Photo Courtesy of Romi via Pixabay
Ang antioxidants ay ang mga nutrients tulad ng Vitamins A, C, at E na tumutulong maprotektahan ang mga healthy cells at labanan ang mga pinsalang dulot ng free radicals. Ang free radicals ay maaaring makuha mula sa stress, pollution, at unhealthy lifestyle gaya ng paninigarilyo at pag inom ng alak na siyang maaaring maging dahilan ng pagbuo ng cancer cells sa ating katawan. Ito rin ay nakakapag-cause ng cell mutation, damage sa immune systems, at iba’t ibang heart diseases.
Ang mga nutrients na makukuha mula sa antioxidants ay makatutulong upang malabanan at maiwasan ang mga malalang sakit gaya ng cancer. Madami nang mga supplements, beverages, minerals, at mga superfood na nagtataglay ng antioxidants hindi lamang para sa pag-iwas sa cancer kundi pati na rin sa iba pang mga diseases na maaaring makuha ng ating katawan.
Ang UTI ay isang infection sa kidney, ureters, bladder and urethra na mga kilala rin bilang urinary system ng katawan. Mas mataas na porsyento ng kababaihan ang naaapektuhan ng UTI kaysa kalalakihan. Kadalasan, antibiotics lamang at pag-inom ng tubig ang iminumungkahi ng mga doktor sa mga pasyenteng may ganitong infection. Ang pagkakaroon ng UTI ay hindi agad o madaling nalalaman ng may sakit dahil hindi madalas lumabas ang mga sintomas nito. Ayon sa Philstar, ang mga sintomas ng UTI ay madalas na pag-ihi, mahapdi, at kung minsan ay makasamang dugo ang ihi.
Kapag napabayaan, maaaring lumala ang sintomas ng UTI. Sa pagkain ng mga masusustansya sa antioxidants ay makaiiwas tayo sa iba’t ibang klase ng sakit. Ano nga ba ang mga importanteng tandaan para makaiwas sa sakit na gaya ng UTI?
Pag inom ng tubig
Importante ang pag-inom ng tubig araw-araw para matanggal sa katawan ang iba’t ibang bacteria na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng impeksyon. Ang 6-8 glasses ng tubig kada araw ay inirerekomenda para ma-flush ang bacteria na nasa loob ng ating sistema.
Pag-kain ng sariwang prutas at gulay
Photo Courtesy of Bonbonga via Pixabay
Ang sariwang prutas at gulay ay nagtataglay ng iba’t ibang vitamins gaya ng Vitamin C at Vitamin E. Ilan sa mga ito ay sibuyas, talong, at mais. Ang pagkain ng mayaman sa antioxidants ay makatutulong sa pagprotekta ng katawan laban sa mga damages at infections. Kilala naman ang cranberry at blueberry sa pagkakaroon ng antioxidants na mabisa laban sa UTI dahil tinatanggal nito ang mga bacteria sa urethra walls. Ang mga kababaihan na madalas uminom ng cranberry at blueberry juice ay may mas mababang chance na magkaroon ng infection.
Pag inom ng supplements at superfood
Mayroong mga nabibiling nutrient-rich food na nagtataglay ng iba’t ibang sustansya gaya ng antioxidants, vitamins, and minerals. May iba’t ibang example ng superfood na makikita rin sa Pilipinas na hindi kamahalan sa bulsa gaya ng malunggay, guava, at niyog na nakapagpapabawas sa cell damage sa katawan.
Umiwas sa nakasasamang pagkain at bisyo
Photo Courtesy of vishwanath via Pixabay
Ayon sa Livestrong, ang pagkain ng matataas sa asukal ay dapat iwasan dahil karamihan sa mga bacteria ay ginagamit ang asukal bilang pagkain. Ang pag-inom ng alcohol, kape, at softdrinks ay dapat ding iwasan. Ang acidic food naman ay maaari ring makairita sa bladder kung kaya’t mas mainam umiwas sa pag intake nito hanggang sa tuluyang mawala ang infection.
Ang antioxidants gaya ng Vitamin C, Vitamin E, Zinc, lutein, at lycopene ay nakukuha sa iba’t ibang pagkain. Mainam na planuhin ang mga kakainin upang makakain ng mga prutas at gulay na may iba’t ibang nilalaman na antioxidants. Makatutulong din ito bilang dagdag sa proteksyon sa balat laban sa UV light na nagco-contribute sa pagkakaroon ng sakit na skin cancer.
Ang healthy diet at lifestyle ay higit na dapat tandaan at ugaliin para sa pag iwas sa mga sakit, malubha man o hindi. Hinihikayat ang lahat na kumain ng masusustansyang pagkain at umiwas sa mga pagkaing nakasasama sa kalusugan.