Gaano Kataas ang Knowledge Mo about Health and Wellness?

October 29, 2018

Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ang isa sa top priorities ng isang indibidwal. Mula sa pagbabasa ng health tips, pakikinig ng latest tungkol sa health care, at maging sa pagsasagawa ng physical wellness activities, pinaglalaanan ng oras, effort, at pera ang health and wellness.

 

Gaano ka katalas pagdating sa usaping ito? Ngayong Health Education Week, subukin sa quiz na ito kung hanggang saan ang iyong kaalaman pagdating sa pagpapanatiling malakas at malusog ng iyong pangangatawan!

 

Simple lamang ang gagawin: Sagutin muna ang mga sumusunod na tanong at itala sa isang papel ang iyong answers. Tatagal lamang ito ng 3 hanggang 5 minutes. Good luck!

 

TRUE OR FALSE.

 

  1. Hindi importante ang fiber sa katawan.
  2. Mas mainam bumili ng mga produkto na may “low-fat” sa label.
  3. Marami pang sources ng calcium bukod sa dairy products.
  4. Nasusuportahan ng mental exercises ang brain health.
  5. Hindi ko dapat ipaalam sa aking mga kamag-anak ang aking health conditions dahil personal at sensitibo ang mga ito.
  6. Bawal mag-ehersisyo ang taong may high blood pressure.
  7. Nakakaapekto sa kidney ang labis na taas ng blood pressure.
  8. Maaaring makakuha ng cold virus sa pamamagitan ng mata.

 

MULTIPLE CHOICE.

 

  1. Anong oras pinakamainam para mag-exercise?

 

  1. Sa umaga
  2. Sa tanghali
  3. Sa gabi
  4. Lahat ng nabanggit

 

  1. Alin sa mga ito ang sintomas ng depression sa adults?

 

  1. Rayuma
  2. Sakit sa batok
  3. Kawalan ng gana at interes sa bagay-bagay
  4. Maplemang ubo

 

  1. Maiiwasan ang pagkahulog at iba pang accidents sa pamamagitan ng:

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

  1. Pagse-schedule ng regular na eye check-up
  2. Paniniguradong malaya sa mga slip and trip hazards ang inyong bahay
  3. Regular na ehersisyo para mapanatili ang balance, flexibility, at muscle strength
  4. Lahat nang nabanggit

 

 

Mahusay! Ngayon, ikumpara ang iyong mga sagot sa answer key sa ibaba. Basahin din ang paliwanag sa likod ng mga sagot para sa dagdag kaalaman sa health and wellness.

 

 

ANSWER KEY

TRUE OR FALSE.

 

  1. Hindi importante ang fiber sa katawan.
  • FALSE. Isa sa essential nutrients na kailangan ng katawan para sa proper digestion ang fiber. Kung kulang nito, maaaring makaranas ng hirap sa pagdumi at iba pang komplikasyon sa tiyan.

 

  1. Mas mainam bumili ng mga produkto na may “low-fat” sa label.
  • FALSE. Hindi dahil sinabi sa label na low-fat o fat-free ang isang produkto ay mas mabuti na ito ang tangkilikin. Halimbawa, ang mga low-fat na cookies ay mayroon ding parehong dami ng sugar at calories gaya ng regular cookies. Kadalasan ay mas mahal pa nga ang mga produktong may ganitong tatak.

 

  1. Marami pang sources ng calcium bukod sa dairy products.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

  • TRUE. Bagama’t mayaman ang dairy products sa calcium, hindi lang sa gatas, keso, at iba pang produkto maaaring makakuha ng mineral na ito. Siksik din sa calcium ang beans, green leafy vegetables, poultry products, at maging ang supplements.

 

  1. Nasusuportahan ng mental exercises ang brain health.
  • TRUE. Malaki ang naitutulong ng mental exercises gaya ng memory games, crossword puzzles, at brain teasers para manatiling sharp ang pag-iisip.

