Bakit Mahalagang Uminom ng Tubig? | RiteMED

Bakit Mahalagang Uminom ng Tubig?

February 20, 2021

Bakit Mahalagang Uminom ng Tubig?

Ang pag-inom ng tubig ay kasama sa requirements sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Sa kabila ng mga paalalang uminom ng walong baso ng tubig araw-araw, marami pa ring idinadahilan kung bakit hindi ito nasusunod. Alamin ang benefits ng pag-inom ng tubig para magkaroon ng motivation na gawin ito lagi.

 

Ano ang mangyayari kapag kulang sa inom ng tubig?

 

Tinatawag na dehydration ang kondisyon ng kakulangan sa tubig ng katawan. Ang malubhang dehydration ay nagdudulot ng pagbaba ng brain activity, pagbabago ng mood, kawalan ng kakayahang gumawa ng physical activities, at iba pang sintomas.

 

 

Drinking Water Benefits

 

Bukod sa pag-iwas sa dehydration, maraming benefits ang pag-inom ng tubig:

 

  1. Panlaban sa mga sakit

 

Kapag dehydrated, madaling tamaan ng sakit ng ulo at migraine. Sa katunayan, may mga pag-aaral na nagsasabing nakakatulong sa pagpapabuti ng pakiramdam mula sa headache at migraine ang pag-inom ng tubig. Nakikitaan din ng mas mataas na risk sa pananakit ng ulo ang mga taong hindi gaanong umiinom ng tubig.

 

Para naman sa sakit ng tiyan, makakatulong sa pagpapahupa ng constipation ang pag-inom ng maraming tubig. Napapalambot ng mineral water ang dumi dahil sa magnesium at sodium content nito.

 

Kapag umiinom ng sapat na tubig, naaagapan ang pamamaga ng kidney stones at pagkakaroon ng kidney disorder. Napapalabnaw ng tubig ang minerals na sinasala ng kidneys, kaya naman maiiwasan ang pamumuo o crystallization ng mga ito. Bilang resulta, nailalabas agad ng katawan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-ihi.

 

  1. Tumutulong sa pagpapababa ng timbang

 

Napapabilis ng tubig ang metabolism ng katawan, kasama na rito ang digestion at cell repair. Dahil dito, mas dumarami ang calories na nasusunog ng katawan araw-araw. Nakitaan ng koneksyon ang obesity o pagiging overweight sa kakulangan ng iniinom na tubig.

 

  1. Napapataas ang physical at mental performance

 

Kapag mainit ang panahon o kaya may ginagawang physical activity, lumalabas ang tubig sa katawan bilang pawis. Mas mabilis mapagod, mawalan ng gana, at magkaroon ng muscle pain kapag hindi nanatiling hydrated.

 

Ganito rin pagdating sa brain function. Mas mataas ang concentration, memory, at motivation kapag hydrated. Nakita ang koneksyon na ito sa ilang pag-aaral, kaya naman inirerekomenda ang sapat na pag-inom ng tubig kahit busy sa trabaho o pag-aaral.

 

 

 

Cold Water vs. Warm Water

 

undefined

Image from:https://www.shutterstock.com/image-photo/detox-infused-water-lemon-lime-ginger-434348119

 

 

 

Uminom ng cold water kapag:

 

  • Kakatapos lang mag-workout o gumawa ng nakakapagod na physical activity;
  • Mainit ang panahon para makaiwas sa heat stroke at dehydration;
  • May lagnat para mapababa ang body temperature; at
  • Nagpapababa ng timbang.

 

 

Uminom naman ng warm water kapag:

 

  • May problema sa digestion o may pananakit ng tiyan;
  • Nakakaranas ng menstrual pain, headache, joint pain, o muscle pain.

 

 

Water Recipes

 

Kung hindi mahilig uminom ng tubig dahil sa kawalan ng lasa nito, pwedeng subukan ang mga simpleng infused water recipes na ito. Bukod sa nakaka-detoxify ito ng katawan, masustansya rin ang mga sangkap nito.

 

  • Lemon water;
  • Cucumber at mint;
  • Orange at lemon;
  • Watermelon at mint; at
  • Apple at cinnamon.

 

 

Sources:

 

https://www.healthline.com/nutrition/7-health-benefits-of-water

https://academic.oup.com/jn/article/142/2/382/4743487

https://www.healthline.com/nutrition/detox-water-101

 



What do you think of this article?