Kung ikaw ay babae, mas mataas ang iyong tiyansa ng pagkakaroon ng Urinary Tract Infection o UTI. Ayon sa pag-aaral, isa sa bawat dalawang babae ang nagkakaroon o nakararanas ng UTI sa kanilang buhay at sa ibang kaso ay pabalik-balik pa ang pagkakaroon ng ganitong sakit.
Ang UTI ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng ihi. Kaya ang nakararanas ng UTI ay nahihirapang umihi at nananakit ang pantog.
Paano i-manage ang UTI?
Narito ang ilang mga health tips kung ikaw ay sakaling magkaroon o nakararanas sa ngayon ng UTI:
- Uminom nang maraming tubig
Ang pinakasimpleng paraan upang maiwasan at mai-manage ang pagkakaroon ng UTI ay ang pag-inom nang maraming tubig. Nailalabas nito ang mga bacteria sa tuwing tayo ay iihi.
- Tamang paggamit ng tissue o wipes
Kung ikaw ay gumagamit ng tissue o wipes sa tuwing umiihi, mabuting punasan mo muna ang iyong harapang ari papunta sa likod o puwit upang sa ganitong paraan ay hindi ito makarating sa ating urethra.
- Maglinis ng ari bago makipagtalik
Makabubuti ito upang hindi umabot ang bacteria sa iyong urethra.
- Umiwas sa mga feminine products na matatapang
Ang mga ganitong produkto ay nakakairita lamang ng urethra at maaaring magbunga ng bacteria na magre-resulta sa impeksyon.
- I-check kung birth control ang dahilan ng iyong UTI
Ang paggamit ng diaphragm, spermicide, o kaya naman ay spermicide condom ay maaaring pagmulan ng problema sa UTI. Kaya kung ikaw ay madalas na nagkakaroon ng UTI kasabay ng paggamit ng mga birth control, mabuting palitan mo muna ito ng water-based na alternatibo o ikonsulta sa iyong doktor kung anong alternatibo ang pwede mong ipalit.
Huling Paalala:
- Para naman tuluyang mawala ang impeksyon sa iyong urinary tract, siguraduhing
magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Levofloxacin .
- Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover
- Sundin ang schedule ng pag-inom ng gamot.
- Huwag ipawalang bahala kung may iba pang nararamdaman bukod sa ilang sintomas ng UTI sa iyong katawan. Mabuting mapatingin na agad sa doktor bago pa lumala ang iyong kondisyon.
References:
https://www.webmd.com/women/guide/your-guide-urinary-tract-infections#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447
https://www.webmd.com/women/guide/avoid-uti#1
https://www.ritemed.com.ph/articles/gamot-sa-uti