Ano ang UTI?
Ang UTI ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa ating urinary tract system o ang dinadaluyan ng ihi. Kabilang sa urinary tract system ay ang bladder o pantog kung saan naiipon ang ihi. Ang urethra naman ang dinadaluyan ng ihi palabas ng katawan.
Ang pangunahing sanhi ng UTI ay ang bacteria na escherichia coli o mas kilala bilang “E. Coli" na nakakapasok sa ating bladder at urethra.
Sintomas ng UTI
Madalas na nakakaranas ng UTI ay ang mga kababaihan sapagkat malapit ang kanilang reproductive system sa daluyan ng dumi. Bagama’t hindi kasing dalas ang pagkakaroon ng UTI sa mga kalalakihan, mas marami ang kumplikasyon na maaaring maranasan nila.
Ano nga ba ang mga senyales ng UTI? Basahin nang mabuti upang malaman kung tugma ito sa nararamdaman:
- Kapag masakit tuwing umiihi
- Madalas na pag-ihi ngunit paunti-unti
- Masakit na pakikipagtalik
- Masyadong madilaw o mabula ang ihi
- Pananakit ng lower back
- Panghihina ng katawan
- Pananakit sa ilalim ng tadyang
- Mapanghi o mabahong amoy ng ihi
- Kapag ito ay may kasamang dugo o nana
- May pagsusuka o pagkahilo
- Lagnat
Ano ang sanhi ng UTI?
- Diabetes
- Tumor sa urinary tract
- Iba pang uri ng bacteria, tulad ng Staphylococcus at Chlamydia
- Paggamit ng birth control pills
- Pagbubuntis
- Hindi makontrol na pag-ihi o urinary incontinence
- Ang pakikipagtalik sa may UTI o sa iba’t ibang tao
- Nagkakaroon kasi ng tinatawag na “secretion” kaya naipapasa ang sakit.
Paano maiiwasan ang UTI?
- Iwasang umupo sa maruruming palikuran
- Ito ay dahil madaling umakyat ang mga bacteria sa ating pantog
- Magsuot ng pangilalim na gawa sa cotton
- Ang pagsusuot ng masisikip o nylon na pang-ilalim ay nagdudulot ng pagpapawis na maaaring magdulot ng pagdami ng mikrobyo
- Huwag pigilan ang pag-ihi
- May taglay kasing mikrobyo ang ating ihi na kapag hindi nailabas ay naiipon sa ating pantog
- Iwasang gumamit ng mga produktong may matatapang na chemical tulad ng:
- Feminine wash
- Synthetic na napkin (inererekomendang gumamit ng tampon)
- Maamoy o scented wipes
- Iwasang kumain ng maaalat
- Ang pagkain nito ay nagiging dahilan ng sakit sa bato na nagiging rason ng pagkahirap umihi (sintomas ng UTI sa lalaki ).
Photo by Brooke Lark on Unsplash
- Uminom ng mga diuretic tulad ng buko juice o cranberry juice
- Ang diuretic ay nakatutulong para maging regular ang pag-ihi. Uminom ng anim hanggang walong basong juice o tubig sa isang araw. Ang madalas na pag-inom nito ay mainam na pangontra sa UTI dahil nakakadaloy nang maayos ang ating ihi.
- Punasan nang maigi ang ating genital area pagkatapos dumumi
- Ang tamang pagpunas ay mula sa harap papunta sa ilalim. Importante ito lalo na pagkatapos dumumi upang maiwasan mapunta ang bacteria sa urethra.
- Ugaliing umihi at maglinis agad ng genital area pagkatapos makipagtalik
- Regular na magpa-ultrasound, PAP smear, at urinalysis
- Ang PAP smear o PAP test ay paraan ng doktor (gamit ang speculum) para suriin ang vagina at cervix at para kumuha ng cells at mucus mula sa cervix. Ang cells at mucus na makukuha ay susuriin para malaman kung mga ito ay normal.
Ang mga cells na nakuha sa Pap Test ay maaaring gamitin para naman sa HPV Test o ang pagsusuri kung ang tao ay mayroong human papillomavirus (HPV). Ito rin ay paraan upang malaman kung ikaw ay may cervical cancer, genital warts, at iba pang sakit sa genital area.
Ang urinalysis naman ay ang pagpapa-diagnose sa pamamagitan ng pagsusuri ng ihi upang malaman kung ikaw ay may UTI o iba pang urinary infections.
Gamot sa UTI
Ang mga sumusunod na antibiotics ang kadalasang ginagamit laban sa UTI. Importante: Ugaliing kumunsulta muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot.
Ano ang mangyayari kapag hindi agad nagamot ang UTI?
Kapag pinabayaan ang UTI, ito ay maaring magresulta sa iba’t-ibang mas malalang sakit. Kapag umakyat ang impeksyon sa ating kidney o bato (kidney infection), maaaring kumalat pa sa ibang organ ng ating katawan tulad ng urethra (urethritis) at bladder (cytitis).
May pagkakataon naman na paulit-ulit ang pagkakaroon ng UTI ng isang tao. Sa ganitong sitwasyon kung saan nakatatlo o apat na beses kang nagka-UTI, mabuting sumailalim na sa Ultrasound at CT scan upang ma-detect kung ito ay konektado sa ibang sakit lalo na kung diabetic ang isang tao, baka ito ay mas maging komplikado.
Reference:
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/urinary-tract-infection
https://www.webmd.com/women/guide/your-guide-urinary-tract-infections#1
https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/urinary-tract-infections-utis
https://news.abs-cbn.com/life/10/13/17/pag-inom-ng-buko-juice-gamot-nga-ba-sa-uti