Ano ang mas Effective? Hand Sanitizer VS Handwashing

October 14, 2020

Ang mga hand sanitizer ay may kakayahang mag-disinfect kung 60% ng komposisyon nito ay alcohol. Ngunit ayon sa mga eksperto sa infectious disease, ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ay nananatiling pinakamabisang paraan upang matanggal ang mga germs kabilang na ang novel coronavirus. Inirerekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang palagiang paghuhugas ng kamay nang at least 20 segundo upang maiwasan ang pagkalat ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Handwashing vs. Hand Sanitizer

Bakit nga ba mas mabuti ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig? Unang una, may limitasyon ang kakayahang mag-disinfect ng mga hand sanitizers. Hindi nila kayang matanggal lahat ng bacteria at virus na maaaring nasa kamay ng isang tao. Bagaman mas madaling gamitin ang mga sanitizer, kahit ang mga may wastong alcohol content ay maaaring hindi sapat upang mapatay ang mga mapanganib na microorganisms na ito.

Ang sabon at tubig ay mas epektibo sa pagtatanggal ng karaniwang germs gaya ng cryptosporidium, norovirus, at Clostridium difficile na nagdudulot ng sakit. Tinatanggal din ng sabon ang mga bacteria at mga vrus viruses na maaaring mas mapanganib kaysa sa coronavirus.

Ayon sa pananaliksik, ang mga hand sanitizers ay mainam gamitin sa clinical settings kung saan ang mga kamay ay hindi gaanong nadudumihan. Ngunit sa lugar ng trabaho at sa komunidad – kung saan ang mga tao ay humahawak sa mga kagamitan at pagkain o di kaya ay naglalaro ng sports – ang mga sanitizer ay hindi sapat bilang panlinis. Bukod pa riyan, ang mga hand sanitizer ay hindi epektibo kung kakaunti lamang ang gagamitin o kung natanggal ito bago matuyo nang tuluyan.

Ang mga hand sanitizers ay maaari ring hindi makatanggal ng mga mapanganib na kemikal. Sa isang pag-aaral, ang mga taong nagsabi na sila ay gumagamit ng sanitizer upang linisin ang kanilang kamay ay napag-alamang may mataas na lebel ng pestisidyo sa kanilang katawan.

Kung ikaw ay nakahawak sa mga mapanganib na kemikal, inirerekomenda ng mga eksperto ang maingat na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o di kaya ay ayon sa payo ng poison control center.

Alcohol Concentrations

Maraming pag-aaral ang nagsasabing ang mga sanitizers na may alcohol concentrations sa pagitan ng 60% at 95% ay mas epektibo sa pagpatay ng germs kumpara sa mga produktong may mas mababang concentration o walang alcohol. Ang mas mababang concentration ng alcohol ay nakakapagpabagal lamang ng paglaki ng germs; hindi nito agad-agad napapatay ang germs.

Ang nakakabahala pa niyan ay may mga ilang bacteria na nagpapakita ng tolerance sa mababang amount ng ethyl alcohol.

Alcohol Poisoning

Bagaman ang mga alcohol-based hand sanitizers ay ligtas kung gagamitin nang wasto, may pagkakataong nagdudulot sila ng poisoning o pagkalason, partikular na kung ang isang tao ay nakalunok ng seryosong dami nito.

Mahalagang ilagay ang mga hand sanitizer sa isang lugar na malayo sa mga maliliit na bata at ginagamit lamang nang may patnubay ng mga nakatatanda.

 

Bakit mas epektibo ang sabon?

Ang sabon at running water ay nananatiling pinakamabisang paraan upang matanggal ang mga germs sa ating mga kamay. Ito ay dahil ang mga soap molecules ay may kakayahang makasira ng surface membranes ng ilang bacteria at virus, kabilang na ang novel coronavirus.

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-using-soap-washing-hands-1682053321)

Bukod diyan, ang pag-lalather at pagkukuskos ng kamay nang maigi ay nagdudulot ng friction na tumutulong na matanggal sa pagkakadikit ang mga mikrobyo, grasa, at dumi upang sumama ito sa dumadaloy na tubig.

Ang paghuhugas gamit ang sabon ay dapat ginagawa nang at least 20 segundo upang ma-disinfect nang maigi ang mga kamay. Katumbas nito ang pagkanta ng “happy birthday” nang dalawang ulit.

Ang wastong kalinisan ang isa sa mga epektibong sandata sa panahon ng pandemya. Sa wastong paghuhugas ng kamay, maaari tayong makaiwas sa sakit at makatulong na rin sa pagpigil sa pagkalat nito.

Sources:

https://www.cdc.gov/handwashing/index.html

https://www.ucihealth.org/blog/2020/04/soap-vs-sanitizer

https://www.allure.com/story/hand-sanitizer-vs-washing-soap-water

https://connect.uclahealth.org/2020/03/10/handwashing-vs-hand-sanitizer-whats-the-difference/