Ang summer ang nagtatakda sa panahon ng saya at ligaya. Sapagkat walang pasok sa eskwelahan ang mga kabataan tuwing summer, gustong magpalamig at pumunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas maging sa ibang bansa ang karamihan sa kanila.
Bagama’t mainam na magbakasyon sila pagkatapos ng hirap na nilaan nila sa pag-aaral at trabaho, kailangan pa rin nila siguraduhin na ligtas sila sa kanilang pupuntahan. Mahirap ang magkasakit lalo na habang nasa bakasyon. Hindi rin sila masisisyahan sa kanilang pupuntahan dahil kailangan nila magpagaling.
Kung isa ka sa mga aligaga tuwing may nakaplanong pag-alis o di kaya’y may inaalala sa kalusugan gaya ng pagkakaroon ng asthma at sore throat, marapating basahin ang mga sumusunod na travel tips para sa isang ligtas na summer vacation. Masisiguro rin ng mga paraan na ito na ikaw ay magsasaya ng lubos sa iyong pupuntahan bilang reward sa kanilang pagsisikap sa paaralan o sa opisina.
-
Tiyaking nasa magandang kundisyon ang katawan bago umalis. Upang makasiguro ay maaaring magpatingin sa espesyalista at humingi ng recommendation na nararapat para sa ating katawan
-
Huwag kalilimutang magdala ng gamot (medicine) kung may karamdamang iniinda. Ilan sa mga gamot na nabibili over-the-counter na maaaring baunin sa pag-alis ay ang mga sumusunod:
Photo courtesy of Ritemed
-
-
Ibuprofen at paracetamol para sa sakit at pamamaga
-
Cough medicine o medicine for dry cough tulad ng carbocisteine at dextromethorphan para sa mga may ubo o cough
-
Kung ikaw ay may sakit gaya ng bronchitis o asthma, makabubuti na magpatingin muna sa doktor bago umalis. Ugaliing magtakip ng bibig kapag kinakailangan upang hindi makahawa sa ibang biyahero.
Photo courtesy of stock.tookapic.com via Pexels
-
Kung ikaw ay aalis ng bansa, tiyaking kumpleto ang lahat ng iyong dokumento. Marapatin ding kumuha ng health insurance sapagkat hindi lahat ng medical insurance sa Pilipinas ay sakop ang paglalakbay abroad. Maaari ring kumuha ng travel guide upang magturo sa iba’t ibang maaaring gawin sa bansang iyong pupuntahan.
-
Alamin ang address at numero ng local government ng bansang iyong pupuntahan, pati na rin ang mga detalye ng Philippine embassy sa bansang pupuntahan niyo. Ang mga opisinang ito ay maaari kang matulungan sa oras ng pangangailangan.
-
Pag-aralang mabuti at alamin ang kultura ng lugar na pupuntahan upang makapag handa ng mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa lugar na iyon. Halimbawa, may mga bansa na gumagamit ng dairy sa mga kanilang ulam. Kung ikaw ay lactose-intolerant, mainam na alamin ang mga potahe na walang dairy para ito lamang ang pwede mong kainin habang ikaw ay nasa bakasyon. Maganda rin na magdala ka ng baon at sarili mong pagkain para makaiwas ka sa sakit.
-
Kapag hindi sigurado sa isang lugar ay marapatin na lamang na magtanong sa mga lokal na nakatira sa iyong pupuntahan;. Laging tandaan na maging alerto sa lahat ng oras at huwag magtitiwala nang basta sa hindi kilala.
-
Magbibit parati ng tubig at ugaliin ang paginom nito upang mapanatili ang balance ng ating body fluids. Magdala rin ng snacks gaya ng tinapay at iba’t ibang prutas kung sakaling ikaw ay magutom sa biyahe.
-
Maglagay ng sunscreen sa balat at magdala ng payong upang makaiwas sa direktang sikat ng araw.
-
Magdala at gumamit ng mosquito repellant upang maiwasan ang anumang sakit na makukuha mula sa mga lamok tulad ng dengue, malaria, at iba pa.
-
Magbitbit ng sapat na kagamitan at iwasan ang padala ng marami kung hindi naman kinakailangan. Maaaring lagyan ng kandado ang mga bagahe para makaiwas sa mga magnanakaw. Kung sakaling mawalan ng gamit sa airport, magandang alamin ang karapatan bilang isang pasahero.
Photo courtesy of freestocks.org via Pexels
-
Para sa mga kababaihang nagdadalang tao, laging tandaan na doble ang kailangang pag-iingat kapag magbabakasyon. Marapating alamin ang mga patakaran ng airport na iyong napili.
Ang summer ay kadalasang panahon ng pagrerelaks kaya naman marami ang pumupunta sa iba’t ibang lugar mapa-lokal man o internasyonal. Siguraduhing walang pinoproblema upang maging maayos at masaya ang ating bakasyon sa pamamagitan ng pagsunod sa tips para sa ligtas na paglalakbay. Kailangan ng lubos na pagiingat at siguraduhing malusog ang pangangatawan bago umalis. Tandaan na ang kalusugan ang kailangang pangunahing alagaan sa lahat ng oras.