing oil with sweet orange oil na mainam sa pagtanggal ng stress at tension. Kapag nakaramdam din ng pananakit ng ulo, maaaring uminom na agad ng RiteMED Paracetamol o RiteMED Ibuprofen.
Ilan lamang ito sa mga tips upang makapagrelax sa opisina. Tandaan, mainam pa rin na regular na magpakonsulta sa doktor kahit na abala sa trabaho para makasigurado. Bigyan ng tamang alaga ang sarili dahil mahalaga ito kumpara sa kahit anong posisyon o trabaho.
Sources:
https://www.anxieties.com/57/panic-step4#.XY-UekYzbIU
https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0155614
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0306453015002127?via%3Dihub
https://greatist.com/happiness/40-ways-relax-5-minutes-or-less#scent