Mayroon ka bang nararamdaman ng masakit sa iyong kasukasuan? O may tila hindi nawawalang sakit sa iyong kalamnan? Baka kailangan mo ay isang nakaka-relaks na masahe mula sa isang propesyunal na therapist o well-trained na masahista.
Ang massage therapy o masahe ay isang tradisyunal na pamamaraan ng pang-gagamot na kinikilala sa buong mundo, samantalang ang Pilipinas ay pamilyar naman sa pamamaraang hilot na gumagamit din ng mga likas na kagamitan tulad ng halamang gamot o mga natural na langis.
Ang pagpapamasahe ay isang pamamaraan kung saan ginagamit ang daliri, kamay, siko, o paa upang pisilin o diinan ang ilang bahagi ng balat, kalamnan, o mga kasukasuan sa katawan. Ito ay inaasahang magdulot ng pagkawala ng mga nararamdamang sakit sa mga bahaging minsahe.
Sa panahon ngayon madali na lamang ang makahanap ng mga lugar na mapagpapamasahehan. Siguraduhin lamang na sertipikado o lehitimo ang inyong pagpapamasahehan. Maaring magtungo sa mga kilinika, ospital, sa mga spa, o kaya ay sa mga on-call na masahista.
Bukod sa popular ang pamamaraan na ito upang mag-relaks, heto ang ilan pang mga magagandang naidudulot nito sa ating katawan:
-
Pang-tanggal ng stress.
Maraming maaring sanhi ang stress sa ating katawan, at nagdudulot ito ng pag-balisa, insomnia, at mga sakit sa katawan. Ang masahe ay isang epektibong pamamaraan upang mawala ang stress sa ating katawan, dahil dito nagkakaroon ang katawan ng kakayanan gumaling mag-isa.
-
Pag-buti ng sirkulasyon ng dugo.
Ang pagpapamasahe ay nagdudulot ng mas maayos na sirkulasyon ng dugo sa katawan, at ngangangahulugan ito na mapapabuti rin ang supply ng nutrients sa buong katawan. Ang magandang sirkulasyon ng dugo ay magbibigay rin ng mas makinis, malambot, at mas maaliwalas na balat.
-
Pagka-tanggal ng pamamaga.
Ang rayuma o pangangalay ay kayang tanggalin ng masahe sapagkat ang pamamaraan ng pag-didiin at pag-pisil ay nakakapangtanggal ng tensyon sa mga kalamnan. Ang madalas na pagpapamasahe at nag-bibigay ng flexibility sa ating katawan, dahil na rin dito, lumiliit ang tiyansa na magkaroon ng mga di inaasahang injury sa ating kalamnan.
-
Pag-bawas ng timbang
May ilang mga pag-aaral na napagalaman na ang pagpapamasahe ay nakakatulong sa pag-tunaw ng mga taba sa katawan, nangangahulugan na makakatulong rin ito upang makabawas ng timbang at mag-tanggal ng cellulite.
-
Pag-buti ng konsentrasyon.
Bukod sa mabuting dulot ng pagpapamasahe sa pisikal na kalagayan, ay magandang nadudulot rin ito sa ating mental na kalusugan. Sa tuwing magpapamasahe ang isang tao, nakakalma ang kanyang katawan at pag-iisip na nag-bibigay naman ng mas mabuting pokus at konsentrasyon sa mga bagay. Nakakatulong ito sa ating isip upang maging malikhain at produktibo.
-
Mahimbing na tulog.
Tulog ang isa sa natural na pamamaraan ng katawan upang gumaling at magpabuti ng nararamdaman. Ang mga may edad na o mga subsob sa trabaho ay malimit na nakakaranas ng mental stress, pagkabalisa o kung minsan naman ay depresyon na hindi nakakabuti para sa pagkakaroon ng mahimnbing na tulog. Ang regular na pagpapamasahe ay siya ngang mabisang paraan upang i-relaks ang katawan at isipan.
Sa kabila ng mga benepisyo ng pagpapamsahe sa kalusugan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay inirerekomenda ito , sapagkat ang maling pag-gamit ng pamamaraan na ito ay maaring magdulot ng paglala ng sakit.
Umiwas sa pagpapamasahe kung nakakaranas ng mga sumusunod na kondisyon:
-
May bukas na sugat.
-
Kakagaling lamang sa operasyon.
-
Mayroong pilay o bali sa buto.
-
Mayroong pagmamanas sa katawan.
-
May lagnat
-
May malalang kondisyon sa buto, tulad ng osteoporosis.
Samantalang mga buntis o may kanser ay pinag-iingat sa pagpapamasahe dahil na rin sa kanilang sensitibong kondisyon.
Ang hindi pag-iingat o maling pamamaraan ng pagpapamasahe ay maaring magdulot ng mga sumusunod na kondisyon:
- Internal bleeding.
- Pag-patid ng ugat.
- Pagkasira ng nerve
- Pansamantalang pagkaparalisa.
- Allergic reaction dahil sa langis na ginamit.
Maraming uri o pamamaraan ang masahe, maaring kumosulta sa doktor o espesiyalista upang malaman ang akmang pamamaraan para sa’yo at sa katawan mo. Maaari mo ring kausaping ang mga therapist kung ano ba ang nababagay na pamamaraan para sa nararamdaman mo. Mahalaga rin na ipaalam sa iyong therapist kung may mga naging seryosong karamdaman ka para maging sensitibo siya sa pamamaraan ng pagmamasahe.
Tandaan na ang pagmamasahe ay isa lamang pamamaraan upang mapabuti ang nararamdaman at makarelaks, ngunit hindi ito alternatbiong pang-gamot sa mga karamdaman lalo na sa mga seryosong sakit.
Sources:
- http://kalusugan.ph/mabuti-at-masamang-epekto-ng-pagpapamasahe/
- http://www.philstar.com/para-malibang/2015/03/21/1435693/benepisyo-ng-pagpapamasahe
- http://www.healthreviser.com/content/physical-and-mental-benefits-massage
- https://www.takingcharge.csh.umn.edu/explore-healing-practices/massage-therapy/are-there-times-when-i-shouldnt-have-massage
- http://kalusugan.ph/wp-content/uploads/2015/07/masahe.jpg
- http://www.holisticnaturaltherapies.com/wp-content/uploads/2016/06/Thai-Massage.jpg