Bakit Nga Ba Kailangan ng Sapat na Pahinga ng Ating Katawan?

June 11, 2021

Ang overexertion ay ang pagsagawa ng isang bagay o aktibidad, maging pisikal man ito o mental, ng higit sa iyong kakayahan. Nakadepende ito sa maraming factors, tulad ng edad, medical history, work environment, at specific activity o task ng isang tao.

 

 

Isang halimbawa ng overexertion ay ang isang atleta na patuloy na nagsasanay kahit tapos na ang kaniyang eight-hour training. Lingid sa kanyang kaalaman, mayroong fine line sa pagitan ng "pushing to the limit" at overexertion. Madalas itong hindi napagtatanto ng maraming tao, hanggang sa matapos na sila sa sobrang pagtatrabaho o pag-eehersisyo at dumadaing na sila ng pananakit ng katawan.

 

Sanhi ng Overexertion

Ang mga karaniwang sanhi ng overexertion ay ang paulit-ulit na paggalaw, biglaang paggalaw ng katawan, maling pamamaraan, at pinahabang aktibidad.

 

Upang mas maintindihan, isa-isahin natin ang mga sanhi na ito.

 

  1. Paulit-ulit na Paggalaw (Repetitive Movements)

Kapag paulit-ulit mong ginalaw ang iyong joint o muscle sa loob ng ilang oras, maaari itong humantong sa overexertion. Ito ay maaaring mag sanhi ng pilay sa iyong katawan, na humahantong sa sakit (pain) o discomfort.

 

Ang paulit-ulit na pag galaw ay madalas na kaugnay ng iba’t ibang aktibidad, tulad ng:

  • Paggamit ng computer mouse
  • Pagta-type o pagsulat
  • Pagsipa o paghagis ng bola
  • Pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika
  • Pagtatahi o paggagantsilyo

 

  1. Biglaang Paggalaw ng Katawan (Sudden Body Movements)

Ang isang sudden, forceful movement ay maaring magsanhi ng overexertion. Mas madalas itong mangyari kapag mali ang iyong pamamaraan. Ang mga biglaang paggalaw na maaaring humantong sa labis na pagkapagod ay:

  • Pag-ikot
  • Pagbaluktot
  • Pagtutulak
  • Paghila
  • Pagtapon
  • Pag-abot

 

  1. Maling Pamamaraan (Improper Technique)

Ang overexertion ay maaaring mag-ugat sa maling pagsagawa ng isang activity o task. Maaari nitong pagurin ang iyong muscles, bones, joints, at connective tissues at mga sanhi ng overexertion injuries.

 

Ilan sa mga improper techniques na ito ay:

  • Maling pagbubuhat
  • Maling pustura kapag nakaupo
  • Alanganing pagkakatayo
  • Paggamit ng maling porma habang nag-eehersisyo
  • Walang suot na pad sa tuhod habang nakaluhod
  • Paggamit ng maling gear o equipment (tulad ng mga upuan na walang suporta sa likod)

 

  1. Pinahabang Aktibidad (Prolonged Activities)

Kung ikaw ay may gagawing isang aktibidad na walang regular breaks o pahinga, mapapagod ka kalaunan. Ang labis na physical effort na ito ay maaaring magdulot ng masama sa iyong katawan.

 

Ilang halimbawa ng prolonged activities ay ang labis na pagsasanay para sa isang sport o physical fitness at paggawa ng isang aktibidad o ehersisyo araw-araw o ng walang pahinga.

 

Bukod dito, maaari ka ring makaranas ng mental overexertion. Ito ay nangyayari matapos mong ipako ang iyong pag-iisip sa isang cognitive activity sa loob ng ilang oras. Halimbawa, maaari kang makaramdam ng mental burnout matapos ang ilang oras na pag-aaral o pagtatrabaho.

 

Masamang Dulot ng Overexertion

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/stressed-business-man-office-235187464

 

Kung walang proper treatment at prevention, ang acute pain mula sa overexertion ay maaaring lumala. Maaari itong humantong sa mga health issues tulad ng osteoarthritis, carpal tunnel syndrome, tennis elbow, at stress (hairline) fractures. 

