Marahil ay narinig mo na ang tungkol sa vitamin B sa mga patalastas o mula sa iyong mga kakilala o doktor. Ngunit alam mo bang hindi lang iisang vitamin ang tinutukoy kapag sinabing vitamin B kundi isang grupo? Ito ay dahil vitamin B complex ang buong pangalan nito.
Ang Mga Vitamins na Nasa Vitamin B Complex
Bawat isang vitamin na nasa vitamin B complex ay tumutulong sa katawan na i-convert ang pagkain sa enerhiya. May iba-iba ding tungkulin ang bawat vitamin sa pagpapabuti ng kalusugan mo.
Ang vitamin na ito ay importante para sa maayos na paglago at paggana ng iyong organs tulad ng utak at puso.
Ito ay tumutulong sa pagtunaw at pagproseso ng taba sa iyong katawan. Nakakatulong din ang Vitamin B-2 sa pagtunaw ng mga gamot na iyong iniinom.
Nakakatulong ang vitamin na ito para mapanatili ang kalusugan ng iyong balat, nerves at digestive system. Inirereseta din ito minsan ng mga doktor sa mga pasyente para pababain ang kanilang cholesterol levels.
- Vitamin B-5 (Pantothenic Acid)
Importante ang vitamin na ito para sa kalusugan ng iyong utak at nervous system.
Tumutulong ang pyridoxine sa paggawa ng bagong red blood cells sa iyong katawan. Mahalaga din ito para mapanatiling malakas ang iyong immune system.
Ang biotin ay isang mahalagang vitamin para masiguradong malusog ang iyong buhok at kuko. Nakakatulong din ito para masiguradong gumagana ng maayos ang iyong nerves.
Ginagamit ng iyong katawan ang vitamin na ito para gumawa ng DNA at genetic material. Importante din ang folic acid para sa mga nagbubuntis dahil nakakatulong itong bawasan ang peligro ng iba’t ibang birth defects.
Kailangan ng iyong nerves at blood cells ang cobalamin para maiwasan ang pernicious anemia.
Benepisyo
Bukod sa pagpapanatili ng iyong kalusugan at pagpapalakas ng iyong resistensya, nakakatulong din ang vitamin B complex masolusyunan ang ilang sakit na maaari mong maranasan. Narito ang ilan sa mga benepisyo ng pag-inom ng vitamin B complex supplements:
Pagpapabuti ng Sintomas ng Neuropathy
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/peripheral-neuropathy-concept-doctor-neurologist-checkup-1479413984
Ang vitamins B-1, B-6, at B12 ay nakakatulong para mapanatili ang maayos na paggana ng central nervous system ng isang tao. Kaya naman meron nang vitamin B complex supplements na maaaring inumin para solusyunan ang pangangalay, panginginig, at pamamanhid ng ilang parte ng katawan.
Pag-Iwas at Pagpapabuti ng Sintomas ng Migraine
May ilang pag-aaral na ang nagpakita na may mga uri ng vitamin B ang nakakatulong upang makaiwas ang isang tao sa migraine na may aura. Ang mga vitamins na ito ay vitamin B-6, B-9, at B-12.
May isang pagsusuri din na nagpakita ng ebidensya na ang B-2 ay epektibo sa pagpapabawas ng kadalasan ng migraine sa mga matatanda. Subalit, kakailanganin pa ng karagdagang pag-aaral para mapatunayan ito.
Pagpapagaling ng Sugat sa Balat
Ang mga vitamins na kabilang sa vitamin B complex ay nakakatulong sa pagpapagaling ng balat. May isang pag-aaral na nagpakitang ang mga vitamins na ito ay mas madaling nakakapagpagaling ng sugat.
Pagpapagaling ng Singaw
Bukod sa pagpapagaling ng sugat sa balat, epektibo din ang vitamin B complex para sa singaw o canker sores. Partikular na dito ang vitamin B-12. Base sa isang pag-aaral, nalaman na mas nakatulong ang B-12 ointment para maibsan ang sakit na dulot ng singaw kumpara sa placebo.
Pagpapabuti ng Sintomas ng Premenstrual Syndrome
May iilang katunayan na nagpapakitang epektibo ang pinagsamang supplement ng vitamin B-6 at calcium para mapabuti ang sintomas ng premenstrual syndrome (PMS). Isang pagsusuri naman ang nakadiskubre na ang vitamin B-6 ay epektibo sa pagkontrol ng pisikal at sikolohikal na sintomas ng PMS.
Maraming benepisyo ang maaari mong makuha sa pag-inom ng vitamin B complex supplements. Subalit mas mainam pa din kung kokonsulta ka sa doktor para masiguradong ligtas para sa iyo ang pag-inom nito.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324856
https://fapnewstoday.com/2020/04/08/vitamins-neuropathy-nerve-damage/#:~:text=B%20vitamins%20such%20as%20B1,nerve%20damage%20and%20neuropathy%20symptoms.