Facts at Myths tungkol sa Immune System na Kailangan Niyong Malaman
March 24, 2020
Sa panahon ng mga outbreak, mas mabuti kung mas maalam tayo kung anu-ano ang mga dapat paniwalaan to boost immune system. Tingnan ang ilang facts at myths para sa tamang kaalaman.
Ano ba ang immune system?
Ang immune system ay ang depensa ng katawan laban sa iba’t-bang impeksyon at sakit. Inaatake ng immune system ng isang tao ang germs sa katawan at pinapanatili tayong malusog.
Ano ang immune system function?
Kapag nagkaroon ng foreign substances sa katawan, na tinatawag ding antigens, ang immune system ang nagsisilbing pang-sugpo ng katawan laban dito.
Gumagawa ang katawan ng antibodies para labanan ang antigens at hindi humantong sa kung ano mang karamdaman.
Ang antibodies na ito ay nilo-lock ang kanilang sarili sa antiagents at ang antibodies na ito ay nananatili lamang sa loob ng katawan. Sa ganitong paraan, kung magkakaroon ulit ng parehong antiagents sa katawan, handa na ang antibodies para dito.
Marami pang kailangang madiskubre tungkol sa immune system. Sa ngayon, narito ang 5 facts tungkol sa immune system na kailangan nating tandaan para mas mapangalagaan natin ang natural defense ng ating katawan:
Fact #1: Ang lasting stress ay masama sa katawan at nakakaapekto sa ating immunity.
Ang ongoing stress o patuloy na stress ng tao, gaya stress sa trabaho, sa bahay o sa karelasyon ay masama para sa katawan. Kapag matagal nang stressed ang isang tao, mas nagiging lapitin siya ng mas maraming sakit gaya ng ubo, sipo, at lagnat na kadalasang napupunta sa mas malala pang karamdaman. Ilan dito ang iba’t ibang chronic diseases gaya ng diabetes at sakit sa puso.
Lahat ng tao ay nakararanas ng stress. Ang mahalaga ay kung paano matututong i-manage ito. Ilan sa mga nakatutulong na paraan ay meditation, yoga, at exercise.
Fact #2: Nakakaapekto ang diet sa immune system.
Walang iisang pagkain ang may kumpletong nutrisyon kaya naman dapat na matuto ang bawat isang magkaroon ng balanced diet.
Inirerekomenda na mas mataas ang pag-konsumo ng gulay at prutas kaysa sa kanin at karne. Ang pagkain din ng gulay at prutas na mayaman sa mga bitamina ay nakatutulong to boost immune system.
Kung nais namang uminom ng supplements, mas makakabuting kumonsulta muna sa doktor o dietician. Kadalasang inirerekomenda ng mga doktor ang vitamins for immune system. Ilan dito ang ascorbic acid gaya ng RiteMED Ascorbic Acid o RiteMED Sodium Ascorbate na naglalaman ng Vitamin C na siyang makatutulong to boost immune system.
Fact #3: Humihina ang immune system ng tao habang tumatanda.
Ang mga matatanda ay mas mahihirapan na labanan ang infections. Sila rin ang kadalasang nagkakaroon ng flu, pneumonia, at iba pang respiratory illnesses na mas mahirap gamutin kumpara sa mas batang mga pasyente.
Hanggang ngayon ay di-tiyak ang dahilan nito ngunit ilang mga pag-aaral ang nagsasabing nag-uugat ito sa mahinang pagkain at poor diet ng mga matatanda, kaya naman hindi nila nakukuha ang nutrients na kailangan ng katawan.
Fact #4: Bilyon ang germs na sinasala ng immune system natin araw-araw, ngunit hindi lahat ng ito ay masama.
Bagama’t hindi magandang isipin, hindi mabilang ang microbes na nakatira sa loob ng katawan at ilan sa mga ito ay kailangan para magkaroon ng malusog na pangangatawan. Isang immune system function ang paglaban sa germs na nagdadala ng sakit.
Fact #5: Ang tibay ng immune system ay nagbabago kapag kulang sa tulog.
Ang kakulangan ng tulog at pahinga - na kadalasang 6-8 hours kada araw dapat - ay nakakapagpahina ng resistensya. Mas mainam na sumunod sa tamang oras ng tulog lalo na sa gabi. Base sa mga pag-aaral, ang taong kulang sa tulog ay mas madalas magkaroon ng sipon at ubo, ebidensya na mahina ang immune system.