 

Bukod sa mga ito, ilan pa sa masamang epekto ng overexertion ay:

 

  1. Hormonal Dysfunction

Ang overexertion ay nagbibigay ng negatibong epekto sa stress hormones na cortisol at epinephrine. Ang hormonal imbalance na ito ay humahantong sa emotional lability, concentration problems, pagiging iritable o pagkamayamutin, depression, at kahirapan sa pagtulog.

 

  1. Impaired Metabolism

Ang pagkakaroon ng low-energy sa loob ng mahabang panahon ay maaaring negatibong nakakaapekto sa iba't ibang organ systems at humantong sa iron deficiency anemia, low testosterone levels sa kalalakihan, at low bone density.

 

  1. Poor Immunity

Maaaring pabagsakin ng overexertion ang ating immune system, na nagreresulta sa kawalan ng kakayahan ng ating katawan na pigilan ang mga impeksyon tulad ng upper respiratory infections.

 

  1. Chronic Injury

Ang muscle at joint overutilization ay madalas humahantong sa full-time aches at pains. Kapag ang injury ay nagpatuloy ng higit sa dalawang linggo, maaaring ito ay substantial at nangangailangan ng medikal na atensyon.

 

 

 

Wellness Tips Upang Maiwasan ang Sobrang Pagkapagod

 

Aha Moment. Portrait of excited asian woman having great idea, finding inspiration or solution to problem. Cheerful young lady pointing finger up isolated over pastel pink studio background.

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/aha-moment-portrait-excited-asian-woman-1928448815

 

  1. Uminom ng tubig bago at pagkatapos magtrabaho o mag-exercise.
  2. Mag warm-up bago gumawa ng isang aktibidad at magsuot ng proper attire at footwear.
  3. Magpahinga tuwing 30 minuto, lalo na kung madalas kang manatili sa isang pwesto o posisyon sa loob ng ilang oras. Napakaimportante ng pahinga sa ating physical wellness.
  4. Galaw-galawin ang mga joints sa pamamagitan ng mga simpleng ehersisyo tulad ng wrist exercise at overhead stretches.
  5. Alamin ang tamang pamamaraan at porma para sa plano mong ehersisyo o gawain. Humingi ng tulong kung hindi mo alam kung ano ang tamang porma.
  6. Iwasan ang sobrang pag-eehersisyo at huwag mag-stick sa isang routine.
  7. Kung regular kang nag-eehersisyo, dahan-dahanin ang pagtaas ng iyong activity duration, intensity, at frequency.
  8. Buhatin ang mga mabibigat na bagay gamit ang iyong mga binti, hindi ang iyong likod. Ibaluktot ang iyong tuhod bago iangat ang anumang mabibigat na bagay, at panatilihing malapit ang mga ito sa iyong katawan.

 

Normal mapagod kung nagtatrabaho o nag-eehersisyo. Ang problema ay kapag nakakalimutan na nating bigyan ng pagkakataon na magpahinga ang ating katawan na madalas humahantong sa overexertion. Tandaan natin, ang physical health ay kasing halaga ng mental at social health.

 

Gayunpaman, kung hindi talaga maiiwasan ang sobrang pagkapagod dahil sa sports o trabaho, maaari kang uminom ng pain relief medicines tulad ng RM Paramax. Ang RM Paramax (Ibuprofen+Paracetamol) ay nakakatulong sa pag pawi ng muscle pain, sprain, tendonitis, backache, o stiff neck. Bukod sa gamot na ito, may iba pang pain relief medicines na maaari mong i-take upang labanan ang overexertion. Bisitahin lang ang link na ito.

 

Sources:

https://up.edu.ph/health-wellness-and-heritage-did-you-know

https://www.healthline.com/health/overexertion

https://www.mdlinx.com/article/9-adverse-health-effects-of-too-much-exercise/70VZzE7JPAtHBOXq4O8Ltw