Mga Pagkaing Masustansya sa Vitamin B
August 1, 2016
Photo Courtesy of pixabay.com via Pexels
Ang mga bitamina ay tumutulong para sa muscle-building, pagpapalaki at pagpapa-develop ng ating katawan. Importante ang mga bitamina dahil ito rin ang responsable para sa metabolism, immunity, at digestion. Ang pagkain ng balanced diet ay nakapagbibigay ng nutrition na kailangan ng katawan at mayroong 13 na essential vitamins na kailangan ng ating katawan para sa ating kalusugan. Isa na sa mga bitaminang ito ay ang Vitamin B.
Mayroong walong klase ang Vitamin B at ito ay ang mga responsable sa pag-process ng mga kinain na siyang magsisilbing energy ng ating katawan. Tumutulong rin ang bitaminang ito para sa pagbuo ng red blood cells upang makaiwas sa mga diseases tulad ng anemia. Maraming mga pagkain ang masusustansya sa Vitamin B at ito ay mga water soluble o natutunaw sa tubig. Ilan sa mga pagkaing mayayaman sa Vitamin B ayon sa klase nito ay ang mga sumusunod:
1. Gulay
Masustansya ang gulay sa lahat ng klase ng Vitamin B. Malaki ang natutulong ng pagkain ng gulay sa pang araw-araw dahil sa dami ng nutrition na makukuha rito. Pinapalakas nito ang ating katawan at nagpapatibay ng resistensya. Maraming dark leafy vegetables ang nagtataglay ng Vitamin B tulad ng cabbage, spinach, at broccoli. Gayon din naman ang mga iba pang mga gulay tulad ng tomato, asparagus, at potato.
2. Itlog
Mayroong Vitamins B1 (Thiamin), B12 (Cobalamin), B2 (Riboflavin), B5 (Panthotenic Acid), at B7 (Biotin) ang itlog na syang tumutulong sa metabolism at pagpapalusog ng mata, balat, at nervous system ng katawan. Maliban rito, ang Vitamin B5 at B12 ay tumutulong sa paggawa ng red blood cells at mga sex and stress-related hormones mula sa adrenal glands. Ang itlog ay nagtataglay din ng madaming vitamins at minerals na kinakailangan ng ating katawan..
3. Isda, karne, at manok
Ang isda, karne, at manok ay magandang source ng protein at nakakatulong para sa muscle-building. Nagtataglay ang mga isada ng Vitamins B3 (Niacin), B12, at B6, na responsible sa paggawa ng hemoglobin, isang substance ng red blood cells na nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Ang Vitamin B3 naman ay nakapagpapaganda ng balat at nakapagpapalusog din ng nervous system. Ilan sa mga isda na may mataas na Vitamin B ay mackerel, smoked salmon, tuna, at canned sardines.
Ang mga karne at manok naman ay mayroong Vitamins B3, B5, at B12 at mapagkukuhaan ng maraming energy dahil sa taas ng bilang ng calories na mayroon ito.
Photo Courtesy of Unsplash via Pixabay
4. Shellfish
Ang shellfish ay mayaman sa Vitamin B12, iron, at potassium at maaaring kainin ng hilaw (clams) o luto. Mataas din sa Vitamin B12 ang mussels at oysters na siyang nakakatulong sa production ng red blood cells ng ating katawan at pagpapalakas ng nervous system.
5. Prutas
Maraming prutas ang nagtataglay ng iba’t ibang klase ng Vitamin B tulad ng banana, grapes, blackberries, cherries, mango, orange, at apple na may Vitamins B1, B2, B6, at folic acid. Ang folic acid ay responsable sa pagbuo ng healthy red blood cells kasama ng Vitamin B12. Ito rin ang tumutulong upang mabawasan ang risk ng central nervous system defects tulad ng spina bifida para sa mga unborn babies.
6. Fortified breakfast cereal
Maraming mga cereals na may tatak na fortified ang maaaring mabili sa merkado at ang mga ito ay nagtataglay ng Vitamins B2 at folic acid. Maaari ring lagyan ng gatas ang mga cereals na isa rin sa magandang source ng Vitamin B. Ayon sa Academy of Nutrition and Dietetics, upang ma-consider na fortified, ang minerals at vitamins na idinadagdag ay dapat wala sa orihinal na pagkain.
7. Legumes
Isa pang magandang source ng Vitamin B at energy ay ang legumes tulad ng peas, soybeans, beans, at peanuts. Maliban sa Vitamin B, nagtataglay din ang legumes ng protina, carbohydrates, dietary fiber, minerals, at iba pang mga bitamina.
Photo Courtesy of stokpic.com via Pexels
Ayon sa U.S. National Library of Medicine, ang pinakamabuting paraan upang makuha ng ating katawan ang mga kinakailangang bitamina ay ang pagkain ng balanced diet. Maaari itong makuha mula sa mga supplements kung hindi sapat ang bitaminang nakukuha mula sa mga pagkain. Panatalihing malusog ang katawan at kumain ng mga pagkaing nabanggit upang mapangalagaan ang kalusugan.