May mga pag-aaral at survey na nagsasabing hindi gaanong mataas ang pwesto ng kalusugan sa mga bagay na prayoridad ng mga Pilipino. Dahil na rin sa kinagawian na kahiligan sa pagkain, mga celebration, at iba pang pang araw-araw na tradisyon, malaking porsyento ng mga Pinoy ang nagkokompromiso ng kalidad ng mga inihahain, pag-eehersisyo, at maging ang pag-iinvest para sa kalusugan gaya ng pagkakaroon ng health card mula sa health maintenance organizations (HMO), pagco-contribute sa PhilHealth, o kaya naman ay pagbabayad ng health insurance.
Dahil dito, madalas ay walang savings o naipon para sa emergencies gaya ng pagkakasakit, hospitalizations, at pagbili ng gamot. Para maiwasan ang hindi planadong paggastos para sa kalusugan, isa sa mga dapat maging priority ng Pilipinong mag-anak ay ang prevention. Kasama na rito ang pagsunod sa isang healthy na meal plans, pagkakaroon ng active lifestyle, regular at annual check-ups, at pag-inom ng vitamins para maprotektahan ang katawan laban sa sakit – dito tayo magfo-focus para malaman kung ano nga ba ang mga ginagampanan ng mga bitamina sa katawan para maisama natin sila sa ating buwanang budget.
Ano nga ba ang Vitamins?
Ang mga bitamina ay kahit anong organic o natural na sangkap na sagana sa malalaking amount ng nutrisyon na galing sa mga hayop at halaman. Vitamins ang kailangan ng katawan sa iba’t ibang halaga depende sa edad, timbang, tangkad, at health condition ng iinom nito para mapanatili itong malakas, malusog, at malayo sa sakit.
May iba’t ibang uri ng vitamins na kailangang ng katawan para mapunan ang pangangailangan ng isang tao lalo na kung hindi sapat ang nakukuhang nutrisyon mula sa pagkain lalo na kung nagsasagawa ng isang specific na diet, lifestyle, at treatment, ganoon din naman kung may pagkapihikan at maraming ipinagbabawal na pagkain.
Different Kinds of Vitamins
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng mga bitamina at ang mga natural na sources nito. Ilan sa mga ito ay wala sa form ng tablet, capsule, syrup, at iba pang paraan ng pagkonsumo ng vitamins, at matatagpuan lamang sa healthy na pagkain. Alamin ang importance of vitamins para matugunan nang tama ang pangangailangan ng iyong kalusugan. Makakatulong ang kaalaman tungkol sa uses of vitamins para maintindihan lalo kung bakit ito nirerekomendang maging katuwang ng tamang nutrisyon at active lifestyle sa pag-aalaga ng katawan mula sa sakit.
- Vitamin A
Pangunahing gawain: Ang bitaminang ito ay responsible sa pagpapaayos ng paningin at pagpapanatiling healthy ng body tissues at skin. Kailangan din ito para sa normal na paglaki at pagtibay ng mga buto at overall function ng immune system na nag-iingat sa katawan mula sa sakit. Bukod dito, nagpapababa rin ito ng risk ng prostate cancer, kaya naman isa ito sa inirerekomendang multivitamin for men.
Photo from Unsplash
Sources: Matatagpuan ang carotene sa atay ng baka, itlog, hipon, isda, gatas, butter, at keso. Ang beta-carotene naman ay makukuha mula sa kamote, carrots, kalabasa, mangga, at singkamas.
- Vitamin B-Complex
Pangunahing gawain: Ang B-Complex ay pamilya ng B Vitamins na tumutulong sa katawan na gawing energy ang pagkain. May mga Vitamin B-Complex na gamot na naglalaman ng tatlo sa mga ito – B1, B6, at B12.
- Vitamin B1 (Thiamin) – Ito ay importante para sa malakas at malusog na buhok, balat, muscles, utak, at nerves.
Sources: Mayroon ito sa brown rice, ham, soy milk, pakwan, at pork chops.
