Ayon sa isang pag-aaral kung saan kalahok ang anim na bansa, ang Pilipinas ang may second-lowest obesity at overweight prevelance, na nasa 5.1% at 23.6%. Pero kahit ang bilang ng obesity at overweight na mga tao sa Pilipinas ay mababa kumpara sa ibang mga bansa, problema pa rin ito dahil mayroong 18 million na obese at overweight na tao dito, ayon sa pag-aaral.
Ano ang pagkakaiba ng overweight at obesity?
Ang overweight at obese ay dine-define bilang abnormal na dami ng taba sa katawan. Ang dalawa ay magkapareho subalit nagkakaiba lamang sa bilang ng timbang. Ang overweight ay isang stage bago sa obesity. Para malaman kung ang isang tao ay overweight o obese, isang magandang basehan ay ang BMI o Body Mass Index. Maaaring i-compute ang body mass index para ma-check kung ikaw ay overweight o obese dito.
Adults (20 and above)
Ang pagiging overweight o obese ay nakakasama sa isang tao dahil isa itong hadlang sa ilang mga pang araw-araw na gawain at ito ay may mga kasama iba’t ibang health risks, katulad ng mga sumusunod:
-
Heart Disease at Stroke
Kapag ang isang tao ay mabigat ang timbang dahil sa excess ng taba sa katawan, madalas na mayroong high blood pressure at high cholesterol ito. Ang dalawang ito ay isa sa mga pangunahing causes ng heart disease at stroke. Subalit, maaari itong maiwasan sa pagbawas ng timbang dahil makakatulong itong bawasan ang chance na magkaroon ang isang tao ng heart disease at stroke.
-
Diabetes (Type 2)
Ang isa sa mga pangunahing causes ng overweight at obesity ay mataas na sugar sa dugo. Madalas, ang isang tao na overweight o obese ay mayroong type 2 diabetes. Maaaring mabawasan ang chance na magkaroon ng diabetes sa pamamagitan ng exercise, sapat na tulog at ang pagkain ng balanced diet.
Kung ikaw, kapamilya o kaibigan mo ay mayroong diabetes, importante na bantayan ang kinakain upang maka-siguro na well-balanced ang diet. Maliban dito, importante din na maging active ang isang tao upang ma-control ang blood-sugar levels at mabawasan ang timbang.
-
Cancer
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagdagdag ng timbang during adulthood ay nakakapagpataas ng risk sa iba’t ibang klase ng cancer kagaya ng cancer of the colon, breast (after menopause), endometrium (lining ng uterus), kidney, esophogus, gallbladder, ovaries at pancreas, ayon sa mga pag-aaral. Subalit, hindi pa gaanong sigurado kung paano ang pagiging overweight o obese ay nakakadagdag sa risk ng cancer. Maaari na mayroong mga eating o physical habits na nakaka-contribute sa weight gain, na siya rin ay nakakadagdag sa risk ng pagkakaroon ng cancer. Dahil dito, importante na laging tingnan o bantayan ang mga eating o physical habits na maaari makadulot ng pagiging overweight at obesity para maka-iwas sa mga mas nakakasamang epekto nito, katulad ng cancer.
-
Gallbladder Disease
Ayon sa mga pag-aaral, ang gallbladder disease at gallstones ay common sa mga tao na overweight o obese. Subalit, ang mabilis na pagbawas ng timbang ay siya ring nagiging cause ng pag-develop ng isang tao ng gallstones. Ang pagbawas ng 1 pound kada linggo ay ‘di gaanong makaka-cause ng gallstones. Kung ikaw ay mayroong gallstones o prone dito, maaaring kumonsulta sa Doktor kung ano ang healthiest way para magbawas ng timbang.
