Mga Uri ng Allergies Tuwing Tag-init

May 22, 2018

Ang tag-init o summer ay karaniwang panahon para mag-bakasyon o magpunta sa beach. Ngunit panahon din ito na nagdudulot ng iba’t-ibang allergies. Anu-ano nga ba ang mga karaniwang allergies na lumalabas tuwing tag-init?

 

1. Allergic Rhinitis

Ang allergic rhinitis ay nangyayari kapag ang iyong immune system ay nag-re-react sa mga particles na nasa hangin. Kabilang sa mga symptoms o simtomas nito ang mga sumusunod: paulit-ulit na pag-bahing, runny nose, watery eyes, at makating tenga, ilong at lalamunan.

Maraming posibleng maging dulot ng allergic rhinitis tuwing tag-init. Ang molds o amag ay mas nagiging laganap sa panahong ito. Ganoon din ang mga dust mites, na natatagpuan sa mga maiinit at mamasa-masang lugar. Kapag ang mga ito ay nahalo sa hangin at nalanghap, maaring maging sanhi ito ng allergic rhinitis. Ang mga pollen na galing sa mga puno, damo at bulaklak ay maari din magdulot ng ganitong uri ng allergy.

Para maiwasan ang pagkakaroon nito, mahalagang panatiliing malinis ang ating mga bahay. Ang madalas na paglinis ay makakatulong sa pagpigil sa pagtubo ng molds o pagkakaroon ng dust mites. Hanggat maaari, iwasan din ang mga lugar na maalikabok o mga mahahalamang lugar. Nakakatulong din ang pag-maintain ng proper hygiene.

undefined

https://pixabay.com/en/broom-ragpicker-mop-picker-toilet-1837434/

Ngunit kung magkakaroon ng mga simtomas, ang kadalasang gamot na ibinibigay ay over-the-counter allergy medicines tulad ng anti-histamines na loratadine, cetirizine o diphenhydramine. Minsan ay ibinibigay din ang corticosteroid nasal spray at eye drops. Kung ang mga ito ay hindi umuubra o napansin na malubha ang epekto ng allergy, mas mainam na magpatingin kaagad sa doctor.

 

2. Skin Allergies

Ang skin allergies ay nangyayari tuwing ang ating balat ay nag-oover-react sa isang bagay na tumama dito. Ito rin ay tinatawag na contact dermatitis. Ito ay nagreresulta sa pamumula at pangangati ng balat at maaring magdulot ng hives o ang pagkakaroon ng mapula at maliliit na umbok sa balat. Ang mga simtomas para sa skin allergies ay maaring lumabas kaagad-agad o maaring lumabas lamang ito matapos ang isa hanggang dalawang araw.

Tulad ng allergic rhinitis, nagiging sanhi din ng skin allergies ang mga pollen, dust mites at alikabok sa hangin. Dahil narin sa init, mas madalas tayong pagpawisan kaya mas madalas na kapitan ng dumi at allergen.

Madalas din ang pag-swimming o pagpunta sa beach tuwing tag-init kaya dapat maging alerto sa posibleng pagkakaroon ng skin allergy na dulot ng maduming tubig. Siguraduhing maliligo ng maayos matapos magbabad sa swimming pool o dagat. Maging masuri din sa gagamitin na sun screen dahil maaring allergic ka pala dito.

Para maiwasan ang skin allergies, sumunod sa proper hygiene para mapanatilihing malinis ang katawan. Mag-ingat sa mga pupuntahang bakasyunan at siguraduhin na madalas ang pagligo para maalis ang mga allergens sa balat. I-check din kung ang mga produkto, na ginagamit sa balat na tulad ng sun screen ay hindi allergic para saiyo. Kung mananatili naman sa bahay, regular na linisin ito.

Kapag nagkaroon ng skin allergy, importanteng magpatingin kaagad sa doktor para mabigyan ng tamang abdvise sa kung anong gamot ang maaring gamitin. Para sa mga hindi malubhang kalagayan, karaniwang treatment na binibigyan ang oral medicine tulad ng loratadine, cetirizine o diphenhydramine, o topical medicine tulad ng hydrocortisone cream.

Tandaan na mayroong ding ibang skin conditions na lumalabas o nagiging mas malubha tuwing tag-init. Halimbawa nito ang eczema (na tinatawag ding atopic dermatitis), seborrheic dermatitis (o drandruff) at heat rashes (o prickly heat). Magpatingin kaagad sa doktor kung ang skin allergy ay hindi gumagaling o kung ito ay nagiging malubha.

undefined

Photo by Sanddollar from Pexels (https://www.pexels.com/photo/six-assorted-colors-tote-bags-on-white-wooden-cabinet-634538/)

 

Ang allergy, mapa allergic rhinitis o skin allergy man, ay maaring tumama sa kahit anong edad o kahit anong okasyon. Importanteng laging maging handa kaya ito ang iilang tips para sa isang allergy worry-free na summer:

 

1. Laging sumunod sa proper hygiene. Mahalaga ang regular na pag-ligo lalo na kung galing sa ibang lugar.

2. Regular na linisin ang bahay lalo na ang mga lugar na maalikabok at ang mga lugar na mainit at madalas tubuan ng amag.

3. Alamin ang simtomas ng allergic rhinitis at skin allergies. Alamin din kung ikaw ay may history nito. Kung mayroon man, alamin ang mga allergens na nakakapagdulot ng allergies mo.

4. Kung magbabakasyon, magbaon ng mga antihistamine tulad ng loratadine, cetirizine o diphenhydramine. Alamin din ang pinakamalapit na ospital sa lugar ng bakasyunan.

Ngunit tandaan, mas mainam parin na kumonsulta kaagad sa doktor kung sinusupetsa na mayroong allergy.

 

Source:

https://www.webmd.com/allergies/summer-allergies#1

https://www.webmd.com/allergies/tc/allergic-rhinitis-overview#1

https://www.webmd.com/allergies/antihistamines-for-allergies

https://www.webmd.com/allergies/skin-allergies#1

https://www.healthdirect.gov.au/summer-skin-rashes

https://mydoctorfinder.com/healthy-blogs/5-most-common-allergens-in-the-philippines

http://news.abs-cbn.com/lifestyle/04/22/16/itchy-skin-common-allergies-during-summer