- Dark Chocolate
Ang dark chocolate ay mabuti para sa memory ng isang tao. Maliban dito, nakakatulong din ang dark chocolate para gumanda ang mood. Ang isang maliit na piraso (small cube) ng dark chocolate ay sapat para mag-release ang brain ng endorphins at pataasin ang serotonin levels na siyang nakaka-improve ng mood. Para maramdaman ang full benefits ng dark chocolate, piliin ang merong at least 70% cocoa solids at kainin ito in moderation.
- Fatty Fish
Ayon sa ilang pag-aaral ang mga tao na deficient sa omega-3 acids ay prone sa depression at low mood. Ang omega-3 acids ay importante sa brain dahil almost 30% nito ay gawa dito. Ang mga fatty fish kagaya ng salmon, mackarel at sardines ay mainam para mapanatiling healthy ang brain at pagandahin ang mood.
- Oats
Maliban sa maganda ang oats para sa tao na gusto magbawas ng timbang, mainam ito sa para brain. Ang oats ay mayaman sa selenium, isang mood-boosting mineral, at mayroon itong low glycemic index na siyang slowly nag-rerelease ng energy sa ating blood stream na nakakatulong sa pag-stabilize ng blood sugar levels at mood.
- Chicken and Turkey
Kagaya ng oats, ang chicken at turkey breast ay maganda para sa mga taong nag-didiet at maganda din ito para sa brain. Ang chicken at turkey ay mayaman sa amino acid na tryptophan, na ginagamit ng katawan para gumawa ng serotonin. Ang serotonin ay importanteng neurotransmitter para mapaganda ang mood ng isang tao. Maliban dito, nakakatulong din ito sa pag-gawa ng melatonin, isang chemical sa brain na nakakatulong sa pagtulog. Ang lean poultry din ay mayaman sa tyrosine, isang amino acid na nakakatulong sa pagbawas ng depression.
- Cereal
Ang calcium ay sinasabing nakakatulong sa pagbawas ng stress at anxiety. Kagaya ng prawns, sardines, tofu at spinach, magandang source ng calcium ang cereal. Ang isang cup ng cereal tuwing umaga ay sapat para sa isang well-balanced meal na siyang makakatulong sa mood ng isang tao.
- Oysters
Source: https://pixabay.com/en/oysters-shell-fish-seafood-shell-2220607/
Ang oysters ay mayaman sa zinc na siyang nagbibigay ng energy for mental function at proteksyon sa brain. Maliban dito, mayaman din ito sa amino acids na tyrosine, na nakakatulong sa mental function at nakaka-improve ng mood.
- Blueberries
Mayaman ito sa antioxidants na siyang lumalaban sa mga toxic proteins na associated sa memory loss. Maliban dito, nakakatulong din ito para mapanatiling active ang brain at mapaganda ang mood. Maaaring kainin ang mga blueberries ng raw, gawing smoothie, jam o ihalo sa cereal.
- Spinach
Ang mga green leafy vegetables kagaya ng Spinach ay mayaman sa magnesium na nakakatulong sa pag-increase ng serotonin levels at magpaganda ng mood ng isang tao. Isang pag-aaral ang nagsasabi na ang mga tao na may deficiency sa magnesium ay mas prone sa depression at anxiety.
- Pasta
Ang pasta ay mayaman sa carbohydrates na siyang nakakatulong magbigay ng energy sa isang tao. Ayon sa ilang pag-aaral ang high-carb diet ay mas epektibo sa pag-improve ng mood ng isang tao, habang ang high-protein diet naman ay nagreresulta sa pagka-sluggish ng isang tao.
- Water
Ang water ay importante sa ating katawan, lalong lalo na sa overall well-being natin. Kung dehydrated ang katawan, mahirap mag-concentrate. Ayon sa mga experto, dapat nakaka-inom tayo ng 1-2L a day para manatiling normal ang ating function at mood.
Maliban sa listahan na ito, mayroon pang iba’t ibang klaseng pagkain na maaaring makatulong sa mood ng isang tao. Importante na tandaan na ang pag-kain ng healthy foods ay isang malaking factor para gumanda ang disposisyon ng isang tao. At siyempre, dapat laging balanced ang diet.
Source:
- https://www.washingtonpost.com/lifestyle/wellness/6-foods-to-eat-for-a-mood-boost/2017/04/06/432820a0-188c-11e7-9887-1a5314b56a08_story.html?utm_term=.6391efca60ec
- http://www.netdoctor.co.uk/healthy-eating/a25845/11-mood-boosting-foods/
- https://www.blurtitout.org/2016/03/02/depression-foods-that-boost-mood-and-energy/
- http://www.eatingwell.com/article/141652/7-foods-to-boost-your-mood-naturally/
- https://www.prevention.com/health/food-and-mood-best-foods-make-you-feel-better
- http://www.goodtoknow.co.uk/wellbeing/galleries/34214/20-mood-boosting-foods/8