Vitamin C Para sa Mga Bata | RiteMED

Vitamin C Para sa Mga Bata

August 18, 2021

Vitamin C Para sa Mga Bata

Kilala ang Vitamin C o ascorbic acid bilang isang essential vitamin sa pagpapalakas ng immune system ng tao. 

Ito ang unang unang naiisip na bitamina kapag ang bata ay sinisipon. Ngunit hindi lamang sipon ang sakit na kayang labanan ng Vitamin C. Ang bitaminang ito ay nakakatulong sa pagpapatibay ng resistensya ng katawan laban sa iba’t ibang sakit. Bukod sa pagpapalakas ng immune system, ang Vitamin C ay may iba pang health benefits para sa mga bata.

 

Proteksyon laban sa sakit

 

Ang Vitamin C at mga bersyon nito katulad ng sodium ascorbate ay antioxidants na pinoprotektahan ang katawan ng mga bata laban sa masasamang free radicals na nasa paligid na dulot ng polusyon.

 

Katambal ang zinc, ang Vitamin C ay kailangan ng katawan ng bata upang palakasin ang immune system. Ang matibay na immune system ang proprotekta sa bata laban sa mga mikrobyo. Kaya kapag malakas ang immune system nila, hindi sila basta basta magkakaroon ng mga impeksyon at sakit tulad ng sipon at ubo.

 

Pagpapagaling ng sugat

 

Dahil sila ay mahilig maglaro at mag explore, hindi maiiwasan na ang mga bata ay minsang masusugatan o mababalian. Ang Vitamin C ang makakatulong sa kanilang katawan upang bumuo ng collagen, cartilage, muscles, at blood vessels na may malaking role sa pagpapagaling ng sugat at pag aayos ng iba’t ibang tissues.

 

Pagpapatibay ng buto at ngipin

 

Hindi lamang proteksyon laban sa mga sakit ang benepisyong makukuha sa Vitamin C. Ang bitaminang ito ay may malaking role din sa pagpapalakas ng mga buto at ngipin na kailangan ng mga bata sa paglaki.

 

Nakakatulong sa pag-absorb ng katawan ng iron

 

Ang Vitamin C rin ay maaring makatulong sa pag-absorb ng katawan ng bata ng iron na kritikal sa kanilang mabilis na paglaki.

 

Saan nakukuha ang Vitamin C?

 

Ang Vitamin C ay isang bitamina na makukuha sa maraming masustansyang pagkain tulad ng mga sariwang gulay at prutas lalo na ang mga citrus fruits. Ang Vitamin C din ay makukuha mula sa vitamin supplement na pwedeng inumin ng bata matapos kumain ng balanced diet.

 

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-mother-daughter-making-freshly-1496568329

 

 

Ngayong panahon ng pandemiya, marami ang nangangamba para sa mga bata at naghahanap ng vitamins na makakatulong pangalagaan ang kalusugan ng mga anak at kapatid. Isang mahalagang hakbang para sa mga bata ay siguraduhin na mayroon silang sapat na makukuhang vitamin c na galing sa masustansyang pagkain at vitamin supplements.

 

Sources:

https://health.clevelandclinic.org/the-benefits-of-vitamin-c-why-your-child-needs-it/

https://www.rxlist.com/vitamin_c/supplements.htm

https://www.ritemed.com.ph/articles/benefits-ng-vitamin-c-at-zinc-sa-mga-bata



What do you think of this article?