Lahat ng tao ay may tiyak na dami ng calories at nutrition na kailangan kada araw para manatiling malusog ang pangangatawan. Ang pinakamabisang paraan upang matugunan ito ay ang pagkakaroon ng healthy eating habits at balanced diet.
Naibibigay ng balanced diet ang lahat ng nutrition na kailangan ng isang tao. Ilan sa pinakamadaling paraan para magkaroon ng proper diet ay ang mga sumusunod:
Kumain ng mga Pagkaing Kasama sa 5 Food Groups
Inirerekomenda ng nutritional experts and pagsunod sa food pyramid para ma-achieve ang balanced diet. Pero dahil sa mga pagsulong sa larangan ng nutritional science, inirerekomenda na nila na kumain ng pagkain na nagmumula sa sumusunod na food groups:
Gulay
Ang food group na ito ay nahahati pa sa 5 subgroups:
- Leafy greens
- Red o orange na gulay
- Starchy na gulay
- Beans at peas
- Iba pang klase ng gulay, tulad ng talong at pipino
Inirerekomenda ng United States Department of Agriculture (USDA) ang pagkain ng gulay mula sa limang subgroups kada lingo. Ito ay para makuha ng mga tao ang lahat ng nutrients na kailangan ng kanilang katawan.
Prutas
Kinakailangang kumain ng maraming prutas para ma-achieve ang healthy diet. Bukod sa pag-inom ng juice para makuha ang nutrients ng prutas, iminumungkahi ng experts ang pagkain ng buong prutas.
Grains
Parte ng balanced diet ang pagkain ng grains. May dalawang uri ng grains na maaaring kainin—ito ay whole grains at refined grains.
Ang tatlong parte ng grain—bran, germ at endosperm—ay matatagpuan sa whole grain. Dahil sa composition nito, mas mabagal itong nada-digest ng katawan at mas kaunti ang epekto sa blood sugar ng isang tao. Mas marami ding fiber at protein ang whole grain kumpara sa refined grain.
Sa kabilang banda, wala sa refined grain ang tatlong parte ng grain. Dahil dito, mas kakaunti ang fiber at protein ng refined grain at may posibilidad pa na magdulot ng blood sugar spikes.
Protein
Idineklara ng experts na lahat ng tao ay kailangan ng nutrient-dense protein para ma-achieve ang healthy diet. Ilan sa mga pagkain na maaaring pagkuhanan ng protein ay walang taba na baka at baboy, isda, manok, beans, peas, at legumes.
Dairy
Isa sa mga pinagkukunan ng mga tao ng calcium ang dairy at fortified soy products. Inirerekomenda ng nutritional experts and pagkain ng low-fat versions ng mga ito. Ilan sa mga pagkain na kasama sa food group na ito ay keso, yogurt, low-fat na gatas, at soy milk.
Ayon sa USDA, kalahati dapat ng pagkain ng isang tao ay prutas at gulay. Ang kalahati naman ay dapat binubuo ng grains at protein. Pagkatapos nitong healthy meal, iminumungkahi ng experts and pagkain ng isang serving ng low-fat dairy o iba pang pagkain na naglalaman ng parehas na nutrients.
Bantayan ang Calorie Intake
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/counting-calories-different-food-written-quantity-727792921
Ang bawat tao ay may kailangang bilang ng calories kada araw. Ang isang pangkaraniwang tao ay nangangailangan ng higit-kumulang 2,000 calories para magkaroon ng sapat na energy para sa pang-araw-araw na gawain, tulad ng paglakad, pag-iisip, paghinga, at iba pa.
Ang bilang ng calories na kailangan ng bawat tao ay nakadepende sa kanyang edad, kasarian, at antas ng aktibidad kada araw. Kadalasan, mas kailangan ng mas maraming calories ng kalalakihan kumpara sa kababaihan. Mas nangangailangan din ng mas mataas na calorie intake ang mga taong regular na nag-eehersisyo.
Para masigurado ang balanced diet, kailangang kumuha ng calories sa masusustansyang pagkain. Kailangan ding alamin ang ingredients ng iyong kinakain upang matiyak na ito ay magbibigay ng healthy calories. Ang calories na nakukuha sa mga pagkaing kakaunti ang nutrisyon ay tinatawag na “empty calories.”
Nutrition Facts Label
Maaari ding malaman ang bilang ng calories na makukuha mula sa pagkain sa pamamagitan ng pagtingin sa Nutrition Facts Label nito. Sa tulong ng Nutrition Facts Label, pwede mong planuhin ang iyong kakainin kada araw para magkaroon ng healthy meal.
Bukod sa bilang ng calories, ipinapakita din ng Nutrition Facts Label ang inirerekomendang serving size ng kada pagkain. Makatutulong ito upang hindi masobrahan ang pagkain ng isang produkto at mapanatili ang balanced diet.
Ipinapakita din ng Nutrition Facts Label ang dami ng mga idinagdag na asukal at mga bitamina na maaaring makuha sa pagkain.
Siguraduhing Makakain ang Healthy Meal
Hindi makakatulong ang paghahanda ng balanced diet kung wala ka namang gana para kainin at ubusin ito. Upang masiguro na makakain mo nang buo ang iyong healthy food, uminom ka ng RM Appetite Stimulant Tab, isang uri ng pampagana sa pagkain.
Hindi sapat ang pagkain lamang ng balanced diet. Para masiguradong talagang malusog ang iyong pangagatawan, mainam na ipares ang balanced diet sa regular na pag-eehersisyo at kumpletong tulog.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324093
https://www.healthline.com/health/balanced-diet
https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/mga-tip-sa-tamang-nutrisyon-paggamit-ng-na-update-na-nutrition-facts-label-sa-panahon-ng-pandemyang