3 Healthy na Summer Merienda para sa mga Bata

March 02, 2017

Sa darating na tag-init, maguumpisa na ang summer vacation ng mga chikiting. Marahil ay mapapa-isip ka kung ano-anong pagkain ang mainam ihain sa kanila. Hindi lang ito dapat masarap, mas maganda kung makatutulong din ang mga meryenda sa pagpapaganda ng kanilang kalusugan. Sa katotohanan, madali lang gawin ang mga healthy snacks na aming tatalakayin.   

Kami ay nakalikom ng ilang recipe ng nutritious food na tiyak na magpapasaya sa inyong mga anak, pamangkin, at apo. Ang bawat isa ay madaling lutuin at paniguradong masarap.

Ginataang Munggo

Ang ginataang munggo ay isang mainam na pinagkukunan ng protina, na tumutulong sa pagpapalakas ng katawan. Mayaman din ito sa carbohydrates na siyang nagbibigay ng dagdag na enerhiya sa mga bata. Maaring ihain ito nang mainit o malamig, at masarap kainin kahit anong oras. Magandang parte rin ito ng isang balanced diet.

 

Mga Sangkap

  • ½ cup munggo
  • ½ kilo ng bigas na malagkit
  • gata
  • 2 cups evaporated milk
  • 250 grams asukal
  • 1 ½ litro ng tubig

 

Hakbang sa Pagluluto:

  1. Magpainit ng isang maliit na kawali. Dito lutuin ang munggo sa katamtamang apoy hanggang matusta.

  2. Hayaang lumamig ang tustadong munggo, pagkatapos ay dikdikin.

  3. Ilagay ang lahat ng sangkap sa isang kaserola, kasama ang dinikdik na munggo, at pakuluin.

  4. Kapag kumukulo na, hinaan ang apoy at haluin ang nilalaman upang hindi ito dumikit sa mga gilid ng kaserola.

  5. Ihain ang ginataang munggo sa isang magkok; lagyan ng evaporated milk bilang kanyang topping.

 

TIP: Maaaring mo ring lagyan ng powdered filled milk ang ginataang munggo bilang topping kung nais mo ng mas matamis at mas creamy na lasa.

Crunchy Garbanzos

undefined

Alam ba ninyo na ang garbanzos ay maaring maging singsarap at sing-crunchy ng potato chips? Kung mayroon kayong oven toaster, kayang-kaya ito. Ang kagandahan ng recipe na ito ay maaari mong kontrolin ang dami ng sodium sa snack, at maari mo pang isaayos ang flavor ayon sa iyong panlasa sa pagdagdag ng spices gaya ng paprika, seaweed, o cinnamon. Ito rin ay sugar-free snack, kaya maaari mong mailayo sa diabetes ang iyong anak sa pagkain nito.

 

Mga sangkap

  • 2 cups garbanzos
  • 4 tbsp. extra olive oil
  • Rock salt
  • 1 tsp. paprika, paminta, o cinnamon

 

Hakbang sa Pagluluto

  1. Painitin ang oven hanggang 200 degrees Celsius.

  2. Tanggalin ang tubig sa loob ng lata ng garbanzos. Banlawan at patuyuin ang mga ito, at ikalat sa isang paper towel na nakalatag sa baking sheet. Hayaan ng 15 minuto.

  3. Tanggalin ang mga paper towel. Ihalo ang garbanzos sa olive oil.

  4. Ipasok sa oven at hayaang maluto ng 45 minutos, o hanggang maging mapula at malutong. Haluin para hindi masunog.

  5. Tanggalin sa oven at ilagay ang paprika, paminta o cinnamon.

Fruit Jelly

undefined

 

Napakadaling gawin nitong dessert na ito. Hindi lang ito pumapawi ng init, ang jelly ay mabuti ring pagkain para sa digestive system. Ang collagen naman mula sa seaweed, na nahahanap sa agar-agar gelatine, ay nagpapalakas ng buto at kasukasuan, at nagpapaganda rin ng kutis. Bigyan ng happy ending ang meal sa paghahanda ng nutritious food na ito.

 

Mga sangkap

  • 4 cups fruit juice
  • 1 cup hiwang mangga
  • 1/2 stick ng agar-agar gelatine, dinurog
  • 1 cup ng tubig

Hakbang sa Pagluluto

  1. Sa isang kaserola, ilagay ang tubig at ang agar-agar gelatine. Pakuluin at haluin upang matunaw ang gelatine. Itabi pagkatapos.

  2. Sa isa pang caserola, ilagay ang 2 cups ng fruit juice at mangga. Pakuluin. Patayin ang apoy at isama dito ang tinunaw na gelatine at ang natitirang fruit juice.

  3. Ilagay sa mold. I-refrigerate ng 3-4 oras o isang buong gabi upang tumigas. Hiwain at ihain.

 

Sources:

  • https://draxe.com/mung-beans-nutrition/

  • http://steamykitchen.com/10725-crispy-roasted-chickpeas-garbanzo-beans.html

  • http://www.kidspot.com.au/kitchen/recipes/3-ingredient-real-fruit-jelly-3323

  • https://www.getthegloss.com/article/seaweed-the-superfood-for-skin-hair-and-health