Pamamahala ng Sintomas ng Lagnat: Isang Komprehensibong Gabay

October 17, 2025

Ang lagnat ay isang pansamantalang pagtaas ng temperatura ng katawan na karaniwang mekanismo ng immune system laban sa impeksyon. Bagama't hindi ito karaniwang seryosong kondisyon, mahalagang malaman kung paano ito mapamahalaan nang tama upang maiwasan ang paglala at komplikasyon.

Ano ang Lagnat?

  • Ang lagnat ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan higit sa normal na 37°C bilang paraan ng paglaban ng katawan sa impeksyon.(1) 

Paano Sukatin ang Lagnat

  • Maaaring gamitin ang thermometer sa bibig (oral), singit (axillary), tainga (tympanic), at puwit (rectal). Ang pagkuha ng rectal temperature ang pinakamainam lalo na sa mga sanggol.(2) 

Mga Karaniwang Sintomas Kasabay ng Lagnat

  • Panginginig o pagkaginaw (chills and shivering)
  • Pagpapawis
  • Pananakit ng ulo at pagsakiti ng kalamnan
  • Panghihina
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Iba pang sintomas gaya ng pagsusuka, pagtatae, o pantal na maaaring magpahiwatig ng mas seryosong sakit.(2) 

Ano ang Dapat Gawin Kapag May Lagnat?

  • Magpahinga nang sapat upang mabigyan ng pagkakataon ang katawan na labanan ang impeksyon.
  • Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.  
  • Gumamit ng mga over-the-counter na gamot tulad ng paracetamol para mapababa ang lagnat at maibsan ang sakit.  

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?

  • Kung ang may lagnat ay sanggol na mas bata sa 3 buwan at may lagnat na higit sa 38°C, dalhin agad sa pinakamalapit na ospital o emergency department.
  • Kung ikaw o ang iyong anak ay may lagnat na tumatagal ng higit sa tatlong(3) araw at hindi gumagaling sa sariling pag-aalaga.
  • Kakagaling lang sa ospital, operasyon, o anumang medical procedure.
  • Kakauwi lang mula sa biyahe sa ibang bansa.
  • Kasalukuyang ginagamot sa cancer o umiinom ng gamot na nagpapahina ng immune system.
  • May iba pang sintomas na nakakaalarma o nakababahala sa iyo.

Kailan Dapat Magpunta Agad sa Emergency Room (ER)?

Para sa Matatanda:

Magpunta agad sa ER kung may lagnat kasabay ng mga sintomas na ito:

  • Matinding sakit ng ulo
  • Sobrang pagiging sensitibo sa liwanag
  • Hindi pangkaraniwang pantal sa balat
  • Paninigas ng leeg
  • Pagsusuka
  • Pagkalito o pagiging balisa
  • Patulug-tulog o hirap magising
  • Hirap sa paghinga
  • Matinding pananakit ng tiyan
  • Pagkakaroon ng hallucinations (nakakakita o nakakarinig ng wala)
  • Pagkakumbulsyon o seizures

Para sa Bata:

Dalhin agad sa ER kung ang bata na may lagnat ay:

  • Mas bata sa 3 buwan
  • Mukhang dehydrated o ayaw uminom
  • Paulit-ulit ang pagsusuka
  • Antukin o hindi tumutugon nang normal
  • Hirap huminga
  • Labis na balisa o hindi mapakali

Mas mabuti nang magpakonsulta agad kaysa ipagsawalang-bahala ang lagnat, lalo na kung may kasamang seryosong sintomas.

Mga Dapat Iwasan Kapag May Lagnat

  • Huwag takpan o suotan ang pasyente ng masyadong makakapal na kumot o danit upang maiwasan ang sobrang init.
  • Iwasan ang biglaang pagpapababa ng temperatura gamit ang malamig na tubig o yelo na maaaring magdulot ng panginginig.

Paano Maiiwasan ang Lagnat

  • Panatilihin ang kalinisan sa bahay, lalo na ang madalas na paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo.  
  • Uminom ng tamang bitamina at panatilihin ang malusog na diyeta upang mapalakas ang immune system.

Komplikasyon ng Lagnat(3)

  • Febrile convulsions – Ito ay mga kombulsyon o pangingisay dulot ng mabiliis na pagtaas ng lagnat. Ito ay karaniwang nakikita sa mga batang may edad 6 na buwan hanggang 6 na taon. At dahil bihira itong mangyari sa mga adult, posibleng may ibang kondisyon, maliban sa fever, ang nagdulot ng febrile convulsions. Walang pangmatagalang epekto ang febrile convulsions sa karamihan ng mga bata, ngunit mainam na kumonsulta sa doktor kung nangyari ito o kung may pag-aalala ang magulang.

Sa tamang pangangalaga, sapat na impormasyon, at maagap na konsultasyon, mapapamahalaan natin nang maayos ang lagnat at mapanatili ang kalusugan ng lahat sa ating pamilya. Huwag pabayaan ang lagnat na magdulot ng panganib, kumilos na agad sa tulong ng inyong doktor. Mainam ding tingnan ang mga RiteMED products tulad ng RiteMED Paracetamol na maaaring makatulong sa inyo.

Sources:

  1. Balli, S., Sharan, S., & Shumway, K. R. (2023, September 4). Physiology, fever. PubMed; StatPearls Publishing. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK562334/
  2. Mayo Clinic. (2022). Fever - symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fever/symptoms-causes/syc-20352759
  3. Healthdirect Australia. (2024, April 3). Fever. Normal and High Temperature Range, When to See GP | Healthdirect. https://www.healthdirect.gov.au/fever