Parents Self Care Tips During a Pandemic

June 11, 2021

Hindi madali maging magulang lalo na sa panahon ng pandemic. Doble ang hirap sa pag-aalaga ng mga anak, pagtatrabaho, at pag-asikaso sa mga gawaing bahay. Bukod sa stress dulot ng pag aalala sa kalusugan ng pamilya, ang mga magulang ay nahihirapan din pagsabayin ang pagtatrabaho at pag aasikaso sa bahay dahil sa mga limitasyong dulot ng pag-iingat laban sa Covid19.  

 

Sa kabila ng mga challenges na dala ng Covid, patuloy pa rin ang mga magulang sa kanilang mga responsibilidad. Para maiwasan ang burnout, ito ang ilang parents self care tips na makakatulong sa iyong parenting at stress management sa panahon ng pandemic.

 

Kumain ng healthy meals

 

Para patuloy na magampanan ang responsibilidad, kailangan ng mga magulang manatiling malusog.  Upang makaiwas sa sakit, mahalaga ang pagkakaroon ng balanced diet at healthy lifestyle. Siguraduhin na ang diet ay puno ng prutas, gulay, lean proteins, grains at dairy products. Mahalaga ring kumain ng sapat na meat, poultry, seafood, itlog, beans, peas, soya, whole-grain bread o kanin.  Iwasan o kontrolin din ang mga pagkaing may mataas sa sugar, salt at iba pang unhealthy fats. 

 

Para lalong palakasin ang resistensya, siguraduhing sapat ang vitamin C na iyong nakakukuha. Isama sa balanced diet ang pag-inom ng ascorbic acid araw-araw.

 

Siguraduhing sapat ang iyong tulog

 

Dahil mas mataas ang anxiety at stress level ngayong panahon ng pandemic, hindi maiiwasan na magkaroon ng sleep problem ang mga magulang. Ang tulog ay isang kritikal na biological process na kailangan upang palakasin ang immune system. Ang kakulangan sa tulog ay nakakapagpahina ng defense ng katawan laban sa sakit. Ayon sa Sleep Foundation, 7-9 hours ang recommended hours of sleep para sa mga adults.

 

Isama sa schedule ang regular na pag-eehersisyo

 

Isa sa mga epektibong stress reliever sa panahon ng pandemya ay ang pag eehersisyo. Dapat iwasan ang sedentary lifestyle na nagdudulot ng iba’t ibang sakit gaya ng cardiovascular diseases at type 2 diabetes.  Ayon sa World Health Organization, kailangan ng mga adults (18-64 years old) ng 150-300 minutes moderate-intensity aerobic physical activities per week o 75-150 minutes vigorous-intensity aerobic physical activities per week. 

 

Kung walang maiiwan para magbantay sa mga anak, isama sa inyong smart parenting techniques ang pakikipaglaro sa mga bata sa pamamagitan ng mga physical activities tulad ng pagtakbo, pagtalon o pagsayaw.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/kid-disturb-his-daddy-while-doing-1938271318

 

 

Mag Relax habang ginagawa ang mga paborito mong hobbies

 

Kahit na sa bahay lang, humanap ng mga paraan upang makapag relax at makapaglibang. Isama sa iyong self care plan ang paborito mong hobby na maaaring mag boost ng iyong mood.  Ilan sa mga hobbies na pwedeng gawin sa bahay ay ang yoga, gardening, painting, baking, pagtugtog ng musical instruments, blogging o pagdedesign at pag aayos ng inyong bahay.

 

Humanap ng support system

 

Kasama sa stress management for parents sa panahon ng pandemya ang pagkakaroon ng matibay na support group.  Maaaring kasama dito ang iyong mga kamag-anak, kaibigan o mga kapwa magulang na dumadaan din sa mga challenges na pinagdaanan mo. Makipag usap sa kanila kahit sa video call or online social media groups lang. Mahalang may nakakausap ka at napagsasabihan ng mga karanasan mo ngayong pandemic.

 

Para maging mabuti at masayahing magulang sa panahon ng pandemya, mahalagang bigyang pansin ang self care needs ng parents. Siguraduhing kasama sa iyong healthy lifestyle ang pagkain ng masusustansyang pagkain, sapat na tulog at regular na pag eehersisyo.  Samahan ito ng pagsasagawa ng mga stress management activities at pagkakaroon ng isang matibay na support system.

 

 

Sources:

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/downloads/mental-health/Parents-Care-for-Yourself.pdf

https://www.sleepfoundation.org/sleep-guidelines-covid-19-isolation

https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/how-much-sleep-do-we-really-need#:~:text=National%20Sleep%20Foundation%20guidelines1,to%208%20hours%20per%20night

https://www.who.int/publications/i/item/9789240015128