Mga Kombinasyon ng Pagkain na Mabuti sa Iyong Puso

February 18, 2017

 

Isa sa mga pangunahing sanhi ng mga sakit sa puso at stroke ay ang madalas na konsumo sa mga pagkaing matataba at mamamantika. Ang ilan sa mga nasabing kondisyon ay hindi agad nagbubunga ng sintomas, at dahil dito, maaaring huli na ang lahat bago pa maagapan ang sakit. Para maka-iwas sa sakuna, magkaroon ng diet na may tamang nutrisyon.

 

Sa kagandahang palad, may mga pagkain na sadyang pinapababa ang pagkakataon na magkaroon ng mga cardiovascular diseases. Bukod sa mabuti ang mga ito sa puso, nakakatulong din ang mga naturang pagkain sa pagpapababa ng cholesterol, blood sugar, at timbang. Ating bigyang linaw kung ano ang mga pagkain para sa may sakit sa puso o nais umiwas dito.

 

Salad at Tuna

 

Letsugas, repolyo at iba pang gulay ang mga pangunahing sangkap ng salad, at ang mga ito ay mayaman sa fiber, mga bitamina, at antioxidants na pinangangalagaan ang puso. Mababa din ang calories nga mga ito at nagpapababa ng cholesterol. Sa madaling salita, mabuti ang salad sa iyong puso basta wala itong mayonnaise at iba pang sangkap na naglalaman ng trans fats at saturated fats.

 

Ang tuna naman ay masagana sa omega-3, isang acid na nagpapababa ng bad fat, pinapangalagaan ang ating utak, at pinoprotektahan ang katawan sa mga sakit sa puso. Kapag pinares ang nasabing isda sa salad, lalakas ang resistensya ng puso at utak sa iba’t ibang karamdaman. Bagay din ang lasa ng dalawang pagkain kaya tiyak na masasarapan ka sa kombinasyong ito.

 

Oatmeal at Prutas

 

Maraming fiber ang oatmeal na tumutulong sa cardiovascular at digestive systems ng katawan. Ang problema ay natatabangan ang ibang tao dito kung hindi ito lalagyan ng kondensada o maraming asukal. Imbis na ihalo ang mga ito, matatamis na prutas na lamang ang ipares sa oats. Sasarap ang oatmeal at dadami ang lamang sustansya, dahil maraming bitamina at fiber ang mga prutas.

 

Samahan ng mangga, strawberries, blueberries, peaches, saging, o kombinasyon nga mga ito ang oatmeal para sa masarap at masustansyang meal na pang agahan.

 

Chicken Soup at Whole Wheat Bread

 

undefined

 

 

Ang kombinasyon ng soup at tinapay na whole wheat ay paborito ng mga nagpapapayat dahil mababa ang calories at cholesterol ng mga nasabing pagkain.  Bukod dito, ang mga ito ay pagkain para sa may sakit sa puso at namamahagi ng protina at fiber. Magluto ng clear soup na may laman ng manok at haluan ito ng patatas, sibuyas, at kaunting bawang. Sabayan ang ilang subo ng ilang kagat sa whole wheat bread.

 

Unsweetened Yogurt at Mangga o Strawberries

 

Mabuti sa puso ang yogurt basta ito yung uri na unsweetened. Hindi mataas ang calories nito at tumutulong ito sa pagpapapayat at pangangalaga ng puso. Upang sumarap ito lalo, maghalo ng mango slices, strawberries, o kombinasyon ng dalawa. Maaaring ipalit ito sa tsitsirya at iba pang merienda na masama sa katawan.

 

Pasta at Tinapay

 

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang kumain ng white rice at piniritong ulam. Wala namang masama dito basta hindi sosobra ang pang-araw-araw konsumo. Pero kung gusto mo ng mas healthy na alteratibo, magluto ng pasta at samahan ito ng tinapay. Mas mababa ang calories at carbohydrates nito, kung kaya mas mainam ito para sa mga nagbabawas ng timbang at nagpapababa ng blood pressure.

 

Nuts, Whole Milk, Cereal, Avocado, at Honey

undefined

 

Paghaluin mo sa isang bowl ang cereal, whole milk, avocado, at honey, at magkakaroon ka ng masarap na agahan. Ang paggamit ng honey imbis na asukal o kondensada ay mas mabuti sa kalusugan at magbibigay ng kinakailangang tamis sa kombinasyon. Bawat isang sangkap ay pagkain para sa may sakit sa puso kaya maganda rin itong merienda o meal para sa tanghalian o hapunan.

 

Heart healthy at naglalaman ng tamang nutrisyon ang mga natalakay na kombinasyon. Upang mapahusay lalo ang mga benepisyo nito sa iyong katawan, maaaring sabayan ito ng ehersisyo. Kung mayroon kang sakit sa puso, komunsulta muna sa iyong doktor bago sumabak sa kahit anong mabigat na gawaing pisikal.

 

Sources: