Photo from Med Scape
Ang thyroid ay isang gland sa katawan na hugis paru-paro na matatagputan sa harap ng leeg. Gumagawa ito ng hormones at isinu-supply sa buong katawan. Ang mga hormones na ito ay tumutulong mag-maintain ng utak, puso, muscles at ibang organ sa katawan. Kinokontrol ng thyroid gland ang paggamit ng enerhiya ng katawan na galing sa kinaing pagkain, tinatawag ang prosesong ito na "metabolism." Apektado ng metabolism ang init ng katawan, tibok ng puso at pagsunog ng calories. Dapat normal lang ang dami ng T3 at T4 hormones.
Ano ang Hypothryoidism?
Ang taong may hypothyroidism ay may thyroid gland na hindi gumagawa ng sapat na T3 at T4 hormones na kailangan ng katawan. Nasa dalawang porsyento ng populasyon ng buong mundo ang may ganitong kondisyon. Mas malaki ang tsansa ng mga babaeng magkaroon nito kaysa sa mga lalaki. Ang mga babaeng may edad 60 pataas ay may mataas na risk. Ang karaniwang sakit na nagdudulot ng hypothyroidism ay ang Hashimoto’s disease, isang kondisyon kung saan ang immune system ay gumagawa ng antibodies na sumisira sa thyroid cells at nagreresulta sa pagtigil ng produksyon ng thyroid hormones. Maaaring ding magdulot ng hypothyroidism ang hindi pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iodine at pagsailalim sa thyroid surgery kung saan inaalis ang thyroid.
Mga Sintomas ng Hypothryoidism
Photo from Embrace Family Health
-
Mas mabagal kaysa sa normal ang tibok ng puso
-
Naglalagas ang buhok at nanunuyo ang balat
-
Nagiging malalim ang boses
-
Tumataba dahil sa mas mabagal na metabolism
-
Laging pagod
Ang sintomas naman ng hypothyroidism para sa mga bata ay ang mga sumusunod:
Gamot Para sa Hypothryoidism
-
Pag-inom ng synthetic versions ng thyroid hormones.
-
Pagkain ng pagkaing mayaman sa iodine tulad ng seafood, talaba, tahong, at pusit. Maaari ring gumamit ng iodized salt sa mga pagkain.
-
Page-ehersisyo. Magandang magsimula sa low-impact workouts gaya ng yoga, swimming at biking. Maiibsan ng ehersisyo ang mga sanhi ng hypothyroidism tulad ng fatigue at pagtaba.
Ano Ang Hyperthryoidism?
Kabaliktaran naman ng hypothyroidism ang hyperthyroidism. Ang hyperthyroidism ay resulta ng labis na thyroid hormones na ginagawa ng thyroid. Dahil sobra ang hormones na napo-produce, mas bumibilis ang mga proseso sa katawan. Karaniwang sanhi ito ng hyroiditis, ang pamamaga ng thyroid o Graves’ disease. Ang Graves’ disease ay sakit ng immune system na kadalasang tumatama sa mga babaeng may edad 40 pataas. May ilang gamot na maaaring maitago ang mga sintomas ng hyperthyroidism. Ilan sa mga ito ay ang tinatawag na beta blockers, gamot para sa high blood pressure.
Mga Sintomas ng Hyperthryoidism
-
Labis na pagpapawis
-
Problema sa pagtulog
-
Hirap mag-focus sa isang gawain
-
Makakalimutin
-
Pagbabago sa bowel habits
-
Mabilis na tibok ng puso at nakakaranas ng palpitation
-
Nakakaramdam ng pagkabalisa, kaba at iritable
-
Mabilis na pagpayat
-
Panginginig ng kamay
-
Iregularidad sa buwanang dalaw
-
Kapag matagal na at hindi pa nagagamot, lumuluwa o lumalaki ang mata
-
Pamamaga ng leeg
Gamot Para sa Hyperthryoidism
-
Pag-inom ng anti-thyroid medication para mapatigil ang pagproduce ng thyroid ng hormones.
-
Pagsasailalim sa radioactive iodine. Sinisira nito ang mga cells na gumagawa ng hormones.
-
Pagsasailalim sa surgery kung saan ang parte ng thyroid gland ay inaalis.
Sources: