Marami ang paraan upang makapagbawas ng timbang ngunit hindi naman kinakailangang gumastos masyado upang maging healthy ang iyong weight.
Kaya naman narito ang mga tips o paraan na maaari mong subukan:
- Huwag mag-skip o lumaktaw ng umagahan
Ang hindi pagkain ng umagahan ay hindi nakatutulong upang mabawasan ang iyong timbang. Bagkus, maaaring maging dahilan pa ito ng iyong kakulangan sa nutrisyon. Posible rin na mas lalo kang magutom at mas marami ang iyong kainin sa ibang natitirang meals ng araw.
- Uminom ng tubig bago kumain
Minsan tayo ay nalilito sa pagka-uhaw at pagkagutom. Epektibo ang pag-inom ng tubig bago kumain sapagkat hindi mo gaano nararamdaman na kailangan mong kumain nang marami upang ikaw ay mabusog. Makatutulong din ito sa iyong pag-ehersisyo para madagdagan ang iyong enerhiya at hindi agad makaramdam ng pagod.
- Kumain nang mabagal
Ang pagkain nang dahan-dahan ay nakatutulong upang mabawasan ang calories na kinokonsumo sa tuwing kumakain. Ang dahilan nito ay dahil ayon sa isang pag-aaral, mas mabilis tayong nabubusog kapag mabagal ang ating pagkain at nginunguya nang maayos ito.
- Magkaroon ng diet meal plan
Importante ang pagpa-plano ng meal kada araw o linggo upang makabawas sa gastos, maka-save ng oras, at pati na rin makaiwas sa mga hindi healthy na pagkain.
- Basahin ang mga produkto bago bumili
Kasama ng pagpa-plano, mahalaga rin ang pagbabasa ng mga nutrition facts sa likod ng produkto. Sa ganitong paraan, nalalaman natin kung ilan ang calories at trans fats na makokonsumo natin kung sakaling ating bilhin at kainin ang produkto. Mas malalaman mo rin kung anu-ano ang mga mas healthy na produkto para sa iyo at para sa susunod mong pagbili o pagpa-plano.
- Iwasan ang pag-inom ng alcohol
Ang sobrang pag-inom ng alcohol ay nakakapagpalabis na lamang ng iyong timbang. Maaaring magdulot pa ito ng pagkasira ng iyong atay at sakit sa puso kaya ang pag-iwas dito ay makatutulong sa iyong pangkalahatang kalusugan.
- Mag-ehersisyo nang regular
Isa ito sa pinakakinakailangang gawin at epektibong paraan upang makapagbawas ng timbang. Kung hindi kayang mag-gym o sumali sa sports, ang simpleng paglalakas sa umaga ng 15 minuto hanggang 30 minuto ay malaking bagay na. Hindi kinakailangang pwersahin ang sarili sa pagkapagod, mas kailangan lang natin maging aktibo sa pag-eehersisyo at bigyan ito ng oras.
- Matulog nang may sapat na oras
Kapag napupuyat ang isang tao, ang tiyansa nito ay mag-crave ng pagkain sa hating gabi o “midnight snack”. Mabuting matulog sa tamang oras upang makaiwas din sa pagkakaroon ng sleeping disorder na may relasyon sa pagtaas ng timbang.
- Matutong mag-manage ng stress
Karamihan sa tumataas ang timbang ay nagse-stress eating o yung mga kumakain sa tuwing nagkakaroon ng problema. Ang tamang pagma-manage nito ay nakatutulong sa pagbabawas din ng iyong timbang.
- Kumain nang mayaman sa Fiber
Ang mga pagkain ng mga mayaman sa Fiber ay makatutulong sa iyo dahil sa bawat pagkonsumo nito ay mabigat na para maramdaman ng isang tao na siya ay busog na.
Bukod sa mga pagkaing mayaman sa Fiber, mayroon ding mga supplement na makatutulong sa iyong diet. Halimbawa na lamang ay ang Ritemed Fibermate na posibleng irekomenda sa iyo ng iyong dietician. Nakatutulong din iyo upang mapabuti kung sakaling ikaw ay magkaroon ng constipation.
References:
https://www.nhs.uk/live-well/healthy-weight/12-tips-to-help-you-lose-weight/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324123.php
https://www.healthline.com/nutrition/20-tips-to-lose-belly-fat#section3