5 warning signs na ang iyong katawan ay kulang sa folic acid vitamin

February 22, 2019

Sa panahon ngayon, marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay. Trabaho, pamilya, o personal na interes, madalas hindi na natin naiisip ang sarili nating kalusugan. Dahil sa dami nating inaasikaso sa araw na araw na pamumuhay natin, nakakalimutan nating kumain nang tama, matulog sa tamang oras, at maghanap ng oras para magpahinga. Kahit mabilis na tayo mapagod at manghina, tuloy pa rin ang gawa.

Pero ang hindi natin alam ay baka may folic acid deficiency na tayo.

Ano ang folic acid deficiency?

Ang folic acid deficiency o folate deficiency ay nangyayari sa katawan kapag kulang ito sa vitamin B-complex na B9 (folate).

Ang folate ay kasama sa mga B-complex vitamins na tumutulong mag-produce ng enerhiya sa katawan. Nalalapit ito sa vitamin B-12 dahil kailangan ang dalawang ito para sa produksyon ng red blood cells.

Tuwing kulang sa folic acid ang ating katawan, nagiging abnormal ang paglaki ng red blood cells at mabilis ito malusaw. Dahil diyan, maapektuhan ang blood levels natin at maaari tayo maging anemic.

Kung ikaw ay anemic o may anemia, hindi nakakakuha nang sapat na oxygen ang ating organs at tissues. Ang red blood cells natin ang nagdadala ng oxygen sa ating katawan. Kaya kung magkaproblema sa produksyon nito, hindi magiging maayos ang function ng body systems natin.

Kilala rin ang folic acid deficiency o folate deficiency bilang folic acid deficiency anemia o folate deficiency anemia.

The effect of folic acid in our bodies

Ang folate ay natural na mahahanap sa mga pagkain tulad ng mga berdeng gulay. Ang folic acid naman ay ang synthetic form ng vitamin B9 na mahahanap natin sa mga supplements at fortified foods.

Mahalaga ang folic acid para sa DNA and RNA production ng ating katawan. Dahil isa sa mga B-complex vitamins ang folate, kinakailangan ito para magkaroon tayo ng malusog na atay, balat, buhok at mata.

Isa rin ang folate o folic acid sa components na kailangan para sa maayos na pag-function ng ating nervous system. Mahalaga rin ito para sa maayos na pag-function ng ating utak na nakakaapekto sa ating emotional at mental health.

Warning signs ng folic acid deficiency o folate deficiency

Maraming simptomas ang folic acid deficiency. Ang mga simptomas nito ay katulad ng anemia, ang kondisyon kung saan mababa ang level ng healthy red blood cells sa katawan natin at humihina sa pakiramdam natin.

Madalas nagkakaroon ng folate deficiency ang isang tao dahil hindi sapat ang folic acid sa kanyang pangaraw-araw na diet. Isa ring maaaring dahilan ang pag-inom nito ng alak.

Isa pang dahilan ay ang pag inom ng gamot na nakakatulong sa pag-control ng seizures. Ang pagkakaroon din ng lower digestive tract tulad ng celiac disease ay maaaring dahilan ng pagkakaroon ng folic acid deficiency.

Kadalasang nagkakaroon ng folic acid deficiency ang mga nagbubuntis dahil mas nakukuha ng dinadalang bata ang sapat na folic acid.

Ilan sa mga simptomas ng folic acid deficiency ay ang mga sumusunod:

  • matinding pagod o fatigue
  • kulang sa enerhiya o matamlay
  • nahihirapan huminga
  • pale skin
  • decreased appetite
  • irritable
  • diarrhea
  • smooth and tender tongue

 

Dagdag pa rito ang:

  • sore and red tongue
  • mouth ulcers
  • disturbed vision
  • muscle weakness
  • psychological problems kasama na ang depression
  • nakakalimot, problema sa magkakaintindi o sa judgement

Anong nangyayari kapag may folate deficiency ka?

Bihirang nagkakaroon ng seryosong komplikasyon ang mga taong nakararanas ng folate o folic acid deficiency ngunit nangyayari rin ito sa ibang kaso ng folic acid deficiency. Kailan nga ba nagkakaroon ng seryosong komplikasyon ang kakulangan sa folic acid?

Unang-una, ang mga taong may malalang anemia ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng abnormal na pagtibok ng puso. Ang malala pa nito ay posible rin silang magkaroon ng heart failure dahil hindi sapat ang pressure ng dugo na dumadaloy sa katawan.

Mas mataas pa ang risk na magkaroon ng cardiovascular disease (heart, blood vessel) ang

mga taong kulang sa folic acid. Maaari rin silang maging at risk sa pagkakaroon ng cancer tulad ng colon cancer, breast cancer, cervical cancer, pancreatic cancer, o stomach cancer.

Para naman sa mga kababaihan, ang pagkakaroon ng folic acid deficiency ay maaaring magdulot ng problema sa pagbubuntis o pagdadalang tao.

Maaapektuhan ang development at paglaki ng baby sa loob ng matres kung mababa ang folic acid ng isang ina. Malaki rin ang tiyansang magkaroon siya ng birth defects tulad ng bingot o cleft palate, spina bifida, at brain damage.

Kapag mababa din ang folic acid ng isang ina, maaaring magkaroon ng premature birth o ang panganganak ng hindi pa tama sa oras. Maaari ring magkaroon ng mababang timbang ang baby paglabas nito sa sinapupunan.

Para maiwasan ito ng mga ina, kailangan ng 600 micrograms of folic acid kada araw kung ikaw ay buntis. 400 microgram of folic acid naman ang kailangan kung binabalak mo pa lang maging buntis.

How to manage folic acid deficiency?

Para maiwasan natin ang mga komplikasyon na dala ng folic acid deficiency o folate deficiency, dapat ay maging mas aware tayo sa ating mga lifestyle choices lalo na sa ating diet.

Ang major source of folic acid o folate ay mangagaling sa ating kinakain.

Green and leafy vegetables ang number one na kailangan idagdag sa katawan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang broccoli, brussels sprouts, asparagus, at peas.

Ito pa ang mga pagakain na mataas sa folic acid:

  • Spinach
  • Dark leafy greens
  • Asparagus
  • Turnips
  • Beets
  • Mustard greens
  • Brussels sprouts
  • Lima beans
  • Soybeans
  • Beef liver
  • Brewer's yeast
  • Root vegetables
  • Whole grains
  • Wheat germ
  • Bulgur wheat
  • Kidney beans
  • White beans
  • Lima beans
  • Mung beans
  • Salmon
  • Orange juice
  • Avocado
  • Milk

Maaari rin makuha ang folic acid sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamin supplements. Mas mainam na komunsulta muna sa doktor upang makasigurado kung ang iniinom na gamot ay makakabuti sa kalusugan. Importante rin kasi na malaman ang level of folate sa katawan bago uminom ng folic acid supplements.

Sources:

https://www.nhs.uk/conditions/vitamin-b12-or-folate-deficiency-anaemia/

https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/vitamin-b9-folic-acid

https://medlineplus.gov/ency/article/000354.htm

https://www.hopkinsmedicine.org/healthlibrary/conditions/hematology_and_blood_disorders/anemia_of_folate_deficiency_85,P00089

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/folate-and-pregnancy