Gamot sa toothache: alin ang dapat inumin?

February 22, 2019

Ang toothache ay ang sakit na nararamdaman mo sa loob o sa paligid ng ngipin. Madalas, ang pagkakaroon ng toothache ay senyales na may problema sa ngipin o sa gilagid mo ngunit maaaring may ibang karamdaman sa ibang parte ng katawan mo (tinatawag din itong referred pain). Hindi man malubhang sakit ang toothache, hindi ito dapat binabalewala dahil kapag hinayaan lang ito, maaaring maging malalang tooth decay ito o 'di kaya mayroon kang mas malalang kararamdaman kung saan kaikailanganin ang immediate medical treatment.

undefined

Ang pakiramdam ng toothache

Ang sakit ng toothache ay maaaring maging mild to severe pain at constant o intermittent depende sa tao at sa sitwasyon. Ito ang iilan sa mga pwedeng maramdaman:

  • pagkirot (throbbing pain) o pagmamaga (swelling) sa paligid ng ngipin o gilagid
  • lagnat
  • sharp pain kapag hinawakan yung ngipin o kapag kumakagat
  • may painful sensitivity kapag kumakain ng malalamig o maiinit na pagkain o inumin

Mga sanhi ng toothache

Ang pinaka-common na dahilan ng toothache ay ang tooth decay. Kapag hindi naagapan agad ang tooth decay, maaaring magkaroon ng infection malapit sa ngipin mo o sa loob mismo nito.

Isa pang pwedeng sanhi ng toothache ay impacted tooth kung saan may isang ngipin na hindi makalabas dahil nakaipit ito sa gum tissue o sa buto. Madalas itong nangyayari sa wisdom teeth natin.

Ang toothache ay maaaring dahil din sa sinusitis kung saan namamaga ang iyong sinuses dulot ng viral, bacterial, o fungal infection sa sinus cavity. Dahil malapit ang roots ng upper teeth sa sinuses, posibleng maging sanhi rin ito ng sakit sa upper teeth.

Paggamot sa toothache

Ang panandaliang paggamot ng toothache ay madalas para lang sa pain management—halimbawa, sakaling nasa biyahe ka o 'di kaya kapag naramdaman mo ito sa gabi, narito ang iilang pwedeng gawin na best pain relief for toothache:

  • Iwasan ang acidic, malamig, o matitigas na pagkain upang hindi lumala ang lagay ng ngipin mo
  • Siguraduhing naka-elevate ang ulo para maiwasan ang pagdaloy ng maraming dugo sa ulo.
  • Magmouthwash na may alcohol para madisinfect at mamanhid ang ngipin
  • Gumamit ng ice pack na binalot sa tela para mabawasan ang sakit
  • Maaari ka ring uminom ng RiteMED Mefenamic acid o ibang katumbas na over-the-counter meds for toothache para mawala yung sakit.
  • Mayroon ding mga numbing pastes o gels na kayang pansamantalang bawasan ang sakit para makatulog sa gabi.
  • Kung ang toothache ay dulot ng sinus congestion, maaari ka ring kumuha ng over-the-counter decongestants

I-monitor ang toothache sa loob ng 24 na oras. Kapag nawala ang sakit, maaaring irritation lang ito. Ngunit kung hindi ito mawala, kung lumala yung sakit na nararamdaman, kung nagkaroon ka ng fever o headache, o kung nahihirapan kang huminga o lumunok, mainam na bumisita sa iyong dentista upang maagapan agad at mabigyan ka ng tamang teeth pain medicine.