- Vitamin B6 (Pyridoxine) – Ito ay tinuturing na isa sa mga dapat kasama sa loob ng best multivitamin dahil nagpapababa ito ng risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Sa tulong nito ay nakakapag-produce ang katawan ng serotonin, isang neurotransmitter na nakakapag-improve ng tulog, gana kumain, at moods.
- Vitamin B9 – Ang bitaminang ito ay binubuo ng folic acid – na tumutulong sa pagbuo ng nucleic acid na gumagawa ng genetic material sa DNA ng isang tao – at folate – ang natural na form ng B9 na nagpapababa ng risk sa pagkakaroon ng birth defects sa mga nagdadalantao kaya naman inirerekomenda ito na kasama sa iniinom na multivitamin for women. Katambal ng mga ito ang ferrous sulfate, isang uri ng iron, para makaiwas sa iron deficiency anemia.
Sources: Nasa okra, spinach, singkamas, broccoli, orange at tomato juice, cereals, at asparagus ang vitamin na ito. Para siguradong makukuha ang parehong folic acid, folate, at ferrous sulfate, itanong sa inyong doktor kung maaari kang mag-take ng anti-anemic vitamins lalo na kung ikaw ay nagbubuntis.
- Vitamin B12 (Cobalamin) – Ang huling B-Vitamin ay nagpapababa rin ng risk ng heart disease. Iniingatan nito ang nerve cells mula sa pamamanhid, pangangalay, panginginig, at pamimitig sa pamamagitan ng pagbuo ng proteksyon sa paligid ng nerves. Katulong din ito ng katawan sa paggawa ng red blood cells at DNA.
Sources: Matatagpuan ito sa karne, poultry, fish, gatas, eggs, cereals, at cheese.
- Vitamin C
Photo from Unsplash
Ang ascorbic acid ay isa sa mga kasamang sangkap sa mga multivitamins dahil sa taglay nitong benefits, lalo na pagdating sa paglaban sa viruses at bacteria na nagdadala ng sakit sa katawan. Tumutulong din ito sa pagbuo ng collagen, o ang body tissue na nagdidikit ng balat tuwing nasusugatan sa pamamagitan ng pagsuporta sa walls ng blood vessels. Nagsisilbi rin itong antioxidant na nagpapagaling ng mga damage sa cells.
Sources: Sagana rito ang fruits at fruit juices gaya ng oranges, guava, tomatoes, at iba pang citrus na prutas. Mayaman din dito ang broccoli, bell peppers, strawberries, at potatoes. Para makaiwas sa deficiency sa bitaminang ito, ugaliing uminom ng ascorbic acid na tablet araw-araw. Kung ikaw naman ay may history ng pagiging acidic, maaari kang sumubok ng sodium ascorbate na vitamins. Kumonsulta muna sa doktor bago uminom nito, lalo na kung nagpapabawas ng alat sa inyong diet.
Uses of Vitamins
Ang pangunahing gamit talaga ng pag-inom ng mga bitaminang nabanggit ay para matustusan ang recommended dietary allowance (RDA) ng mga ito araw-araw para mapanatiling normal at healthy ang body functions. Ganoon din, malaki ang nadadagdag nitong depensa sa katawan mula sa iba’t ibang klase ng sakit. Bilang paalala, hindi dapat iasa lamang sa pag-inom ng vitamins ang kalusugan. Ang mga ito ay ginagawa lamang suporta sa tamang nutrisyon galing sa pagkain, sapat na pahinga, at aktibong pamumuhay. Huwag kalimutang magtanong muna sa inyong doktor para multivitamins na maipapayo niya na akma sa iyong overall health condition.
Sources:
https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/listing_of_vitamins
https://1md.org/article/the-difference-between-vitamins-and-supplements
https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=6002
https://powerpinoys.com/spending-habits-filipinos-need-to-break/
https://www.imoney.ph/articles/filipinos-spend-on-health-infographic/
https://www.livestrong.com/article/168202-what-is-sodium-ascorbate/
https://www.everydayhealth.com/drugs/ferrous-sulfate-folic-acid
https://www.medicalnewstoday.com/articles/219853.php
https://www.healthline.com/nutrition/folic-acid-vs-folate#section1