Ano ang CALCIUM?

February 27, 2018

Isang mahalagang mineral sa pagpapanatiling matibay ng mga buto at ngipin ang Calcium. Kailangan ito ng katawan ng bata para sa paglaki at pagpapalakas. Nakakatulong din ito sa muscle contractions, nerve stimulations, at pag-alaga ng blood pressure. Maaring makakuha ng calcium sa iba’tibang pagkain.

 

Bakitkailangan ng mgabata ng calcium?

 

Kapag kulang sa calcium ang buto ng mga bata, mang hihina ang mga ito na maaring magdala ng osteoporosis sa batang edad. Nakabatay sa mga kinakain at sa Vitamin D ang calcium na nakukuha ng mga bata. Kailangan ang Vitamin D para sa calcium absorption.

 

Nag-iiba din ang dami ng calcium na kailangan ng mga bata depende sa edad nito. Mabuting pumunta sa doktor upang malaman ang tamang sukat o dami ng calcium na kailangan ng iyong mga anak bawat araw.

 

Mahalagang magkaroon ng calcium sakatawan ang mga bata kaya naman heto ang ilang kiddie recipes na mayaman sa calcium:

 

  1. Mixed Fruits Smoothie

            undefined

Image from Pixabay

            Ingredients:

  • Kalahating Banana
  • Kalahating Orange
  • Tatlong (3) Strawberry
  • 1/2 tasa ng Greek yogurt,nonfat
  • 8 oz Milk, fat-free

           

Ilagay lahat ng ingredients sa isang blender at ipaghalo ito hanggang sa maging smooth at consistent. Ilagay sa baso at inumin!

 

Bukod sa gatas ay mayaman din ang yogurt sa calcium. Isa ang yogurt as pinaka may amang pagkukuhanan ng calcium sa pagkain at naglalaman din ito ng protina na  kailangan ng katawan.

 

  1. Easy Overnight Oats

undefined

Image from Pixabay

           

Ingredients:

  • Kalahating (½) tasa ng rolled oats
  • ¾ natasa ng gatas (Full cream o kaya nonfat milk)
  • 1-2 kutsarita ng honey
  • Kahalating (½) saging

 

Ilagay ang oats, milk, at honey sa isang garapon o kaya mason jar. Haluin ng kaunti upang magsamasama ito. Ilagaysa ref ng 6-8 oras. Hiwain ang saging at ilagay ito sa itaas at kainin!

 

  1. Nutty Banana Grilled Cheese

 

            Ingredients:

  • 8 Slices ng Wheat Bread
  • 3 oz reduced-fat cream cheese, pinalambot
  • 1 sagingnahiniwa ng manipis
  • ¼ tasa ng almond butter
  • 2 kutsara ng honey

 

Ilagay sa toaster ang 4 nahiwa ng tinapay ng 2 minuto. Maglagay ng cream cheese sabawatisa.Ilagayang banana saitaas ng cream cheese. Sa 4 na slice ng tinapay na natira, lagyan ang mga ito ng almond butter at honey. Ipagsamaang dalawang pares ng tinapay na inihanda. Ilagay muli ito sa toaster ng 2 minuto.

 

Mahalaga na low-fat cream cheese ang gamitin dahil mas kaunti ang calories nito kaysa regular na cream cheese. Mas mataas din ang calcium content nanasa low-fat cream cheese. Sakabilang banda naman, sa lahat mani, ang almond ang may pinakamataasna calcium content.

 

  1. Quick Glazed Salmon

            undefined

Image from Pixabay

            Ingredients:

  • ¼ tasa ng toyo
  • 4 nakutsarang brown sugar
  • 3 Salmon Fillet

 

Hiwain ang salmon para maging chunks ito. Ihalo ang toyo at asukal at ilagay ang hiniwang salmon dito para sa marinate. Iwan ito ng ilang minuto. Ihawin ang salmon ng 6 na minuto o hanggang sa maging brown ito sa itaas ng unit medyo pink pa rin sa loob. Ilagay ang salmon sa itaas ng kanin at gawing pambaon ng mga kids!

 

Lingid sa kaalaman ng madamingtao, mataasang calcium nadala ng salmon. Meron ding protina at omega-3 fatty acids ang salmon namabuti para sapuso, utak, at balat.

 

  1. Crispy Tofu Cubes

undefined

Image from Pixabay

            Ingredients:

  • Tofu - hiwain ng maliliitnapiraso
  • Cornstarch
  • Cornmeal
  • Parmesan Cheese
  • Olive Oil
  • Asin

 

Ihalo ang keso, cornmeal, asin, at cornstarch upang makagawa ng coating para

sa tofu. Ilagay ang tofu sa loob ng coating mix at siguraduhing nababalutan ng mix ang tofu. Iprito ang tofu sa olive oil hanggang sa maging brown at crispy ito.

 

Alam niyoba mga mommies na isang alternatibo sa gatasang pagkain ng tofu upang mapuna nang kailangan na calcium ng mga bata? Mainam ito lalona kung lactose intolerant ang bata.

 

Mahalagang magkaroon ng sapat na calcium ang mga tsikiting araw-araw. Lingid sa kaalaman ng ibang mommies, hindi lamang sa gatas nakukuhaang calcium. Meron din nito sa keso, yogurt, isda, tofu, orange juice, tinapay, at ibang mga gulay katulad ng broccoli at bok choy. Mainam na makapaghandaang mga mommies ng iba’t ibang pagkain na puno ng calcium para always strong ang bones ng mga bata!

 

Source:

http://kalusugan.ph/kahalagahan-ng-calcium-at-mga-pagkaing-mayaman-dito/

https://healthy-kids.com.au/food-nutrition/nutrients-in-food/calcium/

https://allnutribulletrecipes.com/strong-bones-high-calcium-smoothie/

http://www.scratchmommy.com/easy-overnight-oats-recipe/

https://www.parents.com/recipe/nutty-banana-grilled-cheese-/

http://www.kidspot.com.au/kitchen/recipes/quick-glazed-salmon-3139

http://www.momjunction.com/articles/yummy-tofu-recipes-your-kid-will-love_00328251/#gref

https://www.nichd.nih.gov/health/topics/bonehealth/conditioninfo/sources

https://www.livestrong.com/article/293682-calcium-in-milk-and-yogurt/

http://healthyeating.sfgate.com/lowfat-cream-cheese-compared-regular-3180.html

https://www.healthline.com/nutrition/15-calcium-rich-foods#section4

https://vegetariannutrition.net/docs/Calcium-Vegetarian-Nutrition.pdf