Mga Vitamins na Kailangan ng Katawan para sa Healthy Blood Production | RiteMED

Mga Vitamins na Kailangan ng Katawan para sa Healthy Blood Production

August 17, 2018

Mga Vitamins na Kailangan ng Katawan para sa Healthy Blood Production

Ano ang Anemia?

Ang anemia ay ang kundisyon kung saan ang red blood cells o hemoglobin ay mababa kumpara sa normal. Dahil dito, ang dugo ay walang sapat na red blood cells na magdadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan. Ang blood cells ay maaaring kulang sa hemoglobin, ang protein na nagbibigay ng pulang kulay sa dugo.

 

Ano ba ang mga sanhi ng Anemia?

 

  1. Kakulangan sa pag- intake ng iron na isang uri ng mineral na natatagpuan sa pagkain;
  2. Vitamin deficiency -Kailangan ng katawan ng Vitamin B12 at folate para makagawa ng red blood cells. Ang mga pagkaing hindi sagana sa ganitong mga bitamina ay maaaring maging sanhi ng anemia;
  3.  Chronic illness or anumang uri ng impeksyon - Ang mga ito ay maaaring makaapektosa katawan sa paggawa ng mas kakaunting red blood cells. Pwede rin itong maging dahilan ng pagbagsak ng hemoglobin;
  4. Labis na pagdurugo ng sugat sa katawan; at
  5. Menstruation - Sa mga kababaihan, isa itong karaniwang sanhi ng anemia kung saan sa buwanang paglalabas ng dugo ng katawan ay kasamang nailalabas ang iron.

 

Anu-ano ang sintomas ng Anemia?

 

Kapag nakakaranas ng anemia, nagkukulang ang supply ng oxygen sa buong katawan kaya nakakaramdam ng panghihina at ng mga sumusunod:

 

undefined

Image by Pexels

 

  • Madaling pagkapagod (fatigue)
  • Pagkahapo or hirap sa paghinga
  • Pagkahilo at pagsakit ng ulo
  • Pamumutla
  • Iregular na pagtibok ng puso
  • Biglaang pagbaba ng timbang
  • Panghihina ng muscles sa katawan
  • Pababago-bagong mood
  • Mabilis na pagkapulikat ng mga binti
  • Pagiging makakalimutin
  • Hirap sa pagtulog

 

 

Maliban sa mga sintomas na ito, maaari pang makaranas ng ibang sintomas depende sa anemia. Halimbawa, kung iron deficiency anemia, pwede kang magkaroon ng sore throat at pagkakaroon ng singaw sa bibig o lalamunan.

 

Ang sintomas ng anemia ay nakadepende sa lebel o kung gaano kalala ang kakulangan ng hemoglobin o red blood cells. Kung hindi naman gaanong malubha, mabilis na pagkapagod lang ang maaaring maramdaman.

 

Anu-ano ang solusyon sa Anemia?

 

Kung nakitaan mo ang iyong sarili ng sintomas ng pagiging anemic, narito ang ilang bagay na maaari mong i-consider. Pero tandaan, kung mayroon kang sintomas, ang treatment o solusyon sa iyong anemia ay nakabase sa kung ano ang sanhi nito. Halimbawa, ang anemia mo ay dulot ng sakit at ng iyong gamutan, ang maaaring maging solusyon ay ang pag-alis or pagbaba ng dosage ng gamot na iniinum mo ayon sa payo ng iyong doktor.

 

Heto pa ang ilang paraan para agapan at  masolusyunan ang anemia:

  • Kumain ng pagkaing mayaman sa iron tulad ng karne. Maaaring kumain ng atay ng baka, laman ng baka, baboy, at manok. Sa mga taong hindi gaanong kumakain ng karne, makabubuting kumain ng maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, patatas na may balat, beans, at peas.

 

  • Kumain din ng pagkaing mayaman sa Vitamin C. Nakakatulong ito sa pag-absorb ng iron sa katawan. Mayaman dito ang mga prutas tulad ng dalandan, orange, pinya, at suha. 

 

  • Maaari ring uminom ng iron tablets tulad ng ferrous sulfate tablet at ng mga multivitamins na may iron. Inumin ito sa loob ng isang buwan at matitiyak mong tataas na ang iyong hemoglobin sa dugo. At tandaan, huwag kalimutang kumonsulta muna sa doktor.

