Mga Paraan Para sa Stronger Immune System ng mga Bata Ngayong Summer

May 22, 2018

Ang tag-araw sa Pilipinas ay panahon ng pagpunta sa beach at pagbisita sa mga lugar na nais nating bisitahin. Ang tag-araw ay panahon para magsama sama ang pamilya kasama ang mga bata. Ang pagpunta sa beach at pagbisita sa iba’t ibang lugar sa ilalim ng araw ay nakakabuti sa mental, pisikal at pangkapaligirang estado. Hindi lamang iyon, higit sa lahat ito ay nagbibigay kasayahan sa mga bata. Kaakibat ng aktibidad na ito ang mga bacteria, parasite, fungi, at virus na mapupulot at makukuha natin ngayon tag-araw.

Ang immune system ang lumalaban sa mga organism sa ating katawan. Ang mga bata ay lantad sa mga panganib na ito ngunit hindi nangangahulugang ang mga bata ay magkakasakit agad. Ang malakas na resistensya at matatag na immune system ang nagbibigay sa mga bata ng panglaban sa sakit. Ang mga batang may mahinang immune system ay mas madaling kapitan ng sakit tulad ng lagnat, trangkaso o mas  malubhang sakit.

 

Paraan para sa Stronger Immune System ng mga Bata

Ipinagtatanggol ka ng iyong immune system laban sa mga virus na nagdudulot ng mga karamdaman. Upang makamit ito, mahigit na pinapayo ng mga eksperto ang pagkain ng masusustansyang pagkain, ito ay mahalaga sa pagbuo ng malusog at malakas na immune system. Ang mga mahahalagang mineral na nakakapagbibigay sigla sa isang malakas na immune system ay Vitamin A, C, E kasama ang mga Fatty Acids. Ito ay nakukuha sa mga sariwang gulay, prutas, nuts, seeds, beans, at mga grains.
 

Ang mga ito ay mga simpleng hakbang na makakatulong na palakasin ang immune system ng mga kids at panatilihing malusog ang katawan sa buong tag-araw.

undefined

 

  1. Kumain ng maraming prutas, gulay, at whole grains - Mapalalakas nang husto ang depensa kung kakain parati ng gulay at prutas. Ang mga bitamina at mineral na makukuha sa mga pagkaing ito ang nagsisilbing gasulina sa mga cells na magpoprotekta sa katawan laban sa impeksyon.
  2. Kumuha ng sapat na tulog - Kapag ang isang bata ay kulang sa tulog, maaaring mas madali silang kapitan ng iba’t ibang sakit. Kapag kulang sa tulog, nababawasan ang natural killer cell. Ito ang nagsisilbing armas ng immune system sa pag-atake ng mga mikrobyo at mga selula ng kanser sa katawan.
  3. Mag-ehersisyo kasama ang buong pamilya - Ayon sa mga research, ang pag-eehersisyo ay nagdaragdag ng bilang ng natural killer cells sa mga matatanda - at ang regular na aktibidad ay maaaring makinabang sa mga bata sa parehong paraan.
  4. Mag-bilad nang ilang minuto para sa karagdagang Vitamin D - Ang pagbibilad nang 15 hanggang 20 minuto sa ilalim ng araw ay makatutulong sa produksyon ng vitamin D sa ating katawan. Ang mga taong may mataas na lebel ng vitamin D ay hindi madaling makakapitan ng sakit.
  5. Uminom ng maraming tubig - Ang tubig ay may malaking bahagi sa ating immune system, ito ay tumutulong sa atin na labanan ang sakit. Bukod sa pagiging isang mahalagang bahagi ng mga likido sa iyong katawan, ang tubig ay kailangan ng bawat cell upang gumana nang normal.Kailangan ng tubig upang matunaw ang pagkain at mapupuksa ang sobrang dumi sa ating katawan. Pinapayuhan  ng mga eksperto na manatiling hydrated ngayong tagaraw.
  6. Mag-ingat sa pagkalat ng mikrobyo - Ang pakikipaglaban sa mga mikrobyo ay hindi makapagpapalakas ng immunity, ngunit isang mahusay na paraan upang mabawasan ang stress sa immune system ng iyong anak

Pinapayuhan din ng mga eksperto na magkaroon tayo ng kamalayan sa mga impeksyon. Upang mapanatiling matatag at malakas ang ating immune system, hinihikayat ang  madalas na paghuhugas ng ating mga kamay sa maya’t maya lalo na pagkatapos gamitin ang banyo at kapag galing sa labas ng bahay. Laging tandaan na hugasan ang mga prutas at gulay bago kainin ang mga ito at hindi kailanman ubusin ang anumang bagay sa nakalipas na petsa ng pag-expire nito.

Ang isa sa pinakaimportanteng cells ng immune system ay ang white blood cells. Ang pagkain ang iyong pinakamahusay na mapagkukunan ng pampalakas ng immune system. Narito ang ilan sa mga foods to boost immune system of kids:

  1. Yogurt - Ang good bacteria o probiotics na nakukuha sa yogurt ay epektibong  pampalakas ng resistensya. Tiyaking may mga live o active cultures (lactobacillus and bifidobacterium strains) ang bibilhing yogurt.
  2. Walnuts - Ang walnuts ay may malusog na omega-3 fatty acids. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang sakit sa mga kids.
  3. Prutas at Gulay - Ang mga bitamina at mineral na makukuha sa mga pagkaing ito ang nagsisilbing gasulina sa mga cells na magpoprotekta sa katawan laban sa impeksyon.
  4. Pakwan - Kapag hinog na ang pakwan, ito ay naglalabas ng maraming antioxidant. Ito ay nakakalakas ng immune system para malabanan ang iba’t ibang impeksyon sa katawan.
  5. Mushrooms - Ibinibigay nito ang mineral selenium at ang vitamin B, riboflavin at niacin na nakakatulong sa maraming paraan. ng riboflavin at niacin ay may papel sa isang malusog na immune system.

Laging tandaan na huwag kalimutan ang kahalagahan ng sapat na pahinga dahil ito ay nakakatulong  sa ating katawan dahil sa healing at repairing na kakayahan nito. Kaya ienjoy ang iyong tag-init, magkaroon ng mabuti at ligtas na paglalakbay, at tandaan na suportahan ang iyong immune system palagi. Ang pamumuhay nang masigla at aktibo ang tanging paraan upang mapalakas ang depensa laban sa mga nakakahawang sakit. Ugaliing magpacheck-up ng regular sa inyong doctor at itanong ang mga nararapat na bitamina para sa mga kids at itanong ang mga nararapat niyong gawin upang makaiwas sa mga sakit.

 

Reference:

https://www.parents.com/health/cold-flu/cold/boost-childs-immunity/

https://www.webmd.com/cold-and-flu/features/boost-immune-system#1

https://www.webmd.com/parenting/features/kids-and-dirt-germs

https://symptoms.webmd.com/cold-flu-map/keep-immune-system-healthy

https://www.webmd.com/parenting/features/immune-system#1