Ang tonsils ay dalawang lymph nodes na matatagpuan sa likod ng lalamunan. Kapag ang mga tonsils ay dapuan ng impeksyon, nagkakaroon ng tonsilitis.
Ano ang sanhi ng tonsilitis?
Bacteria at virus ang kadalasang nagdudulot ng tonsilitis. Pero maaaring magkaroon din ng tonsilitis dahil allergy, paninigarilyo o polusyon ang mga maaaring pagmulan ng tonsilitis.
Ang pagkakaroon ng tonsilitis ay talagang nakakaabala sa ating pang-araw-araw na gawain gaya ng pakikipagkomunikasyon, paraan ng pagkain, at maging sa paghinga.
Kaya naman mabuting malaman kung ano ang pwede at hindi pwedeng kainin upang hindi lumala ang tonsilitis.
Ano ang mga tonsilitis food to avoid o mga pagkaing dapat iwasan upang hindi sumakit ang lalamunan?
Iwasan ang mga high-fat foods tulad na lamang ng dairy products (gatas, cheese, at sorbetes), red meats (baboy o baka), pritong pagkain o mamantika, at mga baked na pagkain. Ayon sa mga espesiyalista sa pagdi-diet, hindi lamang nakakapanghina ng immune system ang mga fatty food, pinapahirapan din nito ang ating digestive system sa pagtunaw ng kinakain. Kaya naman, mabuting iwasan ito hanggang sa gumaling ang tonsilitis mo.
Ang mga citrus food gaya ng orange, kamatis, lemon, grapefruit, at kalamansi ay mga acidic food na maaaring mapalala lamang ang iyong kondisyon. Mainam ang melon, kiwi, o saging bilang kapalit na prutas.
Ang mga spicy foods tulad ng chili powder, hot sauce, curry, sili, o pepper ay hindi mainam para sa taong may tonsilitis. Lahat ng ito ay hindi nakatutulong at bagkus, nagdudulot ng pamamaga ng lalamunan.
Hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na makakapaglagay ng pampalasa sa iyong mga pagkain. Mayroong mga pampalasa tulad ng luya na hindi makakaapekto sa lalamunan. Ayon sa ilang pag-aaral, ang luya ay mainam kapag may sipon at ubo.
Mahirap lunukin ang mga magaspang na pagkain tulad ng mga crackers, oatmeal, chichiria, at hindi lutong gulay at posibleng lumala pa ang tonsilitis.
Mga pwedeng kainin upang mapabuti ang lalamunan:
Kung hindi mo kayang walang karne sa iyong diyeta, magandang alternatibo ang pagkain ng white meat tulad ng manok, turkey o kaya naman isda.
- Pulot-pukyutan (honey) at lemon drink
Eto ang pinakanirerekomendang panlunas sa tuwing mayroong sore throat at tonsilitis. Hindi lamang ito nakakagaling ng iyong lalamunan, nakakapagpagaan din ito ng iyong pakiramdam.
- Soup o maligamgam na sabaw
Nakabubuti ang pag-inom ng soup na may kasamang mga gulay upang gumaling ang iyong lalamunan, lalo na kung mainit-init ito.
Bukod sa malambot at hindi masakit sa lalamunan, mayaman ang itlog sa omega 3 fatty acids at protina na tiyak na kailangan ng iyong katawan upang ikaw ay maging malusog.
Huling Paalala:
Para naman tuluyang gumaling mula sa tonsilitis, siguraduhing magpakonsulta sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng RiteMED Clindamycin, RiteMED Co-amoxiclav, RiteMED Azithromycin at RiteMED Cefaclor kung kinakailangan. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.tipsandshare.com/what-to-eat-with-a-sore-throat
https://www.newvision.co.ug/new_vision/news/1444393/throat-infection-foods-eat-eat
https://www.enkimd.com/what-to-eat-when-you-have-tonsillitis.html
https://www.livestrong.com/article/412238-the-best-things-to-eat-when-you-have-tonsillitis/