Ang kawalan ng gana kumain ay isa sa mga sanhi ng pagiging underweight o pagkakaroon ng mababang timbang. Bagama’t hindi naman basehan ang lakas ng pag-kain para masabing healthy ang isang tao, nakakaapekto ang appetite o ang gana kumain para magkaroon ng kagustuhan na kumonsumo ng healthy food, kahit ano pa ang lasa ng mga ito. Kailangan ang malakas na appetite para mabigay sa katawan ang kumpletong pangangailangan nito batay sa edad, tangkad, bigat, at health condition na mayroon ang isang tao. Ang kakulangan sa mga pangangailangang ito ay maaaring humantong sa malnourishment.
Ang loss of appetite ay tinatawag na anorexia sa medisina. Marami itong posibleng sanhi. Ilan sa mga ito ang:
- Pagiging pihikan;
- Pagbubuntis;
- Problema sa metabolism o sa paraan ng katawan na pagproseso sa kinain;
- Sakit sa atay;
- Dementia;
- Hepatitis;
- Paggamit ng pinagbabawal na gamot; at
- Pag-inom ng antibiotics.
Hindi lang mga bata ang nangangailangan ng tamang timbang para matawag na healthy. Tingnan dito kung para sa iyo rin ang pag-inom ng vitamins to boost appetite.
Ano nga ba ang nasa Appetite Stimulant?
Ang appetite stimulant vitamins ay kadalasang binubuo ng tatlo sa walong B-Vitamins. Kailangang malaman ang benefits ng mga ito para maintindihan ang nagagawa nila sa katawan para makapagpagana ng kain.
- Vitamin B1 (Thiamine)
Kagaya ng lahat ng B-Vitamins, ang bitaminang ito ay responsible sa paggawa energy sa katawan mula sa pagkaing kinonsumo. Ang kakulangan sa Vitamin B1 ay napag-aralang nagreresulta sa pagkaramdam na ikaw ay busog pa. Sa parte ng utak na tinatawag na hypothalamus, mayroong “satiety center” na nagsasabi sa isip kung kailangan nang kumain. Ito ang pinagmumulan ng pagkaramdam ng gutom at ng pagkabusog.
Kapag deficient ang katawan sa Vitamin B1, hindi nagagampanan ng satiety center ang normal na function ng pagtukoy kung kailangan na bang kumain o hindi. Bukod dito, nagdadala rin ito ang pakiramdam ng pagsusuka kahit wala pa gaanong nakakain. Dahil mayroon nito ang vitamins to gain weight, nagiging maayos ang trabaho ng parteng ito ng utak.
Photo from Unsplash
Ilan sa mga pagkain na mayaman sa Vitamin B1 ang beef liver, black beans, pork loin, asparagus, macadamia nuts, at mga cereals na fortified. Kapag sinamahan pa ito ng appetite stimulant, siguradong magkakaroon ng gana kumain nang masustansya.
- Vitamin B6 (Pyridoxine)
Para naman masigurado ang hindi healthy na pagdagdag ng timbang habang ginaganahan kumain, dito na papasok ang Vitamin B6. Ang bitaminang ito ang naniniguro na normal ang produksyon ng thyroid hormone. Isa pa ito sa mahusay na benepisyo ng Vitamin B6 – ang pagpapanatiling normal ng metabolism o ang kemikal process ng pag-convert ng pagkain patungong energy.
Sa pagte-take ng vitamins to boost appetite na may B6, mababalanse at mapipigilan ang pagiging overweight dahil sa pagkakaroon ng malakas na ganang kumain. Dahil napapanatili nitong maayos ang metabolism, hindi naiimbak ang mga kinonsumong pagkain sa katawan dahil napoproseso na agad ang mga ito.
Makakakuha ng sapat na Vitamin B6 kung isasama ang tuna, avocado, pistachio nuts, sunflower seeds, at chicken breasts sa inyong diet o meal plan. Suportahan ito gamit ang pag-inom ng vitamins for appetite. Kung may history ng obesity o pagiging overweight sa inyong pamilya, kumonsulta muna sa doktor bago ito subukan.
- Vitamin B12 (Cobalamin)
Ang huling bitamina na kailangang kasama sa vitamins to gain weight ay, kagaya ng Vitamin B6, kailangan ng katawan para sa normal na metabolism. Ang pagiging deficient sa Vitamin B12 ay nagsasanhi ng kawalan ng gana kumain, constipation, at fatigue o pagkapagod dahil hindi nagiging energy ang mga pagkaing kinonsumo.
Photo from Unsplash
Mas matatagpuan ang bitaminang ito sa animal products gaya ng poultry, meat, fish, eggs, at milk. Para mapunan ang recommended dietary allowance nito, mas makabubuti kung ang bibilhing appetite stimulant ay mayroon nito.
Kung papansinin, ang tatlong bitaminang ito ay nakikita rin sa Vitamin B-Complex. Ang pinagkaiba ng appetite stimulant dito ay ang pagkakaroon nito ng iron sa form ng ferrous fumarate. Ang iron ay isang mineral na tumutulong sa paglaki ng cells at sa paghahatid ng oxygen sa dugo sa buong katawan.
Marami nang pag-aaral ang nakakita ng link sa pagitan ng pagiging iron-deficient at sa kawalan ng gana kumain. Dahil sa iron deficiency, nagkakaroon ng anemia ang isang tao. Isa sa mga epekto ng kondisyon na ito ay ang kawalan ng gana kumain. Maliban sa problema na ito, delikado rin ang iron-deficiency anemia kapag napabayaan dahil nagdudulot ito ng mababang production ng red blood cells na nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kapag nalutas na ang kakulangan sa iron, babalik o magkakaroon ng drive para kumain nang tama.
Tandaan na bago pa man magsimula na sumubok ng kahit anong appetite stimulant, inirerekomenda pa rin na humingi muna ng opinyon ng inyong doktor nang sa gayon ay matukoy niya kung akma ba ito sa pangangailangan ng iyong katawan. Maaaring isang stressful na panahon ito para sa iyo kaya nawawala ang ganang kumain, o kaya naman ay nagre-recover pa ang katawan mula sa isang sakit. Hanggang hindi nakakabahala ang pagiging mababa ng iyong timbang at ikaw ay nasa kategorya pa rin ng isang healthy na indibidwal, ipa-assess sa doktor kung ikaw ba ay nangangailangan talaga ng vitamins to gain weight.
Sources:
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-appetite-stimulant-tab
https://www.medicinenet.com/loss_of_appetite/symptoms.htm
https://www.healthline.com/nutrition/thiamine-deficiency-symptoms#section12
https://www.livestrong.com/article/246748-vitamins-that-control-the-appetite/
https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-934/pyridoxine-vitamin-b6
https://draxe.com/vitamin-b6-benefits/
https://www.livestrong.com/article/246748-vitamins-that-control-the-appetite/
https://www.livestrong.com/article/373790-vitamin-b1-benefits/
https://www.livestrong.com/article/547919-will-iron-supplements-cause-an-appetite-increase/
https://www.blissmedicines.com/top-5-benefits-of-vitamin-b12/
https://healthyliving.azcentral.com/iron-supplements-affect-appetite-2967.html