Tamang pagkain sa gabi

May 16, 2019

Maraming tao ang napapakain ng sobra tuwing gabi, kahit na sila ay hindi gutom. Madalas, ang pagkain sa ganitong oras ay parte na ng kanilang araw-araw na gawain. Pero ang pagkain sa gabi ay maaaring makadagag sa iyong timbang – bagay na hindi maganda sa kalusugan.

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit napapakain sa gabi ang mga tao?

  1. Maraming pinagkakaabalahan

Kapag maraming trabaho sa opisina, assignment sa eskuwela, o mga inaasikaso sa gabi at madaling araw, kailangan kumain para may lakas at enerhiya.

  1. Maraming pagkain sa bahay

Kapag ang kusina at ref ay puno ng makakain, mahirap tumanggi at kadalasan napapasobra ang kinakain.

  1. Manonood ng palabas

Sinasabayan ang panonood ng telebisyon sa gabi ng tinatawag na midnight snack, gaya ng mga chicheria o ice cream.

  1. May iniindang problema

Kapag malungkot o may pinoproblema, posibleng mapakain ng hindi oras upang gumanda ang pakiramdam.

Mga paraan upang maiwasan ang pagkain tuwing gabi:

Ang pinaka-epektibong paraan para mabawasan ang pagkain ng sobra tuwing gabi ay ang pagkakaroon ng mga short-term goals.

Narito ang ilang tips sa tamang pagkain tuwing gabi pati na rin ang mga dapat mong iwasang kainin:

  1. Pumuwesto nang malayo sa kusina

Mataas ang tiyansang kumain ka nang kumain kapag malapit ang iyong pwesto o pahingahan sa kusina. Kaya naman pagkatapos ng hapunan, pumunta sa lugar na wala masyadong nakakaabala sa iyong ginagawa.

  1. Gumamit ng mga “meal-ender” pagkatapos ng hapunan

Ang ibang nagda-diet ay ngumunguya ng bubble gum pagkatapos kumain upang hindi na magutom muli. Kung wala namang chewing gum, subukan ang pagsisipilyo ng ngipin kada tapos kumain. Ang paggawa nito ay nagre-reset ng iyong taste buds kaya naman nawawalan tayo ng gana kumain.

  1. Isabay ang gawaing-bahay sa panonood

Karamihan sa atin ay hindi na namamalayan ang dami ng kinakain habang nasa harap ng telebisyon. Ayon din sa pag-aaral ng ilan, ang panonood sa telebisyon lalo na kung action ang genre ay mas nakakatukso sa ating kumain nang marami.

Ang isa sa maayos na paraan upang masolusyonan ang labis na pagkain ay ang pagbabago ng habits habang nakatutok sa telebisyon. Subukang magtupi ng damit o sabayan ng ibang gawaing-bahay.

  1. Matutong mag-manage ng stress

Minsan hindi lang cravings o pananabik na kumain ang dahilan kung bakit tayo kumakain nang wala sa oras. Dumadalas din ang pagkain ng isang tao kung stressed, malungkot, o kaya ay mayroong anxiety. Kung kumakain ka upang mapagaan ang iyong nararamdaman o upang mawala ang iyong stress, mas nararapat na matuto ka munang mag-manage ng iyong nararamdaman o response sa tuwing ikaw ay nase-stress. Imbis na kumain, subukang makipag-usap sa mga kaibigan, maglakad-lakad o mag-meditate.

  1. Kumain nang pagkaing mayaman sa Fiber sa hapunan

Subukang kumain ng mga cereals o prutas tuwing hapunan. Kung kokonsulta ka sa iyong dietician, maaari niyang irekomenda ang Ritemed Fibermate.

Maganda ang food supplement na ito kung gusto mong maiwasan ang sobrang pagkain tuwing gabi. Nakakatulong ito sa pagbabawas ng timbang at mainam na pangontra sa constipation.

 

References:

https://www.healthline.com/nutrition/10-ways-to-stop-eating-late-at-night#section2

https://www.verywellfit.com/how-to-stop-eating-so-much-at-night-3495217

https://www.verywellfit.com/how-to-stop-eating-so-much-at-night-3495217