Paano nakukuha ang Strep Throat?

March 10, 2019

Ang strep throat ay isang uri ng karamdaman sa lalamunan na nakakahawa at maaaring maging sanhi nang mas malala pang uri ng sakit. Ang throat problem na ito ay sanhi ng bacteria na tinatawag na ‘group A streptococcus’.

Mga bata mula 5 hanggang 15 taon gulang ang madalas na nagkakaroon ng strep throat at maaaring mailipat ito sa pamamagitan nang pag-ubo at pagbahing.

Kapag hindi naagapan, maaari itong maging sanhi pa nang malulubhang mga karamdaman gaya ng ear infection, sinusitis, kidney inflammation, rheumatic fever, at marami pang iba.

Ano-ano ang mga strep throat symptoms?

Kadalasan, ang sintomas ng strep throat ay ang pagkakaroon ng sore throat, pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, at lagnat. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:

  • Painful swallowing, o hirap sa paglunok
  • Red and swollen tonsils, o namumula at namamagang mga tonsils
  • Loss of appetite, o kawalan ng gana sa pagkain
  • Swollen lymph nodes in the neck, o pamamaga ng leeg

Paano makakaiwas sa Strep Throat?

Malaki ang posibilidad na ikaw ay mahawa sa strep throat kapag ang kasama mo sa inyong bahay ay mayroon nito. Makakatulong din sa pag-iwas sa strep throat ang mga sumusunod:

Hugasan nang mabuti ang iyong mga kamay.
Ang tamang paghugas ng mga kamay ang pinaka-epektibong paraan upang puksain ang mga germs at infections. Ugaliing maghugas ng mga kamay hangga’t maaari gamit ang tubig at sabon o linisin ang mga ito gamit ang mga hand sanitizers. Importanteng matutunan ng mga bata ang gawain na ito hangga’t maaga pa.

undefined

  • Takpan ang bibig sa tuwing uubo o babahing.
    Gaya nang nasabi, ang strep throat ay contagious o nakakahawa. Mabilis itong malipat sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ugaliing takpan ang bibig sa tuwing ikaw ay uubo o babahing; protektahan ang mga tao sa iyong paligid.
     
  • Huwag ipahiram ang mga personal na kagamitan -- magmula sa basong ginagamit hanggang sa kubyertos. Siguraduhing bagong hugas ang mga ito bago gamitin.

Importanteng malinis ang iyong kapaligiran (at ang iyong sarili). Malaki ang naitutulong nito sa pagsugpo at pagkalat ng anumang mga bacteria/germs na maaring magsanhi ng iba’t-ibang karamdaman at impeksyon.

Strep Throat Home Remedies

Tulad nang marami sa atin, hangga’t kaya ay hahanapan natin ng home solution ang mga bagay-bagay at bawat karamdaman. Ang mga sumusunod ay mga sore throat/itchy throat/strep throat remedies na maaari mong gawin sa inyong tahanan:

  • Pag-inom ng mga maligamgam na inumin gaya ng lemon water o tsaa.
  • Pag-inom ng mga malalamig na inumin para makatulong sa pagpapamanhid ng lalamunan.
  • Pagkain ng throat lozenges.
  • Pagdagdag ng ½ kutsarita ng asin sa isang baso ng tubig upang gawing pangmumog.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga effective home remedies na maaari mong gawin kapag ikaw (o isa sa pamilya mo) ay nakakaramdam ng sintomas ng strep throat (o iba pang mga throat-related concerns).

Kapag ang sintomas ay nagtagal, huwag na magdalawang-isip na kumonsulta agad sa isang duktor upang malaman kung ano talaga ang iyong nararamdaman at para maiwasan ang paglubha ng anumang klase ng sakit.

May RiteMED ba nito?

Bukod sa mga nabanggit na home remedies, maaari bigyan ka ng doktor ng antibiotic upang makatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagsasanhi ng mga infection gaya ng strep throat.

Isang effective na strep throat medicine ay ang RiteMED Cefuroxime Axetil. Ito ay isang uri ng antibiotic na nakakatulong sa pagdami ng mga bacteria (gaya ng group A streptococcus) at paglubha ng impeksyon. Mahalagang paalala: Importante na kumonsulta muna sa duktor bago magsimulang uminom ng mga antibiotic.


Sources:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/strep-throat/symptoms-causes/syc-20350338

https://kidshealth.org/en/kids/strep-throat.html

https://www.healthline.com/health/strep-throat