Ang stress ay ang natural defense ng katawan laban sa nararamdaman o nagbabadyang panganib. Maraming klaseng triggers ang stress na tinatawag na stressors. Pwedeng related ito sa trabaho, relationships, pera, mga responsibilidad, at iba pang sitwasyon. Nakadepende sa taong nakakaranas ng stress kung paano siya magre-respond dito.
Kadalasan nga lang, imbis na maging taga-udyok ang stress para may matapos o maayos, nagiging sanhi ito ng pagkabagal sa pag-iisip, pagkabagabag ng emosyon, at kawalan ng gana sa pag-address sa mga concern na nagdala nito.
Walang pinipiling edad ang pagdanas nito. Maging ang mga bata ay nakakaranas ng stress. Ang stress in children ay pwedeng dala ng sobrang dami ng requirements sa school, problema sa bahay, peer pressure, pagiging biktima ng abuse, bullying, at iba pang incidents na nakakaapekto sa kanilang identity o pananaw sa sarili, o pagkawala ng mahal sa buhay.
Ilan sa signs na mapapansin sa isang bata kung siya ay nakakaranas ng bahagya hanggang matinding stress ay ang sumusunod na factors:
- Mga negative na pagbabago sa asal o behaviour gaya ng pagiging palaaway at mapag-isa;
- Biglaang mood swings at pagiging iritable;
- Pag-ihi sa kama kapag gabi;
- Pagiging hirap sa pagtulog;
- Kawalan ng gana kumain;
- Madalas na pagsakit ng ulo;
- Labis na pag-aalala;
- Hindi pagre-relax;
- Galit, pag-iyak, at pagsigaw na hindi maintindihan kung saan nagmumula; o
- Pagiging matatakutin.
Alamin dito ang ilang stress management techniques na pwedeng gawin ng mga magulang para magabayan ang kids mula sa pagkabahala sa murang edad.
- Magsimula ng mood-boosting diet.
Ayon sa scientific findings, may mga pagkain na nakakapagpagaan ng mood dahil sa taglay nitong vitamins at nutrients na nagsi-stimulate at relax ng isip lalo na kung nakakaranas ng stress ang mga bata. Ilan sa pwedeng ihain na pagkain sa kanila para sa stress treatment ang mga sumusunod:
- Fish – Dahil sa taglay nitong omega-3 fatty acids, nakakatulong ang fish products na mapanatiling kalmado ang mood.
- Mga pagkaing mayaman sa selenium – Ang selenium ay isang mineral na importante sa pagbabalanse ng mood. Subukang mag-prepare ng recipes na nagtatampok ng chicken, brown rice, oatmeal, eggs, low-fat cheese, o low-fat yogurt.
- Vegetables – Karamihan sa beans at green leafy vegetables ay mayaman sa folic acid o folate na nagpapataas sa level ng serotonin sa utak. Ang kemikal na ito ang tinatawag na “happy hormones” na kailangan para gumaan ang mood ng kids. Ihalo ang lettuce, broccoli, soy beands, o spinach sa kanilang lunch time baon para in the mood sila mag-aral buong araw!
Photo from Unsplash
- Mga pagkaing mayaman sa Vitamin C – Kapag mababa ang supply ng Vitamin C sa katawan ng mga bata, nagdadala ang deficiency na ito ng madaling pagkapagod, pagkabalisa, at pabago-bagong moods. Bukod sa pagpapakain ng prutas gaya ng papaya, orange, bayabas, lemon, at berries, maaaring bigyan ang kids ng Ascorbic Acid supplements para sa kumpletong dietary allowance ng bitaminang ito.
- Siguraduhing may sapat na pahinga ang mga bata.
Kung maraming iniintindi at inaalala ang mga bata lalo na sa family relationships, academics, at iba pang concerns, isa sa epektibong stress management techniques na pwedeng i-encourage ng mga magulang ay ang pagpapahinga at pagre-relax. Naiaalis nito ang pag-aalala ng kids sa kung anumang gumugulo sa kanilang isipian at nakakatulong para maging kalmado mula sa nararanasang stress.