Pag-aalaga ng ngipin

Dahil ang tooth decay ang pinakakaraniwang sanhi ng tooth decay, maaaring sikaping iwasan ang mga ganitong kumplikasyon sa pamamagitan ng ilang paalala:

undefined

Photo from unsplash

 

Narito ang mga techniques na inirerekumenda ng American Dental Association:

Sa pag-toothbrush

  • Mainam na iposisyon ang toothbrush na naka-angulo ng 45 degrees mula sa gilagid.
  • Igalaw ang toothbrush nang pabalik-balik sa bawat ngipin.
  • Siguraduhing madaanan ng toothbrush ang labas, loob, pati na rin ang chewing surfaces ng ngipin.
  • Gamitin ang dulo ng sipilyo para maabot at malinis yung inside surface ng iyong front teeth. I-brush ito nang paakyat at pababa. Maging marahan sa pagsipilyo
  • Huwag kalimutan ding i-brush ang dila para mawala ang bacteria at upang maging fresh ang breath.

Sa pag-floss

  • Sapat na haba ang 18 inches ng floss para ikutin sa iyong mga middle fingers at gamitin bilang angkla. Hahawakan naman ng thumb at hintuturo mo ito para mas madaling makontrol.
  • Maingat na igabay ang floss sa gitna ng bawat ngipin.
  • Kapag umabot na ang floss sa gum line, i-curve ito sa isang ngipin at padausin sa puwang sa gitna ng gilagid at ngipin.
  • Ibalik ang floss sa espasyo sa gitna ng dalawang ngipin at igalaw ito nang paakyat at pababa doon sa kabilang ngipin naman.
  • Gawin ito sa lahat ng ngipin para madaanan lahat.

Sa pagmumog

Karagdagan sa pagsipilyo at pag-floss araw-araw, ang pagmumog o mouth rinse ay nakakatulong sa paglinis ng bibig. Ang mga antimicrobial mouth rinses ay nakakabawas ng bacteria at plaque activity para maiwasan ang gingivitis at iba pang gum disease. Ang fluoride mouth rinse naman ay nakakatulong bawasan at iwasan ang tooth decay. Importantent kausapin ang iyong dentist tungkol sa mga produktong nais mong subukan.

Karagdagang impormasyon sa tooth decay

FUN FACT!

Alam niyo ba na ang tooth decay ay nakakahawang sakit? Maaari kasing kumalat ang bacteria na nagiging dahilan ng tooth decay. Ayon sa science journal Microbiome, ang isang inosenteng mabilis na halik ay kayang magkalat agad ng halos 80 milyong bacteria sa parehong bibig!

Kayang i-manage ang mga bacteria na ito sa pamamagitan ng pagsunod ng good oral hygiene practices, pagkain ng tama at mga dental checkup.

Ano ang cause ng tooth decay?

Ang tooth decay ay sanhi ng plaque, isang malagkit na substance na kumakapit sa ngipin. Ang plaque ay kumbinasyon ng:

  • bacteria
  • saliva
  • acid
  • food particles

Yung acid sa plaque na kumakapit sa ngipin ay nangangain ng tooth enamel. Ang enamel ang nagsisilbing takip ng ngipin na pumoprotekta mula sa tooth decay.

Sintomas ng tooth decay

Ang sintomas ng cavity ay nakadepende sa gaano na kalala ang decay sa ngipin. Kasama nito ang mga sumusunod:

  • tooth sensitivity
  • sakit sa ngipin
  • nakikitang butas sa ngipin teeth
  • staining sa ngipin na maaaring itim o puti

Para maiwasan ang mga kumplikasyon sa ngipin, mainam na sumunod ng proper dental hygiene tulad ng madalas na pagsipilyo, pag-floss, at pagmumog. Iwasan din ang pagkaing matatamis at maraming starch. Ngunit kapag may napapansing kumplikasyon, laging alalahanin na mas mainam kumonsulta sa iyong dentista para makasiguradong mahanap ang tamang gamot para sa’yo.

SOURCES:

https://www.healthline.com/health/dental-oral-health-cavities

https://dentistry.uic.edu/patients/cavity-prevention-bacteria

https://www.webmd.com/oral-health/guide/dental-health-cavities#1

https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-toothache-at-night

https://www.healthline.com/symptom/toothache