Three Reasons Kung Bakit Kailangan Mo ng Vitamin B

March 08, 2018

Marami sa atin ay araw-araw na nagtatrabaho. Gawa nito, hindi maiiwasan na mapagod o magkasakit, lalo na sa mga kasu-kasuan o sa kalamnan. Para malayo dito, importante na sapat ang bitamina sa ating katawan, upang magkaroon ng lakas at enerhiya para sa mga gawain. Isa sa mga ito ang Vitamin B. Alamin ang ilan sa mga benepisyo na pwedeng ibigay ng bitaminang ito:

 

Reason #1: Para maiwasan ang ngalay

Importante ang Vitamin B para sa pag-iwas sa ngalay, o ang kawalan ng pakiramdam at panginginig ng ilang bahagi ng katawan. Karaniwang nadadapuan ng ngalay ang balikat, binti, kamay, at paa.

Pinoproketahan ng Vitamin B ang ating nerve cells, para hindi pumalya ang mga ito at maging sanhi ng kirot at panghihina ng nerves. Binabalik rin nito ang tamang pagdaloy ng dugo sa katawan, para mawala ang nararamdamang ngalay.

undefined

Image from Pexels

Ang labis na stress sa katawan dala ng pisikal na trabaho ay isa sa karaniwang dahilan ng ngalay. Kung ang hanapbuhay ay may kinalaman sa pagpipinta, construction, pag-ayos ng gamit, pagmamaneho, paglilinis, o iba pang klase ng pisikal na trabaho, maiging dagdagan ang Vitamin B sa katawan para maiwasan ang mga negatibong epektong dala nito.

 

Reason #2: Para maging healthy ang nervous system

Maliban sa pag-iwas o pagtanggal ng mismong ngalay, nakakabuti rin ang Vitamin B Complex sa kalusugan ng buong nervous system. Mahalaga ang mga bitamina na ito para mapaganda ang nerve function ng katawan, para masigurado na maayos ang takbo at development ng utak at spinal cord, at para mabigyan tayo ng tamang dami ng enerhiya para sa araw-araw.

Kapag kulang ang mga B-vitamins sa katawan, hihina ang ating nerves. Kaakibat nito ang paghina rin ng ating physical well-being – hindi na tayo makakagalaw ng tama, at mahihirapan tayo sa paggawa ng ating trabaho. Narito ang ilan sa mga kondisyon na posibleng makuha bilang resulta ng mababang lebel ng Vitamin B:

undefined

Image from Osan Air Base website (public domain)

  • Loss of Sensation: Kung kulang sa Vitamin B12, nagkakaroon ang pagmanhid at panginginig ang kamay, binti at paa.
  • Muscular Atrophy: Ang Vitamin B12 deficiency ay pwedeng maging sanhi ng panghihina at pag-deteriorate ng kalamnan
  • Loss of Control: Nagkakaroon ng kawalan ng kontrol sa pang-araw araw na galaw kung hindi sapat ang Vitamin B sa katawan
  • Paralysis: May tiyansang maging lumpo kung mayroong extreme deficiency ng B-Vitamins
  • Neuritis: Mamamaga ang nerves kung hindi sapat ang Vitamin B1 at B6 natin. Maari itong magdala ng biglaang sakit, panginginig, at kawalan ng kontrol sa muscles o kalamnan.
  • Neuralgia: Ang matinding sakit dahil sa namaga o nasirang nerve, madalas nagkakaroon ng neuralgia ang ulo at mukha kapag kulang sa Vitamins B1 at B6.
  • Carpal Tunnel Syndrome: Dala ng Vitamin B6 deficiency ang pagkasira ng isa sa mga pangunahing nerve sa kamay at braso. Ilan sa mga sintomas nito ang pamamanhid, panginginig, at panghihina ng kamay.

Bilang na ang lahat ng kondisyon na ito ay may kinalaman sa paggalaw at pisikal na aktibidad, napaka-importante na panatiliing normal ang Vitamin B levels sa katawan.

Reason #3: Para tumaas ang productivity sa trabaho

Mainam rin ang Vitamin B para sa pagiging produktibo. Tiyak na nakakapagod ang mahabang oras na pagtatrabaho sa loob ng isang araw. Kung may sapat na Vitamin B sa katawan, makakaranas tayo ng mga susunod na benepisyo:

  • Lakas at tibay ng katawan: Iniiwas tayo ng Vitamin B sa pamamanhid at panghihina ng katawan, para tuloy-tuloy lang ang trabaho.
  • Iwas sakit sa katawan: Ang pag-inom ng Vitamin B Complex ay mainam sa pag-iwas sa muscle at joint pains na dala ng mataas na physical stress sa katawan.
  • Normal na pagtulog: Dinadagdagan ng Vitamin B6 at B12 ang serotonin at melatonin, mga hormone na nag-aayos ng pagtulog. Kung makakakuha ng sapat na pahinga, magkakaroon rin ng tamang lebel ng enerhiya para harapin ang kasunod na araw.
  • Dagdag enerhiya: Nilalabanan ng Vitamin B1 ang pagod o fatigue. Ibig sabihin, makakapagtrabaho tayo ng maayos ng buong araw.

Sources ng Vitamin B

Ngayon na alam na natin ang mga magagandang epekto ng Vitamin B, alamin naman ang mga pinagmumulan ng bitamina na ito. Pagdating sa pagkain, mataas ang Vitamin B levels sa baboy, manok, salmon, tinapay, kanin, patatas, alimango, at tahong. Maliban dito, may gamot o supplement rin para tumaas ang B-vitamins sa katawan, katulad ng Vitamin B Complex tablets. Kumomsulta sa doctor para mapayuhan kung paano dapat ang tamang pag-inom nito, para hindi tayo mahirapan sa araw-araw na paghahanapbuhay.

Sources:

  • https://academic.oup.com/jn/article/24/6/585/4725477
  • http://b12patch.com/blog/can-vitamin-b12-repair-nerve-cells/
  • http://www.chronicbodypain.net/curing-numbness-in-feet-and-toes/
  • https://draxe.com/thiamine-deficiency/
  • https://www.health24.com/Lifestyle/Healthy-Nerves/The-nervous-system-Other-B-vitamins-20120721
  • https://www.healthline.com/health/axillary-nerve-dysfunction#causes
  • https://www.healthline.com/health/neuralgia
  • https://www.livestrong.com/article/22253-foods-high-b-vitamins/
  • https://www.livestrong.com/article/110732-vitamins-sleep/
  • http://www.medicalook.com/Neurological_disorders/Neuritis.html
  • https://orthoinfo.aaos.org/en/diseases--conditions/carpal-tunnel-syndrome/
  • https://www.pharexhealth.com/consumers/importance-of-vitamin-b-complex-on-men-and-women
  • http://b12patch.com/blog/pain-and-numbness-in-the-arms-13-causes/
  • https://www.health24.com/Lifestyle/Healthy-Nerves/The-nervous-system-Other-B-vitamins-20120721