Sa patuloy na pagkalat ng sakit na Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na dala ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2), marami ang nangangamba at nagtatanong kung paano ito maiiwasan.
Ang sakit na ito ay hindi lamang sa Pilipinas kundi sa maraming bansa sa buong mundo. Sa bilis ng paghawa ng COVID-19, binago nito ang mga nakaugalian lalo na sa pakikisalamuha ng mga tao sa isa’t-isa.
Mga Sintomas ng COVID-19
Ang COVID-19 ay mayroong mga kilalang sintomas. Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nakakaramdam ng alinman sa mga ito, ipagbigay-alam kaagad sa doktor.
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Pananakit ng katawan
- Sore throat
- Sakit ng ulo
- Pagkawala ng pang-amoy o panlasa
- Rashes
- Sore eyes o conjunctivitis
- Hirap sa paghinga
- Paninikip ng dibdib
- Hirap sa pananalita o pagkilos
Paggamit ng Face mask
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng mga respiratory droplets at contact sa taong meron nito.
Ang respiratory droplets ay nagmumula sa bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing. Kung may taong malapit sa isang carrier ng coronavirus na bumahing o umubo, maaaring dumapo sa taong iyon ang droplets, dahilan upang siya ay mahawa.
Maaari ding mahawa ang isang tao kung mahawakan niya ang droplets na dumapo sa kapaligiran ng taong maysakit, tulad ng doorknob, mesa, o upuan, at pagkatapos noon ay nahawakan ang mukha.
Ang face mask use ay isang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nalilimitahan nito ang pagkalat ng respiratory droplets mula sa taong may COVID-19, at ang risk ng pagkahawa para sa taong wala nito.
Iminungkahi ng WHO na ang proper face mask use ay maaaring magpababa ng pagkalat ng COVID-19. Bagama’t hindi sinuportahan ng WHO ang pagsusuot ng medical face mask ng mga taong wala namang COVID-19, naiintindihan nito ang pangamba ng mga tao at ang pagpapatupad ng mga guidelines sa iba’t-ibang bansa sa pagsusuot ng face mask kapag nasa pampublikong lugar.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi sinusuportahan ng WHO ang pagsusuot ng mga medical facemasks ay ang posibleng shortage ng medical face masks para sa mga medical workers tulad ng doktor, nurse, at iba pa na humaharap at nangangalaga sa mga pasyente na may COVID-19 man o may ibang sakit. Talaga namang naging problema ito lalo na noong unang mapabalita na global pandemic na ang sakit na COVID-19 at nagkalat na ang mga signs na “wear face mask” o “no face mask, no entry.” Dumami na rin ang mga paalala tulad ng “how to wear face mask.”
Paggawa ng Sariling Face mask
Kung hindi makabili ng medical facem ask, o umiiwas na makaragdag sa posibleng shortage ng mga ito, puwede pa rin namang gumawa ng cloth o DIY face mask. Dapat lamang itong tandaan:
- Siguraduhing ang iyong face mask ay lapat sa iyong mukha habang komportable ka pa ring nakakahinga.
- Kailangang i-secure ito sa pamamagitan ng ear loops o kaya’y tali sa likod ng ulo o batok.
- Gumamit ng matibay na face mask cloth na higit sa isang layer lamang.
- Humanap ng fabric na hindi nakakasagabal sa paghinga pero hindi rin mabilis tagusan ng tubig o ibang liquid.
- Kung hindi disposable ang iyong face mask, kailangang ang pagkakagawa nito ay matibay upang hindi masira o madisporma ang iyong face mask design kapag nilabhan.
- Maraming mga videos sa YouTube ang nagpapakita ng iba’t-ibang style ng paggawa ng facemask. Kung hindi mo alam paano ito gawin, mag-search lamang ng “how to make face mask.”
Panatilihin ang kalinisan ng iyong face mask. Sundin ito:
- Kung araw-araw ay ginagamit mo ang face mask, labhan mo rin ito araw-araw. Iwasang gamitin itong muli nang hindi nalalabhan. Huwag mo ring ipagamit ito sa iba.
- Ang pinakamabisang paraan ng paglilinis nito ay sa pamamagitan ng washing machine, nguni’t maaari ding labhan ito sa kamay gamit ang tubig at detergent. Hindi sapat ang tubig lamang.
