Hindi maikakailang masarap kumain ang mga Pinoy, lalo na’t sadyang malinamnam din ang mga pagkaing inihahanda natin. Kaya naman nakapagtataka kapag walang ganang kumain ang isa sa ating mga kaibigan o kamag-anak.
Ang kawalang ng gana kumain o loss of appetite ay maaaring dulot ng iba’t ibang kondisyon, mapa-pisikal o sikolohikal man. Kahit pa hindi malala ang karamdaman na nagdudulot ng kawalan ng gana kumain ng isang tao, kailangan pa rin itong maagapan dahil pwedeng makaranas ng fatigue at weight loss ang isang tao kapag hindi siya nakakakain nang sapat.
Mga Posibleng Sanhi ng Kawalan ng Gana Kumain
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/sick-asian-young-woman-sneeze-home-1180851580
Kadalasan, ang mga karamdamang nagdudulot ng loss of appetite ay pansamantala lang, tulad ng impeksyon sa katawan o problema sa digestive system. Kapag gumaling ang isang tao mula sa hindi malalang sakit na ito, babalik na rin ang kanyang gana kumain. Ilan sa mga pangkaraniwang nagdudulot ng loss of appetite ay ang mga sumusunod:
- Sipon
- Trangkaso
- Impeksyon sa respiratory system
- Impeksyon na dulot ng bacteria o virus
- Pagtitibi
- Food poisoning
- Allergies
- Gastroenteritis
- Imbalance sa hormones
- Singaw at iba pang sakit sa bibig
Bukod sa mga pangkaraniwang sanhi ng loss of appetite, may mga pangmatagalang kondisyon din na maaaring magdulot nito. Ilan na lamang sa mga ito ang mga sumusunod:
- Sakit sa digestive system, tulad ng irritable bowel syndrome at Crohn’s disease
- Addison’s disease
- Hika
- Diabetes
- Malalang sakit sa bato at atay
- HIV at AIDS
- Kanser sa tiyan at colon
Maaari ring magdulot ng kawalan ng gana kumain ang mga sikolohikal na karamdaman. Ang ilan sa mga sikolohikal na kondisyong maaaring magdulot ng loss of appetite ay:
- Depresyon
- Anxiety
- Panic attacks
- Stress
- Grief
- Eating disorders, tulad ng bulimia at anorexia nervosa
Lunas Para sa Kawalan ng Gana Kumain
Para hindi na lumala ang epekto ng loss of appetite sa isang tao, may ilang home remedies na pwede niyang gawin. Isa na dito ang pagkain ng mas madalas pero mas kaunti, kesa sa pagkain ng tatlong kumpletong meals sa isang araw. Makakatulong ito para punan ang kailangang nutrisyon ng isang tao nang hindi siya pinipilit kumain nang madami. Pwede rin siyang uminom ng liquid meals, tulad ng smoothie at protein shake, na mas madaling lunukin.
Upang masiguradong sapat ang nutrisyon na nakukuha ng isang indibidwal kada araw, ang mga kinakain niya ay dapat mayaman sa calories at protein. Dapat din siyang himukin na uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration.
Pwede ring pakainin ang taong walang gana sa mga nakaka-relax na lugar para mas ma-enjoy niya ang pagkain. Makakatulong din ang mahinay na pag-e-exercise para mapabalik ang gana kumain ng isang tao. Kung hindi pa rin bumabalik ang kanyang gana kumain, pwede siyang uminom ng RM Appetite Stimulant Tab.
Kung ang sanhi naman ng loss of appetite ay malalang sakit, kailangang ikonsulta na ito sa doktor. Sila lamang ang makapagbibigay ng paraan para lunasan ang underlying na kondisyon at solusyunan ang kawalan ng gana kumain.
Ang loss of appetite ay isang pangkaraniwang kondisyon na nararanasan ng halos lahat ng tao. Pero kung ikaw o isa sa iyong mahal sa buhay ay matagal nang nakakaranas ng kawalan ng gana kumain, mabuti kung pumunta na sa doktor. Ito ay makakatulong para maiwasan ang komplikasyon na dulot ng kondisyong ito, tulad ng weight loss o malnutrisyon.
Sources:
https://www.philstar.com/opinion/2013/02/01/903473/loss-appetite
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324011
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-appetite-stimulant-tab