Minsan bigla na lang may sumasakit na parte ng katawan lalo na kung matagal nang nakaupo sa tapat ng mesa, laging tutok sa computer, at hindi maiwan ang puwesto dahil abala sa pagtatrabaho. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, maraming tao ang hindi makalabas ng bahay.
Importante ang exercise sa isang indibidwal dahil nagdudulot ito ng mas maayos na sirkulasyon ng dugo sa katawan at nauunat nito ang mga masel para mas maging efficient ang mga ito. Maraming tao rin ang walang access sa ilang kagamitan sa gym na nakapagpapadali at nakatutulong sa pag-eehersisyo.
Bukod sa kakulangan ng kagamitan, dahil ang set-up ng ilang indibidwal ay work at home, hirap din ang mga ito sa madalas na pagsasabay ng gawaing bahay at gawain sa trabaho. Lalo na kung ang naghahanap-buhay ay may pamilyang umaasa sa pagkilos nito.
Walang kagamitan? Walang problema!
Dito pumapasok ang importansya ng stretching exercises. Dahil marami sa mga ehersisyo na kabilang dito ay hindi nangangailangan ng extra na kagamitan, umaakma ito sa sitwasyon ng maraming Pilipinong natetengga sa kanilang work desk buong araw.
Maraming benepisyong maibibigay ang iba’t ibang types of exercises sa work area. Sa katunayan, iginiit na ito ng American College of Sports and Medicine at ng Journal of Workplace Health Management. Sabi ng mga ito, ang pag-upo nang labis na oras sa iisang lugar ay makapagdudulot ng seryosong komplikasyon sa kalusugan. Bukod pa ito sa kanilang pag-aaral na naapektuhan nito ang kanilang performance at engagement sa mga gawain.
Ayon din sa kanilang pag-aaral:
- 60% ng empleyado ang nagsasabing mas humuhusay ang kanilang time-management, mental fortitude, at kakayahang tapusin ang mga gawain sa deadline kapag sapat ang kanilang ehersisyo;
- 27% ang nagsabing mas madali nilang nakokontrol ang kanilang stress kapag nakapag-ehersisyo; at
- 41% ang nagsabing nagkakaron sila ng mas mataas na motibasyon sa pagtatrabaho tuwing nakakapag-ehersisyo.
Exercise tips bago sumabak sa trabaho
Para matulungan ang marami na mahikayat mag-ehersisyo, narito ang ilang mungkahing warm-up exercises upang ganahan sa pagtratrabaho at maiwasan ang ilang ngalay at ngawit na madalas maramdaman.
- Neck Tension Relief
Para mas maging maayos ang katawan, mag-unat lamang ng leeg. Masisiguro nitong makakaiwas sa stiff neck at back pain at mas liliit ang tiyansang sumakit ang ulo sa buong araw. Mukha man itong masyadong madali, epektibo itong panimula sa mahabang araw ng trabaho.
Ipatong ang mga kamay sa bunbunan at ibaba ang ulo hanggang madikit ang baba malapit sa dibdib. Iikot-ikot ang ulo pakanan at pakaliwa pagkatapos. Isunod ang pag-ikot rin sa mga balikat.
Pakinggan ang katawan. Kung biglang may sumakit, huminto saglit.
- Modified Jump Rope
Kung walang jump rope na maaaring gamitin, ayos lang din. Maaaring magpanggap na mayroong lubid at tumalong nang naaayon kung paano ito gawin nang may jump rope. Isa rin itong epektibong cardiovascular exercise para sa baga. Mabilis rin itong makapagpapayat. Ang isang 15-minutong mabilis na jump rope exercises ay halos katumbas ng tatlong oras na jogging.
- Chest Opener
Epektibo ito upang maiwasan ang shoulder pain. Isa rin ito sa pinaka-epektibong back pain exercises. Umupo nang tuwid sa dulo ng upuan, ilagay ang dalawang kamay sa batok, unti-unting pagtagpuin ang mga siko habang ibinababa ang ulo para madikit ang baba sa may dibdib. Unti-unting ibuka ang mga siko at unatin ang dibdib hanggang maramdaman ang paninikip sa shoulder blades.
- Seated Leg Raises
Dahil sa online jobs na ang ilang dating pumapasok sa opisina araw-araw, nabawasan na ng isang importanteng ehersisyo ang kanilang mga lifestyle—ang paglalakad.
Upang ma-ehersisyo ang mga binti at hita, isa sa pinakamainam na leg exercises ang leg raises para makaiwas sa ngalay ng matagal na pagkakadekuwatro. Iunat lamang nang diretso ang mga binti at paulit-ulit na iangat ito kapantay ng upuan.
- Desk Push-up
Itukod ang mga palad sa dulo ng desk at siguraduhing singlapad ng balikat ang agwat ng mga kamay. Idistansya ang mga paa para maunat ang buong katawan. Pagkatapos, unti-unti at paulit-ulit na alalayan ang sariling mapalapit at mapalayo ang dibdib mula sa dulo ng desk.
Source:
https://www.shutterstock.com/image-photo/men-health-concept-portrait-50s-mature-327631586
Benepisyo ng pag-inom ng Vitamin B
Bukod sa ehersisyo, makakatutulong din ang pag-inom ng RiteMed Vitamin B complex tablets. Isa ang Vitamin B complex sa mga bitaminang sumisiguro sa enerhiyang taglay ng katawan at mas matalas na pag-iisip. Ilan sa Vitamin B complex benefits ay healthy cells, pagdami ng red blood cells, matalas na mata, at mas ganado sa pagkain. Maaaring makabili nitong RiteMed Vitamin B complex sa inyong mga suking botika.
Ilan sa mga foods rich in Vitamin B na maaaring idagdag sa diet ay gatas, itlog, keso, at halos lahat ng karne tulad ng manok at baboy. Mayroon din nito sa mga seafood tulad ng talaba. Sa mga gulay, marami nito ang spinach.
Para masigurong mas magiging masustansiya ang mga pagkain, haluan ang mga recipe ng mga rekado na may Vitamin B12 na nakapagbibigay ng dagdag lakas sa katawan at sa resistensiya sa karamdaman.
Kung pagsasabayin ang pagkain ng masustansiya na may Vitamin B benefits, pag-eehersisyo, at pag-inom ng bitamina, siguradong lalo nitong mapag-iigting at mapalalakas ang katawan kontra sa mga madalas na iniindang mga sakit.
Para maging mas mataas ang enerhiya sa buong araw at makaiwas sa maraming sakit, ugaliing maglaan ng oras para sa sarili. Kumilos-kilos. Mag-ehersisyo. Huwag ring kalilimutang kumain ng masustansiya.
Source:
https://www.tinypulse.com/blog/sk-desk-exercises?fbclid=IwAR0fMFJFFo9OjiLkvREW3Rc_VumhW81US8HElPXxtKhlWZ5vLYpNyXD9vm8