Bilang mga magulang, mataas ang priority ng good health, proper nutrition, at active lifestyle sa listahan ng mga binabantayan natin sa mga bata. Tuwing may malalaman na bagong paraan para masigurado na mabuti ang overall well-being nila, tiyak na pag-aaralan natin ito nang sa gayon ay masubukan natin kung mai-improve ba nito ang kalusugan ng ating mga anak. Kasama na rin dito syempre ang pagkonsulta muna sa kanilang pediatrician para sa dagdag-gabay na nagmumula sa eksperto.
Isa sa mga sinusuri at binibigyang-pansin ng mga magulang ngayon ang kahalagahan ng chlorella growth factor o CGF sa kalusugan ng mga bata. Para rin ba ito sa mga anak mo? Alamin kung ano ito at paano ito maibibigay sa kids.
Ano ba muna ang chlorella?
Upang lubusang maintindihan ang chlorella growth factor, tukuyin muna natin kung saan ito nanggagaling. Ang chlorella ay isang uri ng algae – isang mala-lumot na halamang-dagat na lumalaki sa fresh water. Matigas ang cell wall nito kaya hindi mada-digest ng mga tao hanggang hindi pinoproseso. Ang halamang ito ay ginagamit para gumawa ng nutritional supplements at mga gamot.
Ginagamit ang chlorella para makatulong sa treatment ng cancer, pagpapababa ng risk ng radiation treatment side effects, pang-stimulate ng immune system, pagpapabagal ng aging process, at pagprotekta sa katawan mula sa iba’t ibang viruses.
Kapag pinoproseso, ang chlorella ay ginagawang tablet o kaya naman ay liquid extracts. Ang mga extract na ito ay naglalaman ng chlorella growth factor.
Ano naman ang chlorella growth factor?
Mas kilala sa pinaiksing tawag na CGF, ang chlorella growth factor ay tinuturing na water-soluble na extract ng chlorella na naglalaman ng chemicals gaya ng amino acids na building blocks ng protein; peptides na binubuo ng mga amino acids; vitamins, sugars, at mga nucleic acid o maliliit na molecules sa katawan ng tao.
Para mas maintindihan kung anu-ano ang benefits ng chlorella growth factor, ilista natin ang mga nakukuhang vitamins at minerals dito:
- Protein – Nasa 50 hanggang 60% ang taglay na protina ng chlorella. Dahil isa itong kumpletong protein source, naglalaman ito ng lahat ng siyam na essential amino acids na importante sa paglaki at development ng mga bata.
- Iron – Depende sa uri ng supplement, makakapagbigay ang chlorella ng anim hanggang 40% ng recommended daily intake ng iron.
- Vitamin C – Ang chlorella ay mayaman na source din ng ascorbic acid na tumutulong sa pag-absorb ng iron.
- Omega-3 fatty acids – Lahat ng algae ay mayroon ng sustansyang ito.
- Iba pang vitamins at minerals – Bukod sa mga nabanggit, mayroon ding maliliit na amount ng magnesium, zinc, potassium, copper, calcium, folic acid, at iba pang B vitamins ang chlorella. Nagtataglay din ito ng iba’t ibang uri ng antioxidants.
Photo from Unsplash
Madalas nating nababasa o naririnig na ang chlorella growth factor ay nakakatulong sa pagtangkad ng mga bata. Ayon sa mga pag-aaral, may abilidad ang chlorella na magparami ng DNA nito ilang beses sa isang araw. Kaya rin nitong hikayatin ang paglaki ng sarili nitong mga cell. Dahil dito, ang extract na ito ay nakakapag-promote ng growth at tissue repair sa mga bata na nagreresulta sa mabilis na pagtangkad, paggaling ng sugat, at malakas na immunity laban sa mga sakit.
Iba pang benefits ng chlorella growth factor
Sa dami ng mga nabanggit na contents ng chlorella at ng extract nito na chlorella growth factor, marami pang ibang advantages ang pagdadagdag nito sa well-balanced diet ng inyong mga anak. Hindi man pagtangkad ang inyong concern, baka isa sa mga benefits na ito ang maaari gusto ninyo ring makuha mula dito:
- Healthy collagen production – Ang collagen ay isang uri ng protein na nagpapanatiling young-looking, malambot, at makinis ang balat. Dahil nga napapabilis ng chlorella growth factor ang cell repair at regeneration sa katawan, nakakaapekto rin ito sa pagkakaroon ng healthier skin cells.
- Mataas na energy – Dahil sa taglay na protein ng extract na ito, nakakadagdag sa energy ng mga bata at matatanda ang pag-intake ng chlorella growth factor. Mabilis nitong nare-repair ang damaged na mga cells at tissues kaya naman hindi madaling mapagod kapag mayroon ka nito sa iyong diet. Para sa inyong mga anak naman, ibig sabihin nito ay mas marami siyang pwedeng i-achieve dahil sa pagiging maliksi at malakas niya sa tulong ng chlorella.
Photo from Unsplash
- Dobleng proteksyon mula sa mga sakit - Tumataas ang acidity ng katawan habang tumatanda. Ito ang nasa likod ng pagbagal ng cell processes na tumutulong gamitin ang nutrients mula sa mga kinakain bilang panlaban sa sakit. Pinapabagal din ng acidity ang pag-aalis ng toxic wastes sa katawan. Mabilis mag-regenarate ang cell walls at nakakapag-function nang mabuti ang processes kahit sa pagtanda.
- Improved mental health – Ang magnesium na taglay ng chlorella growth factor ay nakakatulong na makapag-alis ng anxiety at stress. Ganoon din, kilala rin ito bilang mineral na nakakapagpababa ng risk ng depression.
- Overall health advantages - Bukod sa physical benefits na naibibigay nito, ang chlorella growth factor ay napag-aralang nakakatulong sa pag-mature ng pag-iisip ng mga bata. Ang mga batang napapainom nito ay napansing mas matangkad at mas may mataas na IQ kumpara sa mga hindi nabigyan nito. Madalas din ay hindi nakakakitaan ng record ng jaw defects at tooth decay ang mga mayroon nito.
Paano ko mabibigyan ng chlorella growth factor ang mga anak ko?
Kung nakumbinse ka sa mga benefits ng chlorella growth factor, piliin ang multivitamins na may kasamang CGF para sa iyong anak. Pinayaman pa ito sa Vitamin C, taurine, lysine, zinc, Vitamins B1, B2, at B6, Vitamin A, at Vitamin D3. Hindi lang pagtangkad ang goal dito – buong kalusugan ng anak mo ay pwedeng ma-improve!
Manigurado sa desisyon at ikonsulta ito sa pediatrician ng inyong mga anak para mabigyan kayo ng angkop na payo tungkol sa pagsasama ng chlorella growth factor sa diet ng mga bata.
Sources:
https://www.webmd.com/vitamins/ai/ingredientmono-907/chlorella
https://www.healthline.com/nutrition/benefits-of-chlorella#section
https://blog.puriumcorp.com/2015/12/03/what-is-chlorella-growth-factor-and-why-do-kids-need-it/
https://bebrainfit.com/magnesium-anxiety-stress/
http://www.naturalways.com/chlorella-growth-factor.htm
https://sunchlorella.odoo.com/page/7-best-food-sources-that-help-boost-collagen
http://www.chlorellagrowthfactor-cgf.com/