Ano ang Telemedicine?

September 21, 2020

Ano ang  Telemedicine?

Ang telemedicine ay isang uri ng malayuang pagbibigay ng pangangalagang medikal. Kadalasan, ginagawa ito sa pamamagitan ng video chat. Nag-aalok ito ng benepisyo sa mga pasyente at sa mga healthcare providers.

Sa pamamagitan ng telemedicine services, maa-access ang malawak na saklaw ng pangangalaga na maaaring pagpilian, kabilang ang primary care consultations, psychotherapy, physical therapy, at iba pang emergency services. Mahalagang maunawaan ang ibig sabihin ng telemedicine at kung paano it makatutulong sa iyo.

Ano ang Telemedicine?

Ang telemedicine ay nag-aalok ng healthcare services gamit ang mga digital devices tulad ng computers at smartphones. Karamihan ng nag-aalok nito ay gumagamit ang video conferencing kapag may telemedicine consultation. Gayunpaman, pinipili pa rin ng ibang providers na gawin ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng email at phone massaging.

                           

Ginagamit ng mga doktor at pasyente ang telemedicine upang:

  • Masuri kung ang pasyente ay nangangailangan ng personal na gamutan
  • Magbigay ng ilang mga uri ng medical na pangangalaga,  tulad ng mental health treatment at pagsusuri para sa hindi malubhang impeksyon.
  • Magbigay ng reseta sa mga gamot na kaya mabili over the counter, tulad ng gamot sa ubo.
  • Mag-alok ng ilang uri ng therapy, tulad ng speech at physical therapy

Kapaki-pakinabang ang telemedicine kapag ang pasyente ay hindi kayang pumunta ng personal sa pagamutan at kung kailangan nito ng physical distancing.

Mga Benepisyo sa Pasyente:

Narito ang ilan sa mga benepisyong naibibigay ng telemedicine sa mga pasyente.

  • Mas mababang gastos – dahil mas maikling panahon lamang ang ilalagi sa ospital at nababawasan ang oras sa byahe at gastos sa gas.
  • Improved access to care – Mas pinahusay at pinadali ng telemedicine ang pag-access sa healthcare services para sa mga may kapansanan, bilanggo, at mga taong nakahiwalay ng tirahan o lugar.
  • Preventive care - Piadadali nito ang pag-access ng mga tao sa preventive care na nagpapabuti  sa kanilang kalusugan. Ito ay para sa mga taong hindi nabibigyan ng magandang pag-aalaga dahi sa pinasyal na dahilan.
  • Convinience – Maaaring ma-access ang pangangalaga  sa sariling bahay nang sarilinan at maginhawa.
  • Pagpapabagal sa pagkalat ng impeksyon – Nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng impeksyon mula sa pagamutan, lalo na sa mga pasyenteng may malalang kondisyon o mahinang immune system. 

Benepisyo para sa mga Healthcare Providers:

Ang mga healthcare providers na nag-aalok ng telemedicine services ay maaaring makakuha ng ilang benepisyo, kabilang ang:

  • Nababawasan ang sobrang paggastos
  • Karagdagang kita dahil mas maraming pasyente ang maaalagaan
  • Hindi masyadong lantad sa sakit at impeksyon
  • Patient satisfaction

Kailan Hindi Angkop ang Telemedicine?

Narito ang ilan sa mga disadvantages ng paggamit ng telemedicine.

Para sa Pasyente:

  • Insurance coverage – hindi lahat ay covered ang telemedicine
  • Medical data protection – maaaring ma-hack ang medical data ng mga pasyente
  • Care delays – dahil hindi makapagbibigay ang doktor ng life saving care o laboratory tests sa pamamagitan ng telemedicine, amaaaring maantala ang pagbibigay ng lunas lalo na kung emergency.

Para sa Health Providers:

  • Isyu sa paglilisensya
  • Technological concerns
  • Kawalan ng kakayahang suriin ang pasyente nang personal

Kailan kapaki-pakinabang ang telemedicine?

  • Kapag ang ang kondisyon ng pasyente ay hindi nangangailangan ng laboratory test o physical exam
  • Kapag may hadlang sa gamutan,tulad ng pandemyang COVID-19
  • Kapag malayo ang tinitirhan ng pasyente sa pagamutan
  • Kapag hindi na kayang magbiyahe ng pasyente

Sa panahon ng pandemya, malaki ang maitutulong ng telemedicine lalo na sa mga taong takot lumabas ng bahay. Siguraduhin lamang na maibibigay sa doktor ang tamang impormasyon tungkol sa iyong nararamdaman upang mabigyan ng tamang gamot o paraan ng paggamot. Ipakita o ipaalam ang anumang sintomas o pinsala, kung mayroon nito. Mahalagang suriin din ang credentials ng doktor na magbibigay ng payo ukol sa iyong karamdaman. Alamin ang telemedicine hotline sa inyong lugar upang magkroon ng panatag tuwing may emergency.

 

reference:


https://www.hindawi.com/journals/ddns/2019/7642176/

https://www.medicalnewstoday.com/articles/telemedicine-benefits

https://evisit.com/resources/what-is-telemedicine/