Ano ang kinalaman ng stress sa high blood pressure?

March 10, 2019

Ang katawan natin ay nagbubunga ng mga hormones sa tuwing tayo ay nasa stressful na sitwasyon. Ang mga hormones na ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng saglitang pagtaas ng ating blood pressure sa pamamagitan ng mabilis na pagtibok ng puso pati na rin ang paninikip ng dibdib.

Walang pag-aaral ang nakakapapatunay na may kinalaman ang stress sa pagkakaroon ng pangmatagalang sakit tulad ng hypertension, ngunit ang reaksyon o paraan ng pag-manage natin dito ang nakakaapekto sa pagtaas nito.

Mga hindi dapat gawin sa kapag nakakaramdam ng stress?

  • Ang sobrang pag-inom ng alcohol
  • Paninigarilyo
  • Pag-kain nang hindi naaayon sa diet o stress eating

Bukod sa reaksyon natin sa stress, may ilang kondisyon (maaaring mental o emosyonal) na pwedeng maging dulot ng high blood pressure

  • Anxiety o sobrang pag-aalala
  • Depression o mental disorder kung saan ang may sakit ay nakakaranas ng sobrang kalungkutan

undefined

  • Pag-iisa o isolation dahil malayo sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, o asawa.

Ano ang maaaring maging resulta kapag hindi na-manage ang stress mo?

  • Heart attack o ang pagbara ng dugo sa daluyan na sanhi ng pagkasira ng kasu-kasuan sa puso
  • Stroke o ang kondisyon kung saan kulang ang supply ng dugo sa iyong utak kaya hindi sapat ang oxygen at nutrients na kinakailangan nito
  • Heart Failure o ang pagbagal ng daloy ng dugo habang tumataas naman ang pressure ng ating puso
  • Problema sa bato o kidney

Mga gabay para maiwasan ang stress:

  • Ayusin ang schedule at I-manage ang mga gawain

Kung pakiramdam mo ay palagi kang nagmamadali, tignan mo nang maigi ang iyong iskedyul o mga kailangang gawin – sa trabaho, bahay, o eskwela. I-bukod o tanggalin ang mga aktibidad na hindi naman kinakailangang matapos agad upang ikaw ay makapag-focus.

  • Mag-breathing exercise upang makapag-relax

Huminga nang malalim at bagalan ang paghinga habang nakapikit. Nakatutulong ito para makapag-relax ang iyong isip pati na rin ang iyong katawan.

  • Mag-ehersisyo nang regular

Ang pagkakaroon ng pisikal na aktibidad o isport ay isang natural na stress reliever.    Siguraduhin lamang na alam ng inyong doktor para makapagsabi ito ng opinion kung makatutulong ang aktibidad na ito sa kasalukuyang sitwasyon ng iyong pangangatawan.

  • Magkaroon ng sapat na tulog kada araw

Kapag hindi tayo nakakatulog nang sapat na oras, ang kadalasang ginagawa ng iba ay mag-isip ng mga problema kaya mas lalong nas-stress

  • Ibahin ang pananaw sa buhay

Sa tamang pag-manage ng mga problema, ang pagrereklamo ay hindi nakakatulong sa pag-solusyon nito. Magkaroon ng tamang pang-unawa sa mga sitwasyon upang

     makapag-focus kung paano ito mareresolba.

  • Kumain ng sapat at tama

      Isa ring paraan para maiwasan ang stress ay ang pagbibigay ng oras sa sarili para kumain ng mga masusustanyang pagkain na makakatulong sa ating kalusugan. Huwag din kalilimutan na uminom ng vitamins tulad RiteMED Sodium Ascorbate para may   pangontra sa mga nakakahawang sakit.

References:

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/hypertension

https://www.ritemed.com.ph/articles/stress-management-araw-araw-na-gabay-para-maiwasan-ang-stress

https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-epekto-at-sintomas-ng-stress

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/in-depth/stress-and-high-blood-pressure/art-20044190