 

Paano naman maiiwasan ang Anemia?

Sa kasalukuyan, kung ‘di ka pa nabibilang sa mga taong tinatawag nilang anemic, may mga paraan para maging maagap sa ganitong uri ng kondisyon.

Ang tamang paggalaw ng katawan at wastong pagkain ay makakatulong para sa mas malaya at mas maayos na blood production at flow. Ang tamang pag-intake rin ng bitamina ay malaking epekto sa healthy na pag-produce ng red blood cells.

 

Ang mga susunod na pagkain ay makakabuti para maging normal ang pagdaloy ng dugo sa katawan, sabayan mo pa ng ehersisyo. Pero kung hindi ka sanay sa intense exercise, may mga simple exercises naman na pwede mong gawin. Simulan mo nang isama sa menu mo ang mga food to increase blood pressure gaya ng:

 

  1. Celery

undefined

Image by Pixabay

 

Ang celery ay rich in Vitamin K na importanteng bitamina for a healthy blood flow. Maaari mo itong gamiting parte ng recipe ng iyong detox green juice, hiwain kasama ng iyong salad ingredients, o ‘di kaya ay gawing masarap na soup.

 

2. Raw seeds

 

Ang raw seeds gaya ng chia, flax, at pumpkins seeds ay nagtataglay ng omega-3 fatty acids, fiber, at antioxidants. Mayroon rin silang anti-inflammatory sources of proteins na nakakatulong mag-alis ng bad cholesterol sa katawan at mapabuti ang kalidad ng dugo sa kabuuan.

 

3. Citrus fruits

 

Ang mga citrus fruits gaya ng lemon, lime, orange, at grapefruit ay ilan sa mga pinakamahusay na anti-inflamatory food na maigi para sa inyong overall blood composition. Nagtataglay din ang mga ito ng Vitamin C na kilala bilang internal body cleanser.

 

4. Raw almonds and walnuts

 

Ang raw almonds at walnuts ay mahusay na sources ng antioxidant components na nakakatulong sa pagpapabuti ng pagdaloy ng dugo. Ang almonds ay nagtataglay ng Vitamin E na mainam para maibsan ang pamamaga, samantalang ang walnuts naman ay mayroong omega-3 fatty acids.

 

5. Glorious greens 

 

Basta berdeng gulay, makakasiguro tayong may magandang epekto ito sa dugo. Ang mga green vegetables ay nakakatulong para malinis ang dugo, maging ang liver na sumasala sa ating dugo. Ang mga ito ay mayaman sa Vitamin C and K na mainam na vitamins for blood circulation.

 

Mahalaga para makaiwas sa vitamin deficiency anemia ang mabusising pagpili ng gagawin mong diet. Ilan pang pagkain na makakatulong sa’yo to increase red blood cells ay ang mga pagkaing masustansya sa folate gaya ng mani, grain products gaya ng cereal at pasta, at mga prutas o juices na gawa sa sariwang prutas.

 

Makakatulong din sa iyo ang pagkain ng  itlog, fortified foods katulad ng breakfast cereals,  cheese, yogurt, at pula at maputing karne na mayaman rin sa Vitamin B-12.

 

Mataas naman ang taglay na Vitamin C ng mga gulay katulad ng broccoli at ng mga prutas katulad ng strawberries, sweet peppers, at kamatis.

 

Ang anemia ay hindi birong kondisyon. Hindi man madalas nabibigyan ng atensyon ang blood flow, kailangan nating alagaan ito at maging sensitibo tungkol dito.  Kumonsulta sa iyong doktor kapag napapansin na ang mga sintomas nito. Mahalaga pa rin na maging maagap kaysa maging komplikado pa ang sakit sa huli.

 

Sources:

 

https://www.webmd.com/women/ss/slideshow-anemia-overview

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/vitamin-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355025

http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/pinoymd/354044/pinoy-md-question-of-the-week-ano-ang-sanhi-ng-anemia/story/

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/qa/what-symptoms-are-common-to-many-types-of-anemia

http://www.onegreenplanet.org/natural-health/healthy-foods-that-improve-your-blood-flow/

https://web.facebook.com/DocWillieOngOfficial/photos/a.168978689963317.1073741829.168959476631905/192796970914822/?type=1&theater



What do you think of this article?