Kapag ang thyroid gland ay hindi malusog, maaari itong mauwi sa iba-ibang komplikasyon gaya ng pagtaas ng timbang, depression, at maging miscarriage sa mga buntis na babae. Ang mga thyroid symptoms ay kadalasang bahagya lamang kaya hindi napapansin, ngunit ang simpleng blood test ay makakatulong upang malaman ang pangkalahatang kondisyon ng thyroid.
Ano ang papel na ginagampan ng thyroid?
Ang thyroid ay isang gland na hugis paru-paro na makikita sa iyong leeg. Ito ang responsable sa pagpo-produce ng mga hormones na kailangan sa iba-ibang brain activities at sa metabolismo ng katawan. Ang thyroid din ang nagre-regulate sa tibok ng puso at temperatura ng katawan. Kapag ang thyroid ay hindi malusog, maaaring makaapekto ito sa ibang functions ng katawan lalo na kung hindi ito gagamutin.
Unhealthy thyroid symptoms
Ang mga pangunahing senyales ng isang hindi malusog o abnormal na thyroid ay biglaang pagbabago ng mood at pakiramdam na pagod bagaman kumpleto ang tulog. Kasama rin ang biglaang pakiramdam ng pagkabalisa na maaaring senyales na ang thyroid ay naglalabas ng labis na thyroid hormone. Ang ilan pang mga sintomas ay ang sumusunod:
- Pagbabago sa daloy ng dumi
- Paglalagas ng buhok
- Biglaang pagtaas ng timbang
- Iregular na menstruation
- Pagkabaog
- Mental fatigue
Hypothyroidism vs Hyperthyroidism
Kailangang magsagawa ng doktor ng simpleng blood test upang malaman kung ang iyong kondisyon ay hyperthyroidism o hypothyroidism. Narito ang listahan ng mga sintomas ng dalawang kondisyong nabanggit:
Hypothyroidism
|
Hyperthyroidism
|
Madalas na nakakaramdam ng pagod
|
Tachycardia (mabilis na heart rate)
|
Constipation
|
Labis na pakiramdam ng pagkabalisa
|
Panghihina ng mga muscles
|
Labis na pamamawis
|
Apektadong buwanang dalaw
|
Pangangatal ng kamay
|
Mabagal na heart rate
|
Biglaang pagbaba ng timbang
|
Pakiramdam na depressed
|
Goiter o paglaki ng thyroid glands
|
Mabagal na brain function
|
Insomnia
|
|
Paglagas ng buhok
|
Narito ang ilan pang mahahalagang impromasyon tungkol sa hyperthyroidism at hypothyroidism.
Sino ang at risk?
Ang mga taong may history ng thyroid disease sa pamilya ay may mataas na tyansa na magkaroon din nito. Ang mga babae na edad 60 pataas ay mas prone sa thyroid problems kaysa sa mga lalaki. Ang sinuman ay maaaring dapuan ng mga sakit na ito at kung hindi maaagapan, maaari itong mauwi sa mga komplikasyon gaya ng:
· Goiter
- Sakit sa puso
- Mental health disorders
- Birth defects
- Problema sa paningin
Thyroid disease sa mga Buntis
Ayon sa American Thyroid Association, ang pagbubuntis ay may epekto sa function at laki ng thyroid dahil sa mga pagbabago sa hormones sa katawan ng isang buntis. Malaki ang papel na ginagampanan ng gland na ito sa unang trimester ng pagbubuntis sapagkat tumutulong ito sa development ng utak at nervous system ng baby. Ang hyperthyroidism sa mga nagbubuntis ay nagagamot at kadalasang dulot ng Grave’s disease, isang autoimmune disease.
Lunas
Ang mga doktor ay maaaring magreseta ng anti-thyroid medicine para sa mga pasyenteng may overactive thyroid upang mabawasan ang hormone production. Ang pinakakaraniwang lunas sa mga may hyperthyroidism ay radioactive iodine ablation. Samantala, mayroon namang thyroid hormone pills para sa mga pasyenteng may underactive thyroid upang maabot ang normal na lebel ng hormones.
Kung ikaw ay may hypothyroidism, maaaring dahil ito sa kakulangan ng iodine sa iyong dyeta na mahalaga para sa produksyon ng thyroid hormones. Gawing mas masustansya ang iyong diet sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga pagkain mayaman sa iodine gaya ng seafood and seaweed. Kung ikaw naman ay may hyperthyroidism, ugaliing kumain ng mga cruciferous foods gaya ng broccoli, kale, at cauliflower na makakatulong sa pagpapababa ng produksyon ng thyroid hormones.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hypothyroidism/symptoms-causes/syc-20350284
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hyperthyroidism/symptoms-causes/syc-20373659
https://www.thyroid.org/hypothyroidism-in-pregnancy/
https://www.niddk.nih.gov/health-information/endocrine-diseases/pregnancy-thyroid-disease