 

  1. Hindi ko dapat ipaalam sa aking mga kamag-anak ang aking health conditions dahil personal at sensitibo ang mga ito.
  • FALSE. Hindi dapat ilihim sa pamilya ang anumang health condition na mayroon ka. Ito ay para na rin sa kanilang kaalaman at pagbibigay ng tamang alaga para sa iyong karamdaman. Sa panahon din ng emergency, mas madaling makakapagbigay ng angkop na solusyon ang doktor dahil may makakapagbigay ng iyong medical history. Isa pa, ang iyong kalagayan ay maaaring namamana, at makakapaghudyat ito sa iyong mga mahal sa buhay na magpatingin din sa doktor para makasigurado sa kanilang kalusugan.

 

  1. Bawal mag-ehersisyo ang taong may high blood pressure.
  • FALSE. Sa katunayan, inirerekomenda ang low-impact exercises araw-araw para ma-manage nang maayos ang blood pressure.

 

  1. Nakakaapekto sa kidney ang labis na taas ng blood pressure.
  • TRUE. Ang labis na alat mula sa mga kinakain na nakakapagpataas ng blood pressure ay napupunta sa kidney, dahilan para mapinsala rin ito kapag nasobrahan.

 

  1. Maaaring makakuha ng cold virus sa pamamagitan ng mata.
  • TRUE. Dahil konektado ang nerves ng mata at ilong, pwede ring pumasok ang viruses sa pamamagitan ng mata lalo na halimbawa kung ginamit ang infected na kamay para magkusot ng mata.

 

 

SCORE: __

 

MULTIPLE CHOICE.

 

  1. Anong oras pinakamainam para mag-exercise?

 

  1. Sa umaga
  2. Sa tanghali
  3. Sa gabi
  4. Lahat ng nabanggit

 

  1. Alin sa mga ito ang sintomas ng depression sa adults?

 

  1. Rayuma
  2. Sakit sa batok
  3. Kawalan ng gana at interes sa bagay-bagay
  4. Maplemang ubo

 

  1. Maiiwasan ang pagkahulog at iba pang accidents sa pamamagitan ng:

 

  1. Pagse-schedule ng regular na eye check-up
  2. Paniniguradong malaya sa mga slip and trip hazards ang inyong bahay
  3. Regular na ehersisyo para mapanatili ang balance, flexibility, at muscle strength
  4. Lahat nang nabanggit

 

SCORE: __

 

I-add ang mga nakuhang score at tingnan dito kung ano gaano kataas ang iyong kaalaman sa health and nutrition:

 

Kung ang total score mo ay…

 

9 to 11Good job!

 

Mukhang marami kang nalalaman tungkol sa physical wellness at overall health! Ang challenge naman ngayon ay ang pagsasagawa ng iyong mga nalalaman. Palalimin pa ang knowledge tungkol sa health care para lalong makapamuhay ng may malusog na lifestyle.

 

5 to 8Not bad!

 

May ilang areas pa ng health and wellness na kailangan mong pag-aralan at bigyan ng mas maraming effort. Mula sa knowledge tungkol sa physical wellness, matutulungan ka ng karunungang ito na isabuhay ang health tips na iyong matututunan.

 

1 to 4Keep learning!

 

Hindi pa gaanong malalim ang kaalaman sa health and wellness? Walang problema! Maglaan ng ilang minuto sa isang araw upang magbasa ng health articles at iba pang impormasyon tungkol sa kalusugan nang sa gayon ay mapabuti ang iyong quality of life. Tandaan, sa tamang kaalaman nag-uumpisa ang tamang kalusugan!

 

Sources:

 

https://www.mountnittany.org/articles/healthsheets/3076

https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/rm-quiz-hypertension

https://www.webmd.com/fitness-exercise/appq-exercise-time

https://www.healthyfamiliesbc.ca/quiz/health-and-wellness-quiz

https://www.webmd.com/eye-health/rm-quiz-eye-fact-fiction