Summer tips para makaiwas sa ubo at sipon | RiteMED

Summer tips para makaiwas sa ubo at sipon

May 2, 2016

Summer tips para makaiwas sa ubo at sipon

Photo Courtesy of unsplash.com via Pexels

 

Panahon na ng summer para sa taong 2016. Oras na upang makapagpahinga’t makapag bakasyon kasama ang buong pamilya at mga kaibigan.

 

Kaakibat ng ating summer ang labis na pagkainit ng panahon taon-taon. Sa init na ating nararanasan, tiyak na samut-saring mga sakit ang maaari nating makuha; pangunahin na rito ang ubo at sipon. Hindi lamang sa malamig na panahon nauuso ang ubo at sipon ngunit pati na rin sa mainit na panahon dahil sa pagbabago ng temperatura.

 

Paano nga ba magkakaroon ng isang ligtas at masayang summer ng walang sakit? Sundin lamang ang mga sumusunod na tips upang makaiwas sa ubo at sipon ngayong panahon ng tag-init.

 

pool-778207_960_720.jpg

Photo Courtesy of 422737 via Pixabay


 

  1. Ugaliing maghugas ng kamay

    Ang paghuhugas ng kamay ay ang pinakamahusay na paraan upang makaiwas sa mga mikrobyo. Mahigit 80% na infection ang maaaring makuha sa pagkakaroon ng contact sa mga bagay na nahawakan o na-expose sa mga taong may ubo at sipon. Panatilihing malinis ang mga kamay upang makaiwas sa mga sakit na maaaring makuha dulot ng mababang resistensya. Maaari ring magbaon ng hand sanitizer saan man magpunta.

2. Umiwas sa stress

    Ang ating immune system ay mas bumababa kung tayo ay nakararanas ng stress. Maaaring mag out of town trip o manatili sa bahay at magpahinga na lamang upang maiwasan ang stress ngayong summer.

3. Uminom ng 8-12 baso ng tubig

    Siguraduhing hydrated ang pangangatawan lalo ngayong matindi ang init ng panahon. Ang pag-inom ng tubig ay tumutulong upang matanggal ang mga mapanganib na toxins sa ating katawan at makatulong sa pagpapalambot ng mucus na nagdudulot ng ubo at sipon.

 

sleeping-1311784_960_720.jpg

Photo Courtesy of smengelsrud via Pixabay


 

4. Magkaroon ng sapat ng tulog

    Isang senyales ng mababang immune system ay ang pagkaramdam ng pagod o fatigue. Ginagamot at inaayos ng katawan ang mga nasirang cells habang natutulog na syang nakatutulong sa pag-iwas sa mga karamdaman. Ang kulang na pagtulog ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng heart disease o stroke. Sundin ang recommended hours of sleep na naaayon sa edad kung maaari.

 

5. Umiwas sa mga taong may sipon at ubo

    Ito na maaari ang pinakamadaling paraan upang makaiwas sa ubo at sipon ngayong summer. Hangga’t maaari ay huwag lumapit sa mga taong nakararanas ng mga nabanggit na sintomas sa pamamagitan ng pag iwas sa paghawak sa mga bagay na nahawakan ng mga may sakit dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit tayo nahahawa.

 

6. Kumain ng masusustansyang pagkain

    Ang pagkain ng masustansiyang pagkain ay nakapagpapalakas ng ating katawan at immune system. Bawasan ang pagkain ng mga matatamis at matataba at ugaliing kumain ng mga gulay at prutas na mataas sa iba’t ibang uri ng vitamins at minerals gaya ng kamote, mansanas, meat, eggs, at mga green vegetables.

 

7. Magpabakuna

    Isang magandang paraan upang makaiwas sa ubo at sipon ay ang pagbabakuna laban sa flu. Ngayong panahon ng summer ay kadalasang nagkakaroon ng libreng bakuna sa mga public health centers ngunit maaari ring pumunta sa iyong doctor at humingi ng payo kung ano ang tamang vaccine na nararapat sa iyong katawan.

 

8. Mag-ehersisyo

    Ang pag-eehersisyo ay napatunayang epektibong paraan upang palakasin ang katawan laban sa sakit. Tuwing nag-eehersisyo ay naglalabas ang katawan ng endorphins na nagdudulot ng positibong pakiramdam. Ngayong panahon ng tag-init ay maaaring doblehin ang dami ng tubig na iniinom upang makaiwas sa dehydration tuwing nag-eehersisyo.

 

9. Umiwas sa pag-inom ng alcohol

    Masarap ang uminom ngayong summer hindi lamang ng tubig, ngunit pati na rin ng mga inuming nakalalasing. Napipigil ng pag-inom ng alcohol ang paglaban ng katawan sa mga mikrobyong nasa loob na ng sistema kung kaya’t marapating umiwas dito upang ma-enjoy ang summer ng walang sakit.


 

pexels-photo-58021-large.jpeg

Photo Courtesy of Nancy Zambrano via Pexels

 

10. Pagkakaroon ng positibong pag-uugali

    Ayon sa isang pag-aaral na nagawa, napatunayan na nakatutulong sa pagpapalakas ng immune system ang pagkakaroon ng postibong pag-uugali at pag-iisip. Importante ang pagkakaroon ng malakas at malusog na pangangatawan upang makaiwas sa mga sakit tulad ng ubo at sipon. Ngayong summer, siguraduhing pangangalagaan mo ang iyong kalusugan upang magkaroon ng masayang bakasyon na walang sakit na iniinda. Ito ay ang oras upang magsaya at makapag relax kung kaya’t sundin lamang ang mga tips na nabanggit upang maging memorable ang bakasyon ngayong summer ng 2016.



What do you think of this article?