Mahalaga na makita at maramdaman ng mga anak na kasama nila ang kanilang mga magulang sa mga oras na ito para maiwasan ang pag-iisip na wala silang karamay sa kanilang pinagdadaanan. Pwede ring suportahan ang kanilang pagpapahinga sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagpapatugtog ng nakakakalma na mga kanta;
- Paninigurado na malinis, mabango, tahimik, ligtas, at komportable ang kanilang silid o paligid; at
- Pagpapaalala na maglinis muna ng katawan para lubusang makapag-relax.
- Maging mas approachable at supportive.
Photo from Unsplash
Ang stress in children ay maiibsan kung mararamdaman ng mga bata na sinusubukan silang intindihin ng kanilang mga magulang. Magbukas ng mga pagkakataon para makinig sa kanilang mga kwento, saloobin, opinyon, maging ang kanyang mga takot, sama ng loob, at suggestions. Iwasan ang pagiging kritikal at negatibo sa kanilang mga sinasabi. Bukod sa pagiging open sa communication, may ilang steps pa para maging epektibo ang stress treatment sa kanila:
- Samahan sila sa panonood ng TV shows, movies, at videos na galing sa internet. Gabayan sila sa mga kinokonsumo nilang mga produkto ng media bilang pagsuporta at pag-iingat sa kanilang isipan. Makakabuti rin kung imo-monitor ang kanilang online activities.
- Bumuo ng quality time na may communication at activities na kanilang kinaiinteresan. Malaki ang maitutulong nito sa pagpapatibay ng relationship sa pagitan ng anak at magulang at nakakapagpataas ng self-worth ng kids. Kapag mas malalim ang tiwala ng kids sa parents, mas madali para sa kanila ang maging vocal sa kanilang mga nararamdaman na stress o ligaya.
- Siguraduhing may loving at caring environment sa tahanan. Huwag i-expose ang mga bata sa labis na pagtatalo, violence, at mga problema na hindi pa nila dapat nauunawaan sa kanilang edad. Sa kabilang banda, maaari silang i-involve sa decision-making at ibang ‘di-gaanong stressful na aspeto sa pamamalakad ng pamilya para maramdaman nila na sila ay may mahalagang role bagama’t bata pa.
- Mag-encourage ng active lifestyle.
Kapag may aktibong pamumuhay ang kids, makakapag-manage sila ng stress nang maayos. May mga disiplinang naituturo ang pag-eehersisyo araw-araw, pagiging involved sa sports, at pagkakaroon ng oras para maglaro. Nakakapag-release din ang mga gawaing ito ng stress dahil nagiging malaya ang pag-iisip sa pagiging masaya, creative, at strategic. Ilan sa stress management techniques na pwedeng gawin sa aspetong ito ay ang:
- Pagkakaroon ng daily family exercise time;
- Pagse-schedule ng playdates;
- Pag-eencourage sa mga bata na sumubok ng sports; at
- Pagiging supportive sa kanilang pagiging bata.
Mas mapapabuti ang kalagayan ng mga bata laban sa stress kung kasama nila ang parents sa pagharap sa mga ito. Samahan silang tukuyin kung paano nagsisimula ang kanilang labis na pagkabahala at maging handa sa hakbang na kailangang gawin para ma-manage ito sa maagap at tamang paraan. Ang pinaka-epektibo pa rin na proper stress management techniques na pwede nating ituro sa kids sa murang edad nila ang pagiging good example sa pag-handle ng stress sa buhay.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/145855.php
https://kidshealth.org/en/parents/stress.html
https://medlineplus.gov/ency/article/002059.htm
https://www.kidsmatter.edu.au/health-and-community/enewsletter/how-kids-experience-stress
http://www.apa.org/helpcenter/stress-children.aspx
https://www.webmd.com/diet/features/foods-to-uplift-your-mood#2
https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/benefits-vitamin-c/faq-20058271