Paano ba tayo nahahawa sa mga sakit? | RiteMED

Paano ba tayo nahahawa sa mga sakit?

March 24, 2020

Paano ba tayo nahahawa sa mga sakit?

Ang katawan ng tao ay may natual na depensa laban sa mga sakit. Kaya lang, madaling mahahawa o magkaroon ng karamdaman kung mahina ang immune system. Kasama rin dito ang risk na makapanghawa kung ang nakasalamuha ay may mababang resistensya.

 

Dahil dito, importanteng malaman kung paano ba tayo nahahawa sa mga sakit. Sa ganitong paraan, magagawa natin ang tamang paghahanda at pag-iingat para maging malayo sa mga ito. Bukod sa ang kalamang ito ay proteksyong pang-sarili, magagawa rin natin ang ating parte sa pagtiyak na ang pamilya at kapaligiran natin ay malusog din.

 

 

Saan nanggaling ang mga sakit?

 

Maraming posibleng dahilan ng pagkakasakit. Nandyan ang unhealthy lifestyle, o ang pagkakaroon ng hindi-balanseng pamumuhay. Kasama na rito ang pagkonsumo ng mga pagkaing wala o may kakaunting sustansya, kakulangan sa sapat na pahinga, at kawalan ng regular na ehersisyo o physical activities.

 

May factors naman na labas sa katawan na nagdadala ng sakit. Ito ang tinatawag na viruses at bacteria. Tingnan natin ang katangian ng mga ito para mas maintindihan ang transmission ng sakit at maiwasan ito.

 

 

What is virus?

 

Ang virus ay isang maliit na parasite na dumadami lamang sa loob ng buhay na cell ng isang organismo. Maaaring magkaroon ng virus ang anumang may buhay gaya ng tao, hayop, halaman, o microorganism gaya ng bacteria. 

 

Ilan sa mga virus ay walang mabigat na epekto sa katawan. Ang ganitong viruses ay hindi gaanong masama at nakamamatay. May mga virus din naman na matindi ang nagiging epekto sa kalusugan at maaaring humantong sa kamatayan.

 

Narito ang iba’t ibang uri ng virus depende sa anyo ng mga ito:

 

  • Helical – Mula sa pangalan nito, mayroon itong helix shape. Halimbawa nito ay ang tobacco mosaic virus.

 

  • Icosahedral – Ang virus na ito ay hugis bilog at madalas tumatama sa mga hayop.

 

  • Envelope - Ang mga virus gaya nito ay nababalot ng kakaibang parte ng cell membrane na gumagawa ng protective lipid envelope. Ilan dito ang influenza virus at human immunodeficiency virus o HIV.

 

 

Paano ba nakakahawa ang mga virus na ito?

 

Bawat virus ay naiiba sa kung paano ito naipapasa mula sa isang host papunta sa panibago. Ilan sa mga karaniwang paraan ng pagkalat ng virus ay:

 

  • Body contact, gaya ng sa Marburg virus;
  • Palitan ng laway o ibang body fluids, gaya ng sa Ebola virus;
  • Pag-ubo o pagbahing, gaya ng sa influenza virus;

 

 

 

  • Airborne o nasa hangin, gaya ng sa whooping cough at measles;
  • Kontaminadong pagkain o lalagyan ng tubig at mga kubyertos;
  • Mga insekto o mga hayop na may dala nito, gaya ng dengue at rabies;
  • Pakikipagtalik, gaya ng HIV; at
  • Palitan ng dugo.

 

 

Ang mga virus na ay nagdudulot din ng iba’t ibang mga sakit gaya ng bulutong, tigdas, beke, hepatitis, herpes, polio, zika, at marami pang iba.

 

 

What is bacteria?

 

Kaiba sa virus, ang bacteria naman ay naninirahan sa iba’t ibang kapaligiran gaya ng lupa, dagat, at maging sa katawan ng tao. Kaya nitong dumami sa kanilang sarili lang, at nakakaligtas ang mga ito sa mga kondisyon gaya ng init, lamig, at radioactive waste.

 

Mayroong beneficial bacteria na tumutulong para makatulong sa pagpapabuti ng digestion at ilang body functions, kasama na rin ang pagpuksa sa microbes at cancer cells. Pathogenic bacteria naman ang nagdadala ng mga impeksyon at umaatake sa mga tissue, muscles, nerves, at blood vessels.

