5 Benepisyo ng Vitamin C sa Ating Katawan

March 23, 2020

Maikukumpara ang katawan ng tao sa isang makina na may iba’t-ibang bahagi at may kanya- kanyang gampanin upang manatiling buhay at malusog ang isang indibidwal. Bawat bahagi ng katawan ay mahalaga para sa overall function nito.

Para gumana nang maayos ang katawan, kinakailangan nito ng sustansyang organiko na tinatawag nating bitamina o vitamins.

 

Ano ba ang vitamins?

 

Ang mga bitamina o vitamins ay mga sustansyang kailangan para sa kalusugan ng katawan. Kapag wala o kulang sa bitamina ang pagkaing pumapasok sa katawan, nagkakaroon ng panghihina sa resistensya, dahilan para magkasakit.

 

Maraming uri ng bitamina ang kailangan ng katawan upang manatiling malakas at malusog. Ilan dito ay ang Vitamins A, B, C, D, E, at K.

 

Bigyang-tuon natin kung ano ang Vitamin C, anong mga pagkain ang mayaman sa bitaminang ito, at ang mga mahalagang dulot nito sa ating katawan.

 

 

What is Vitamin C?

 

Ang Vitamin C o kilala rin bilang ascorbic acid ay mahalagang nutrient na nakatutulong sa mabilis na paghilom ng sugat at pag-absorb ng iron mula sa mga pagkain. Mas sikat ito bilang pampalakas-resistensya at antioxidant na lumalaban sa free radicals na tinuturing na isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng cancer.

 

Ilan sa mga Vitamin C benefits sa katawan ay ang mga sumusunod:

 

 

1. Tumutulong maiwasan ang chronic diseases

Ang Vitamin C ay may kakayahang palakasin ang katawan at ang natural na depensa nito sa mga sakit.

Ang antioxidants gaya ng Vitamin C na nakakapagpa-boost ng ating immune system. Pino-protektahan nito ang cells sa ating katawan laban sa nakasasamang molecules at free radicals. Kapag dumami ang free radicals sa ating katawan, magdudulot ito ng oxidative stress na siya namang sanhi ng pagkakaroon ng iba’t ibang chronic diseases. Base sa pagaaral, 30% ang itinataas ng blood antioxidant sa katawan kung kumakain ang tao ng mga Vitamin C foods.

 

 

2. Nagpapababa ng risk ng pagkakaroon ng heart disease

Maraming dahilan ang pagtaas ng risk ng heart disease gaya ng high blood pressure. Maaaring makatulong ang pagkakaroon ng sapat na Vitamin C level sa ating katawan para makaiwas sa ganitong mga sakit.

Napag-alaman na ang pag-inom ng hanggang 700 mg. na Vitamin C araw-araw ay nagbibigay ng 25% na tsansang hindi tamaan ng heart disease kumpara sa hindi umiinom nito.

undefined

3. Kailangan para mapanatiling normal ang blood uric acid levels at para maiwasan ang gout attacks

Ang gout ay isang uri ng arthritis na nagdudulot ng pamamaga ng joints, lalo na sa mga tuhod at paa. Nakukuha ito kapag masyadong mataas ang uric acid sa dugo. Ang uric acid ay waste product na nagmumula sa katawan. Ang pagtaas nito ay sanhi para tumigas o mag-crystalize ito at magdudulot ng pamamaga. Sa araw-araw na pag-inom ng Vitamin C, napapanatiling normal ang uric acid levels, na siyang dahilan ng pagbaba rin ng risk sa pagkakaroon ng gout attacks.

 

4. Panlaban sa iron deficiency

Mahalagang nutrient sa katawan ang iron dahil kailangan ito sa paggawa ng red blood cells at sa pagpapadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan. Nakakatulong ang Vitamin C supplements na mapabilis ang absorption ng iron mula sa ating diet. Dahil dito, hinihikayat ang mga taong at-risk sa iron deficiency na kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C at uminom ng supplements gaya ng iron at ascorbic acid.

