May mga panahon kung saan tayo ay walang ganang kumain o “appetite”. Marami ang dahilan kung bakit tayo nagkakaganito. Ang madalas at pinaka-popular na rason? Hindi natin gusto ang ulam na nakahain!
Pero maliban sa pagiging choosy sa pagkain, may mga pagkakataon kung saan ang kawalan ng gana ay konektado sa estado ng ating kalusugan.
Mga sanhi kung bakit wala kang gana kumain:
- Anxiety o sobrang pag-aalala
- Fatigue o sobrang pagkapagod
- Lagnat o trangkaso
- Dehydration o kakulangan ng fluid sa katawan
- Sobrang pagkonsumo ng tsitsirya
- Pagbubuntis
- Premenstrual syndrome (PMS) o may regla
- Depression (uri ng mental disorder)
- Mababang resistensya
- Eating disorders gaya ng anorexia o bulimia
Mga dapat mong gawin para bumalik ang iyong appetite:
- Pag-inom ng maraming tubig
Upang maiwasan ang dehydration, uminom ng maraming tubig. Bawasan o iwasan ang pag-inom ng softdrinks o timpladong juice. Ang mga ganitong inumin ay mataas sa sugar content na nakakadagdag sa pakiramdam ng pagkabusog.
- Bantayan ang iniinom na gamot
Ang mga gamot tulad ng antibiotic ay nakakaapekto sa ating panglasa. Ang mga pain reliever naman ay nakakadagdag iritasyon sa ating tiyan.
Kapag napansin mo na ang mga iniinom na gamot ang sanhi sa kawalan ng gana kumain, kumunsulta agad sa inyong doktor upang mapagusapan kung ano ang iba pang gamot na pwedeng maging alternatibo.
- Pangalagaan ang mental health
Ang ating mental health ay kasing halaga ng ating physical health. Ang ating araw-araw na gawain ay nakasalalay sa isang healthy na pag-iisip. Halimbawa na lamang, kapag maganda ang ating mood, napapasarap ang ating pagkain.
Bukod sa nakakabawas ng calories ang pag-ehersisyo, tayo ay nagugutom pagkatapos ng isang intense na workout. Ang regular at tamang ehersisyo ay makakatulong sa pagbalik ng sigla sa pagkain.
I-track ang mga kinakain. Imbes na kumain ng mabibigat na meals, subukang kumain ng maliliit na meals sa buong mahapon.
- Uminom ng vitamins pampagana kumain
May mga vitamins o supplements na nagbibigay ng sapat na nutrients upang tayo ay magkaroon ng enerhiya at para bumalik ang sigla sa pagkain.
Ano ang vitamins na pampagana kumain?
Kung palaging walang gana kumain at nakakaapekto na ito ng masama sa kalusugan, mas mabuti na magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.
Hindi dapat ipagsawalang bahala ang pagkawalang gana kumain dahil ito ay maaaring sanhi ng iba pang malubhang sakit tulad ng cancer, diabetes at iba pang sakit sa tiyan.
Depende sa findings ng iyong doktor, maaari kang bigyan ng RiteMED Ritemed Appetite Stimulant Tab.
Para saan ang produktong ito at ano ang benepisyo nito?
- Para sa kaalaman ng marami, ang RM Appetite Stimulant Tab ay isang nutritional supplement para sa mga walang gana kumain at may kulang sa timbang o naghahanap ng vitamins pampataba.
Mga paalala tungkol sa RiteMED Appetite Stimulant
- Magpakonsulta muna sa inyong kilalang doktor tungkol sa nararamdaman. Banggitin ang mga rason kung bakit walang ganang kumain. Hindi ito mabibili sa botika ng walang prescription ng inyong doktor.
References:
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-paraan-ng-pag-increase-ng-ganang-kumain
https://www.ritemed.com.ph/articles/paano-ko-malalabanan-ang-loss-of-appetite