May mga haka-haka ring naipapasa tungkol sa immune system. Maging mapanuri sa ganitong klaseng mga impormasyon at sabi-sabi nang sa gayon ay mapangalagaan ang pangangatawan:
Myth #1: Humihina ang immune system lalo na kung may lagnat.
Nagkakaroon ng lagnat ng dahil may nilalabanang antigens ang katawan. Ang lagnat ay nagpapabilis ng function ng cells, kasama na rito ang white blood cells na siyang lumalaban sa antigens. Dahil rin sa mataas na lagnat, mas mahihirapan ang bacteria na tumagal at mabuhay sa katawan.
Ang mga vaccine ay nakatutulong sa immune system na makilala ang iba’t ibang virus at mabilis mapatay ng antibodies ang mga ito, kahit umulit muli ito ng pag-atake. Ipinapaalala na ang pagpapabakuna ay hindi nasisiguradong makakaiwas ang immune system sa pagkakaroon ng sakit na dapat pinupuksa nito.
Myth #2: Supplements lang ang kailangan ng mga bata para kotra weak immune system.
Natutulungan ng supplements na magkaroon ng sapat na supply ng vitamins at minerals ang katawan, pero hindi ito dapat ang pangunahing source - masusustansyang pagkain pa rin ang mas mainam.
Kung inirerekomenda ng doktor ang supplements para makumpleto ang nutrisyong kailangan ng mga bata, may supplements na mabibili over-the-counter gaya ng RiteMED for Kids Ascorbic Acid para sa tamang dose ng Vitamin C sa katawan na tutulong sa production ng white blood cells.
Myth #3: Gamit ang supplements, napapagaling ng immune system ang katawan.
Laging tandaan na ang supplements ay hindi gamot at hindi maaaring gamiting pang-gamot sa anumang uri ng sakit. Nakakatulong lamang ang mga ito dahil sa taglay nilang vitamins at minerals na kailangan ng katawan lalo na kung kulang ang nutrients galing sa mga kinakain.
Myth #4: Ang lahat ay ipinanganak na may malakas na immune system.
Hindi lahat ay ipinanganak na may malakas na resistensya. Ang ilan ay may immunodeficiency na nakakaapekto sa abilidad ng katawang lababan ang infections, bacteria, parasites, at viruses.
Tips to Boost Immune System
Mabigat ang ginagampanang trabaho ng immune system. Naka-depende ito sa tamang nutrisyong nakukuha ng katawan. Mainam na magkaroon ng balanced at healthy diet na puno ng sumusunod na nutrients:
1. Vitamin A – Pinapanatiling malusog ang mucosal lining ng respiratory at gastrointestinal tracks para malabanan ang viruses at bacteria. Makukuha ito sa kamote, carrots, mga berdeng gulay, at itlog.
2. Vitamin C - Isang antioxidant na tumutulong sa production ng white blood cells para labanan ang infections. Ilang sources nito ang orange, ubas, strawberries, broccoli, at papaya.
3. Vitamin E - Antioxidant na tumutulong sa pagprotekta ng body tissues laban sa free radicals. Sagana ang almonds, peanuts, buto ng sunflower, at spinach sa bitaminang ito.
4. Zinc - Tumutulong sa absorption ng Vitamin C at matatagpuan sa lutong oysters, alimango, dark chocolate, at sesame seeds.
5. Probiotics – Lumalaban sa viruses at humaharang sa pathogens upang maiwasang makapasok sa dugo. Mayaman sa probiotics ang yogurt, buttermilk, kimchi, at soft cheese.
Sa pagtukoy ng mga katotohanan tungkol sa immune system, magiging mas masusi ang magagawa nating pag-iingat at pagpapatibay dito. Huwag ding kalimutang kumonsulta sa doktor para sa ibayong payo tungkol sa pagpapalakas ng resistensya ayon sa inyong kondisyon.
Sources:
https://kidshealth.org/en/parents/immune.html
https://www.webmd.com/cold-and-flu/myths-and-facts-about-your-immune-system/
https://www.hollandandbarrett.com/the-health-hub/conditions/immunity/five-myths-immune-system/
https://www.webmd.com/cold-and-flu/features/boost-immune-system/
https://biobalanceinstitute.com/health-news/fighting-viruses-check-nutrients-boost-immune-system