 

Narito ang iba’t ibang uri ng bacteria depende sa anyo ng mga ito:

 

  • Cocci – Ang mga bacteria na ito ay bilugan gaya ng S. pneumoniae na nagsasanhi ng pneumonia.

 

  • Bacilli – Hugis bilohaba na mga bacteria, isang halimbawa nito ang Lactobacillus acidophilus na kailangan para paggawa ng gatas.

 

  • Spirilla - Gaya ng pangalan nito, ang mga bacteria na ito ay hugis spiral tulad ng H. pylori, ang nagsasanho ng peptic ulcers.

 

 

Paano nakakahawa ang bacteria?

 

Para masagot ito, tingnan natin ang ilang bacteria illnesses at paano ito kumakalat:

 

  • Whooping cough – Isang malala at nakakahawang sakit sa respiratory system, nakakahawa ito kapag tumalsik ang laway o droplets ng infected na tao papunta sa iba. Maaaring mangyari ito sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing.

 

  • Salmonella – Kumakalat mula sa dumi ang bacteria na may dala nito. Kapag hindi nagsagawa ng proper hygiene ang maysakit, maipapasa ang bacteria sa mga pagkain at gamit hanggang kumapit ito sa mga tao. Posible ring magmula ito sa kontaminadong manok, itlog, gatas, at baka.

 

  • Impetigo – Isa itong nakakahawang skin infection na nakakahawa kapag napadikit ang balat ng maysakit sa ibang tao. Naipapasa rin ito sa paghiram ng personal na gamit gaya ng bath towel.

 

  • Chlamydia – Nakukuha ito sa pakikipagtalik sa taong infected. Ang sexually transmitted infection (STI) na ito ay pwede ring maipasa sa isang sanggol habang ipinapanganak.

 

 

Paano maiiwasan at malalabanan ang mga virus at bacteria?

 

Dahil sa dami ng uri ng virus at bacteria na nasa paligid, pagpapalakas ng resistensya ang kailangan para makalaban ang sariling defenses ng ating katawan. Narito ang ilang prevention tips:

 

  1. Magkaroon ng healthy at balanced na diet para lumakas ang resistensya.

 

  1. Sikaping makumpleto ang sapat na oras ng pahingang kailangan ng katawan.

 

  1. Depende sa payo ng inyong doktor, magsama ng vitamins o supplements para sa mapunan ang mga sustansya na hindi nakukuha sa pagkain. Ilan sa mga ito ay ang ascorbic acid o sodium ascorbate.

 

  1. Ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at running water.

 

  1.  Magbaon lagi ng ethyl alcohol o isopropyl alcohol para makapag-disinfect ng kamay lalo na kung walang available na malinis na tubig at sabon para makapaghugas.

 

  1.  Kung hindi gumiginhawa mula sa bacterial infection, magpatingin na agad sa doktor para maresetahan ng angkop na antibiotic para rito. Tandaan na hindi ipinapayo ang self-medication o pagdedesisyon kung anong gamot ang iinumin nang walang konsultasyon sa doctor dahil maaaring maging resistant sa antibiotic ang bacteria.

 

  1. Siguraduhing kumpleto at updated ang bakuna ng buong pamilya. Sa ganitong paraan, makakaiwas sa malulubhang viral infections.

 

  1. Magsuot ng face o surgical mask kung mayroong mga sintomas ng infection tulad ng ubo at sipon nang sa gayon ay hindi makahawa.

 

 

 

Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman sa mga pinaka-karaniwang carrier ng sakit, mas magiging alerto at maagap tayo sa pag-aalaga ng ating katawan at maging ng mga mahal natin sa buhay. Magkaroon din ng regular na check-up para makasigurado sa kalagayan ng inyong kalusugan.

 

 

 Source:

 

https://www.healthline.com/health/are-bacterial-infections-contagious#how-infections-spread

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/324842

 

https://www.livescience.com/51641-bacteria.html

 

https://en.wikipedia.org/wiki/Virus

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/158179#transmission

 

https://www.mentalfloss.com/article/50625/8-historically-terrifying-viruses

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/158179#combating-viruses



What do you think of this article?