-
Osteoarthritis
Kapag ang isang tao ay overweight o obese, madalas nahihirapan na ang katawan buhatin ang sarili dahil sa bigat nito. Ang osteoarthritis ay isang common joint problem na nakakaapekto sa tuhod, baywang at likod. Dahil sa bigat ng isang overweight o obese na tao, napapatungan ng pressure ang mga joints at nasisira nito ang cartilage na siyang proteksyon ng tuhod, baywang at likod. Upang maiwasan ang osteoarthritis, importante na bantayan ang timbang ng katawan. Kung ikaw naman ay mayroon na nito, ang pagbawas ng timbang ay makakatulong upang mabawasann ang simptoma ng osteoarthritis.
-
Gout
Kagaya ng osteoarthritis, ang gout ay isang kondisyon na naapektuhan ang joints. Nangyayari ito dahil sa taas ng uric acid sa dugo. Ang uric acid na ito ay maaaring mamumuo na parang crystals sa joints ng isang tao. Ang gout ay common sa mga tao na overweight o obese. At kagaya ng gallstones, ang mabilis na pagbawas ng timbang ay maaaring maka-trigger sa gout. Dahil dito, kung ikaw ay mayroon nito at ikaw ay overweight o obese, dapat kumonsulta sa Doktor kung ano ang pinakamagandang paraan para magbawas ng timbang.
Source: https://www.pexels.com/photo/adult-bench-business-man-garden-272064/
-
Sleep Apnea
Ang sleep apnea ay isang breathing condition na nagiging sanhi sa pag-hilik at sandaliang pagtigil ng hininga tuwing natutulog. Ang mga tao na may sleep apnea ay maaaring madalas makaramdam ng antok tuwing daytime at mas prone to heart disease at stroke. Ang kondisyon na ito ay common sa mga tao na overweight o obese. Ang pagbawas ng timbang ay sinasabing nakakabawas ng sleep apnea.
-
Fatty Liver
Sa kasalukuyan, ang sanhi ng fatty liver ay hindi pa clear subalit ang mga naapektuhan ng kondisyon na ito ay middle-aged, overweight o obese at diabetic. Ang fatty liver ay isang nonalcoholic steatohepatitis o NASH at nangyayari tuwing nagkakaroon ng fat build-up sa liver o atay na siyang nagiging sanhi ng injury. Ang fatty liver ay maaari rin maging sanhi ng liver damage, cirrhosis o scar tissue at sa mga extreme cases, liver failure.
Dahil walang specific na treatment ang fatty liver, ang mga taong mayroong ganitong kondisyon ay pinapayuhan na magbawas ng timbang, kumain ng healthy diet, maging active, at iwasan uminom ng alak.
-
Kidney Disease
Ang kidneys ay parang filter para sa dugo, at ito rin ang nagtatanggal ng tubig at waste products sa ating katawan. Ang kidney din ay nagtatrabaho upang makontrol ang blood pressure ng isang tao. Ang pagiging overweight o obese ay kadalasan nagdudulot ng high blood pressure at diabetes, na siyang pangaraniwang dahilan ng chronic kidney disease.
Upang maiwasan ang chronic kidney disease, importante na panatalihin na nasa healthy range ang timbang at iwasan ang mga pagkain na mataas ang salt (sodium) content. Kapag nasa early stages na ng chronic kidney disease, ang pagbawas ng timbang ay maaaring magpabagal ng paglala nito.
Ang pagiging overweight o obese ay may iba’t ibang health risks, subalit iisa lang ang payo upang maibsan ang mga ito: healthy diet, exercise at enough sleep. Importante ang tatlong ito dahil hindi sila gagana kung mayroong kulang. Kung sapat ang exercise at pahinga subalit hindi healthy ang diet ng isang tao, maaari pa rin ma-develop ang ibang health risk na nabanggit sa article na ito. Kung kaya’t dapat ugaliin na bantayan ang pagkain, daily activities at ang oras ng pagtulog, para mapanatiling fit and healthy ang sarili.
Sources:
http://www.who.int/mediacentre/factsheets/fs311/en/
https://businessmirror.com.ph/obese-filipinos-now-ballooning/
https://www.webmd.com/diet/obesity/obesity-health-risks#1
https://www.niddk.nih.gov/health-information/weight-management/health-risks-overweight