Paghuhugas ng Kamay, Epektibo Laban sa mga Sakit

November 09, 2020

Matagal nang iginigiit ng mga doktor at eksperto sa kalusugan na ang paghuhugas ng kamay, na isa sa pinakamadaling personal hygiene, ay malaki ang naitutulong sa kabuoang kalusugan ng isang indibidwal.

Ngayong nasa kalagitnaan pa rin ng pandemya ang mundo dahil sa COVID-19 at ngayong Global Handwashing Day (October 15), naging mas madalas ang pagpapaalala ng mga eksperto mula national hanggang international na mga organisasyon, na padalasin at isali sa bagong normalidad ng buhay ng bawat indibidwal ang paghuhugas ng kamay.

Bago natin pag-usapan kung paano ang proper handwashing at ang mga benepisyong makukuha mula dito, siguro ipakita muna natin ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito dapat gawin at dapat isama sa maraming ritwal ng bawat tao sa araw-araw.

Panglaban sa bacteria at germs

Maraming nakukuhang bacteria at iba’t ibang mikrobyo at germs ang kamay sa magdamag. Simulan natin sa usaping dumi – dumi ng tao at dumi ng hayop. Pinanggagalingan ng maraming uri ng sakit ang dumi. Salmonella, E. coli, norovirus na nagdudulot ng diarrhea, at ilang sakit sa respiratory system tulad ng adenovirus at hand-foot-mouth disease.

Ang ganitong uri ng germs, nakukuha mula sa exposure sa mga bagay na may koneksyon sa dumi tulad ng toilet paper at diaper ng sanggol. Maaari rin itong makuha sa proseso ng pagluluto tulad ng paghawak sa karne na may hindi kita ng matang tira ng dumi ng hayop. Ang gramo ng isang dumi ng tao o hayop ay maroong mahigit kumulang isang trilyong germs. Ganoon karami.

Maaari ring makuha ang germs sa kahit anong bagay na meron nito tulad ng naubuhang panyo, at nabahingang mesa o kahit anong kagamitan. Ganito ang ilang kaso ng pagko-contract ng ilang virus. Pagkatapos mapunta sa kamay ng germs, dahil hindi nakapaghugas ng kamay at disinfect, napapasa ito sa sarili o minsan nga, sa iba pang tao.

Paano ang tamang paghuhugas ng kamay

Dito na pumapasok ang kahalagahan ng handwashing procedure dahil napipigilan at naaagapan ng tamang paghuhugas ng kamay na may sabon ang pagkalat ng germs.

Para panatiliing malinis ang mga kamay, sundan lang ang sumusunod na handwashing steps:

  1. Basain ang kamay ng malinis na tubig mula sa gripo (maaaring malamig o mainit). Patayin ang gripo at sabunin ang kamay.
  2. Siguraduhing pabulain ang sabon sa kamay. Hilurin ang palad at pagitan ng mga daliri, kuskusin nang mabuti ang mga daliri at alisin ang ano mang duming nakasiksik sa ilalim ng mga kuko.
  3. Ituloy lang ito sa loob ng 20 segundo. Maaaring kantahin at tapusin ang “Happy Birthday” nang dalawang ulit bilang gabay sa oras.
  4. Banlawan ang mga kamay sa ilalim ng tubig mula sa gripo.
  5. Patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya o sa ilalim ng air dryer.

 

Sinusuportahan ng scientific studies at facts

Maraming tao ang humahawak sa kani-kanilang mata, ilong, at bibig nang hindi nila namamalayan at ganito pumapasok ang germs sa katawan ng tao mula sa kamay.

Napupunta rin ang germs sa pagkain o inumin dahil sa kontaminadong kamay. May ilang pagkakataon na dumarami pa lalo ang germs kapag napunta na ito sa ilang uri ng pagkain at inumin at nagiging sanhi ng maraming uri rin ng sakit.

Ayon sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang isang komunidad na marunong ng tamang paghuhugas ng kamay ay kakikitaan ng malaking kabawasan ng mga indibidwal na dinadapuan ng mga sakit na konektado sa kalinisan ng katawan.

Sabi ng CDC, 23-40% ng tao ang mga less likely na magkaroon ng diarrhea.

Nasa 58% naman ng mga taong may mahinang immune system ang hindi tatamaan ng diarrhea.

Bababa rin ang kaso ng sipon at iba pang respiratory illness ng populasyon ng 16 hanggang 21%.

Malaking bagay ang paghuhugas para sa kabataan

Ang mga bata, hindi na gaano aabsent dahil sa pananakit ng tiyan dulot ng gastrointestinal na sakit dahil bababa na ang mga kaso ng ganitong karamdaman ng 29 hanggang 57%.

Isa sa pinakaapektado ng hindi paghuhugas ng kamay ay ang kabataan. Ayon sa CDC, nasa 1.8 milyong kabataan sa edad na lima pababa ang namamatay taon-taon dahil sa diarrheal na sakit at pneumonia—ang top 2 killers ng mga bata sa buong mundo. Madali sana itong masosolusyunan kung maagang naituro sa mga bata ang tamang paghuhugas ng kamay at kung may access ang mga ito sa paaralan at ibang lugar.

Marami mang naghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig, kakaunti lamang ang sumusunod sa tamang proseso at ang ilan, wala pang ginagamit na sabon. Sa katunayan, 19% porsyento lamang ng tao ang naghuhugas ng kamay matapos gumamit ng banyo.

Ayon sa kanilang pag-aaral, mapoprotektahan ng paghuhugas ng kamay ang mga bata. Ayon sa kanilang data, isa sa bawat tatlong bata ang mapoprotektahan sa diarrhea dahil sa tamang paghuhugas at isa sa bawat limang bata ang mapoprotektahan mula sa respiratory infection tulad ng pneumonia.

Dagdag pa sa mga ito, nakatutulong din ang tamang paghuhugas ng kamay para labanan ang pagtaas ng antibiotic resistance.

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-child-cute-kid-girl-student-1523386892

Kung maiiwasan ang pagkakasakit dulot ng hygiene problems, bababa ang kaso ng mga taong gagamit ng antibiotics at bababa ang kaso ng pag-develop ng antibiotic resistance. Bumababa ng 30% ang kaso ng diarrhea-related na mga sakit at 20% ng mga respiratory infection dahil sa tamang paghuhugas ng kamay. Ito ang mga sakit na madalas kinakailangan ang antibiotic.

Ang pagbaba ng mga infection dahil sa tamang paghuhugas ay importanteng factor para dumalang ang paggamit ng antibiotic ng mga tao para sa mas natural na paggaling kung may karamdaman. Marapat lamang na panatilihing malinis ang katawan ng bawat isa para sa ikabubuti ng kalusugan hindi lamang ng sarili pero para sa mga taong nakapalibot sa atin.

Source:

https://www.cdc.gov/handwashing/why-handwashing.html?fbclid=IwAR3ZfL87gBtHX8fkGpNVbtX48xbqjsxytnnXf22a0gZfQ1IRx5opLOTL9zo