 

 

5. Pampalakas-resistensya

Isa sa pinaka-kilalang Vitamin C benefits ay ang pagpapalakas nito ng ating immune system o resistensya. Kailangan ito para sa normal na production ng white blood cells na panlaban ng katawan sa mga impeksyon. Bilang antioxidant naman, pinapatibay ng bitaminang ito ang balat para hindi agad mapinsala at pasukin ng germs.

 

Madalas konektado sa Vitamin C deficiency ang pagiging sakitin ng isang tao. Ang mga may respiratory illnesses gaya ng pneumonia at ang mga pasyenteng matagal bago maka-recover mula sa sakit ay kulang sa bitaminang ito.

 

Anu-ano ang mga Vitamin C foods?

 

Para masigurado na ang inyong mga kinakain ay puno ng Vitamin C, narito ang ilan sa mga natural sources na pwede ninyong isama sa inyong diet, kasama na rin ang dami ng bitaminang makukuha sa mga ito:

undefined

  • Bell pepper (180 mg);
  • Bayabas (250 mg);
  • Mga berde at madadahong gulay (120 mg);
  • Kiwi (92 mg);
  • Broccolli (90 mg);
  • Papaya (60 mg);
  • Strawberry (60 mg);
  • Citrus fruits (53 mg);
  • Kamatis (22 mg); at
  • Pinya (24 mg).

 

Magpakonsulta sa doktor para matukoy kung gaano karaming Vitamin C ang kailangan ninyo sa isang araw depende sa inyong edad at health condition.

 

Ano ang tamang Vitamin C dosage para sa’yo?

Ang dosage ay tumutukoy sa dami na dapat makuha ng isang tao na angkop sa kanyang edad, kasarian, at kalagayan ng pangangatawan. Nakabase ang pag-inom ng Vitamin C sa factors na ito. Huwag mahiyang magtanong sa inyong doktor para makakuha ng dosage na makakatugon sa pangangailangan ng inyong katawan.

 

Para sa isang sanggol na hanggang anim na buwan, kailangan nito ng hanggang sa 60 mg ng Vitamin C pangontra sa sakit. Hindi pa gaanong developed ang kanilang immune system, kaya naman dapat may Vitamin C-rich diet ang mga inang nagpapasuso.

 

Iba rin ang dosis na kailangan ng mga buntis. Kadalasang umaabot ito sa 85 mg, at 120 mg naman para sa mga nagpapa-breastfeed.

 

Sa mga batang edad isa hanggang tatlo, nangangailangan lamang sila ng 15 mg ng Vitamin C. 90 mg naman sa para sa adult males at 75 mg naman sa mga babae.

 

Tandaan na makakamtan lang ang kabuuang mga benepisyo ng kahit anong bitamina sa pamamagitan ng disiplinadong pamumuhay. Binubuo ito ng tamang nutrisyon, wastong pahinga, mabuting mental health, at active lifestyle. Samahan din ang mga ito ng regular na pagpapakonsulta sa doktor para matiyak ang na nasa mabuting kondisyon ang katawan. Ang vitamins at iba pang supplements ay pang-suporta lamang at hindi dapat gawing pangunahing pinagkukunan ng sustansya.

 

At para mapanatag ang iyong loob, huwag kakalimutang uminom ng Vitamin C katulad ng RiteMED Ascorbic Acid at RiteMED Sodium Ascorbate upang makatulong sa pag panatag ng ating resistensya.

 

undefined

Sources:

https://kalusugan.ph/mga-bitaminang-kinakailangan-ng-katawan/

https://brainly.ph/question/1523899#readmore

https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-benefits#4.-May-reduce-blood-uric-acid-levels-and-help-prevent-gout-attacks

https://mediko.ph/vitamin-c-saan-ka-makikita-mga-pagkaing-mayaman-sa-vitamin-c/