Sa buong mundo, dumadami ang mga namomoblema sa pagiging overweight (sobra-sobra sa timbang) at pagiging obese (sobrang katabaan). Pero alam mo ba na marami din ang nakararanas ng pagiging underweight o kulang sa timbang?
Ang pagiging underweight ay isang nakababahalang problema sa kalusugan na hindi dapat ipagsasawalang bahala.
Ano ang ibig sabihin kapag underweight ang isang tao?
Ang taong underweight ay kulang sa tamang timbang. Kapag underweight ang isang tao, mas madali siyang dapuan ng sakit dahil kulang ang katawan niya sa tamang nutrisyon at mahina ang kanyang resistensya.
Kung magiging teknikal tayo sa usapan ng pagiging underweight, ang tao na may Body Mass Index (BMI) na 18.5 pababa ay underweight. Pwede mong ma-check ang iyong BMI dito.
Kapag 18.5 pababa ang resulta, makipag-ugnayan sa mga health proffessional gaya ng nutritionist o kaya naman ay dietician upang mabalik sa normal ang iyong pangangatawan.
Anu-ano ang mga ways to gain weight na pwede mong gawin?
Bago magsimula sa anumang klase ng diyeta, mahalagang kumunsulta muna sa doktor o health professional. Narito ang mga healthy at safe na paraan para makapagbawas ng timbang:
- Alamin kung ilan ang calories sa iyong kinakain at unti-unting dagdagan ito
Kung gusto mong bumigat ang iyong timbang nang dahan-dahan, gawin mong goal ang 300 hanggang 500 na dagdag calories higit sa nabu-burn ng iyong katawan sa bawat araw.
Kung nais mo namang mapabilis ang pagpapabigat ng timbang, subukang makonsumo ang 700 hanggang 1000 calories higit sa nabu-burn mo sa isang araw.
Hindi mo naman kinakailangang magbilang ng calories araw-araw. Pero makatutulong ito para iyong ma-check mo kung nag-iimprove ang iyong kalusugan.
- Dagdagan ang iyong kinakain ng mga pagkaing mayaman sa protina
Ang protina ay ang pinakamahalagang nutrient na kailangan mong makuha para ikaw ay makapagpadagdag ng timbang.
Ang ating mga kalamnan o muscles ay binubuo ng protina. Kapag calories lamang ang iyong kinonsumo nang walang kasamang protina sa iyong diyeta, maaaring maging body fat lamang ito na nagiging dahilan naman ng pagiging obese.
Bata pa lamang tayo, ang turo ng ating mga magulang at guro ay ang pagkain nang tatlong beses sa isang araw sa tamang oras. Huwag hayaan ang sarili na malipasan ng gutom. Kumain nang tama para maibalik ang sigla ng iyong katawan.
Para makasiguro na ang iyong calories na nakokonsumo ay hindi magiging body fat, ang pag-eehersisyo nang regular at ang pagsali sa mga pisikal na aktibidad gaya ng pagwo-workout sa gym ay makatutulong.
Ngunit bago sumubok ng anumang mabibigat na ehersisyo, i-konsulta muna sa iyong doktor para malaman kung mayroon ka bang problema sa iyong kasu-kasuan o iba pang kondisyon sa kalusugan.
Huling Paalala:
Bumisita muna sa iyong doktor bago upang malaman kung alin ang ligtas at pinaka-epektibo para sa iyo. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang paggamit ng RiteMED Appetite Stimulant para makatulong sa pagpapadagdag mo ng iyong timbang.
References:
https://www.healthline.com/nutrition/how-to-gain-weight#section8
https://www.healthline.com/nutrition/18-foods-to-gain-weight#section1
https://www.medicalnewstoday.com/articles/321518.php