- Patuyuin ito ng maayos at pagkatapos ay ilagay sa isang hindi pa nagagamit na paper bag o kaya nama’y Ziploc bag. Maaari ding itago na lamang ito sa isang lugar kung saan hindi ito mahahawakan ng ibang tao.
Kailan Kailangan Magsuot ng Face mask
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magsuot ng face mask. Kung ikaw ay nasa bahay lamang at wala namang may sintomas ng sakit sa iyong mga mahal sa buhay, hindi na kailangang magsuot ng face mask.
Kung ikaw ay mag-isa sa isang pampublikong lugar tulad ng park, wala namang naitutulong ang face mask. Kaya nga lamang, hindi pa rin hinahayaan ng pamahalaan ang pagtanggal ng face mask kahit saan sa labas ng bahay.
Iba Pang Paalala Para sa Pag-Iwas sa COVID-19
Isa pa sa mga sinabing dahilan ng WHO kung bakit hindi nila ine-encourage ang pagsusuot ng medical face mask sa mga taong walang sakit ay ang pagkakaroon ng false sense of security, o ang pag-iisip na face mask lamang ang kailangan upang maging safe.
Ang face mask ay isang paraan lamang upang mapababa ang pagkakataong mahawa o makahawa ng sakit. Alalahanin at sundin pa rin ang iba pang payo ng mga dalubhasa:
- Pangalagaan ang kalusugan. Kumain ng tama, mag-exercise, at matulog nang wasto sa oras.
- Uminom ng vitamin C supplement.
- Umiwas sa matataong lugar.
- Ugaliing maghugas ng kamay nang hindi bababa sa 20 seconds gamit ang tubig at antibacterial soap. Kung posible, patuyuin ang kamay gamit ang disposable paper towel.
- Maging malinis sa pangangatawan at sa tahanan.
- Kung lalabas naman, magsuot ng facem ask at iwasang humawak sa anumang bahagi ng mukha. Kung kailangang ayusin ang face mask, eyeglasses, o face shield, maghugas muna ng kamay. Kung hindi ito posible, gumamit muna ng 70% alcohol. Maghugas pa rin ng kamay gamit ang tubig at sabon kapag available na ito.
- Kung nasa mataong lugar, panatilihin ang hindi bababa sa 1 meter na distansya mula sa ibang tao. Mas malayo, mas mababa ang pagkakataong mahawa.
- Manatili sa bahay kung hindi naman talaga kailangang lumabas.
- Mag-isip ng mga paraan upang maiwasan ang pagkainip, tulad ng bonding kasama ang pamilya, board games, pagbabasa, panonood ng TV, at iba pa.
- Gamitin na lamang ang technology upang makausap ang mga kamag-anak at kaibigan. Mas safe ito kaysa paglabas ng bahay.
Hindi pa alam ng mga dalubhasa kung hanggang kailan bago mapuksa ang coronavirus na nagdadala ng COVID-19. Pinag-aaralan pa ang mga posibleng maging vaccine laban dito. Sa ngayon, iwasan muna ang mga gawaing maaaring mag-expose sa iyo at sa mga mahal sa buhay sa nakamamatay na virus na ito.
Palawigin ang kaalaman tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng tamang information mula sa credible sources ng internet, television, radio at iba pa. Huwag maniwala sa mga haka-haka. Ipaliwanag din ito sa iyong mga kaanak, lalo na sa mga bata na maaaring nagtataka o nangangamba dahil sa sitwasyon.
Kung ikaw o ang iyong kakilala ay nakakaramdam ng alinman sa mga sintomas ng COVID-19, lumapit kaagad sa mga dalubhasa.
Resources:
https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019/advice-for-public/when-and-how-to-use-masks?gclid=Cj0KCQjwvb75BRD1ARIsAP6Lcqu-2FjlHHzuybeWIvw-59uZ1TuXuT0Gu2JWOBqD0DZyChVi01pxUmEaAhZ8EALw_wcB
https://www.uab.edu/news/youcanuse/item/11276-the-right-way-to-wear-and-clean-your-cloth-face-mask
https://www.fda.gov/food/food-safety-during-emergencies/use-respirators-facemasks-and-cloth-face-coverings-food-and-agriculture-sector-during-coronavirus
https://apps.who.int/iris/bitstream/handle/10665/331693/WHO-2019-nCov-IPC_Masks-2020.3-eng.pdf?sequence=1&isAllowed=y