Tamang Alaga Para Sa UTI

May 24, 2018

Totoo nga namang hindi biro ang sakit na nararanasan ng may mga UTI o Urinary Tract Infection. Maraming concerns ang naitatali rito dahil sa ito ay isang uri ng impeksyon sa ari at iba pang bahagi ng urinary system. Habang ito ay isang common na sakit, kadalasan ay mga kababaihan ang nagkakaroon nito. Kaya naman mabuting magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa sakit na ito.

Matinding hapdi sa pag-ihi ang pangunahing senyales ng UTI. Kasabay nito ang tila walang pagkaubos na laman ng pantog. Bagaman ito ay common na kondisyon, dapat pa ring maging mapanuri sa katawan upang hindi magkaroon ng UTI.

Ang hygiene at diet ay kapwa may malaking role sa pag-iwas mula sa sakit na ito. Ang UTI ay hindi kinakikitaan parati ng sintomas ngunit narito ang ilan sa mga signs of UTI:

  • Madalas na pag-ihi
  • Sakit o burning sensation habang umiihi
  • Ihi na malabo
  • Pananakit ng pantog
  • Minsan ay may dugo sa ihi

Kapag nakakitaan ng mga UTI symptoms na ito ang isang tao ay dapat na itong bantayan sapagkat ang UTI ay kadalasang napagkakamalan bilang ibang sakit lalo na sa mga nakatatanda.

Ang mga sintomas na ito ay common sa tatlong uri ng UTI ngunit ang bawat uri ay may kanya-kanyang sintomas. Ang mga uri ng UTI ay base sa bahaging naaapektuhan: kidney, bladder, at urethra. Ang UTI sa kidney ay ang may pinakaparaming sintomas na kinabibilangn ng pananakit ng likod, pagkakaroon ng mataas na lagnat, pangingig, pagkaranas ng ginaw, pagkahilo, at pagsusuko.



Tamang Alaga Para sa UTI
Bilang ito ay isang klase ng infection, mahalagang ikonsulta agad sa doktor ang nararamdaman. Pagkatapos nito ay isasailalim sa mga tests ang pasyente at kabilang na rito ang pagkuha ng urine sample upang makita ang presence ng UTI-causing bacteria. Ang gamot na nirereseta ng mga doktor para dito ay antibiotic. Upang lubusang umeepekto ito ay dapat kompletuhin ng pasyente ang pag-inom ng gamot ayon sa reseta.

Bukod sa pag-inom ng UTI medicine, malaki rin ang naitutulong ng pag-inom ng sapat na tubig upang mai-flush out ang bacteria mula sa katawan. Para naman maibsan ang sakit, maaaring gumamit ng heating pad. May mga pag-aaral rin na kinakitaan ang cranberry juice ng benefits upang maiwasan ay mapagaling ang UTI.

Upang mas maging maliit ang tsansa na makaranas ng UTI, maraming pagkain ang maaaring iwasan o bawasan sa diet. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • Kape
  • Softdrinks
  • Maaanghang na Pagkain
  • Matatabang Pagkain
  • at Soft drinks

Bukod sa diet ay makatutulong rin sa UTI prevention ang mga sumusunod:

 

  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pag-ihi matapos makipagtalik
  • Pagbago ng birth control method para sa mga kababaihan
  • Hindi pagpipigil ng ihi.


undefined
https://cdn.pixabay.com/photo/2018/03/18/18/53/berries-3237884_960_720.jpg

SOURCES:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-pagkaing-dapat-iwasan-kontra-uti
https://www.ritemed.com.ph/articles/7-myths-at-facts-tungkol-sa-uti
https://www.webmd.com/women/guide/your-guide-urinary-tract-infections#1